09/10/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ฅ๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฌ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐๐๐ญ ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ
Noong Oktubre 7, 2026 nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac at Public Employment Service Office (PESO) Capas ng TUPAD Orientation at Contract Signing para sa 437 benepisyaryo.
Sa pangunguna ni DOLE Tarlac OIC Jason P. Ocampo, ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mahahalagang alituntunin, tungkulin, at work arrangements na kanilang susundin bago magsimula ang kanilang pansamantalang trabaho ngayong Oktubre.
Sa kabuuang bilang, 197 benepisyaryo ang kabilang sa Tuloy Pasada Program, kung saan magsasagawa ng pamamasada ang mga tsuper nang hindi bababa sa 15 araw.
Samantala, 240 benepisyaryo naman ang kabilang sa regular TUPAD at magsasagawa ng community service, kabilang ang paglilinis at iba pang gawaing makatutulong sa mga paaralan at barangay sa kanilang lugar.
Sa pamamagitan ng TUPAD, nabibigyan ang mga manggagawang nangangailangan ng pansamantalang trabaho at kita habang nakapag-aambag din sa mga gawaing kapaki-pakinabang sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng DOLE, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Francis N. Tolentino, ang paghahatid ng mga programang nagbibigay ng konkretong suporta at oportunidad sa mga manggagawa, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang pagkakakitaan.