29/04/2026
PABATID📢📢
Magkakaroon ng Low-Cost Spay and Neuter (Kapon) ang Pet Partner Philippines, Inc. katuwang ang local Vet Clinic, Vets Beyond Borders para sa maayos na post-operative care ng inyong mga alaga.
💡 Paalala: Isa itong external activity/announcement at hindi direktang programa ng Tarlac City Veterinary Office.
Isa itong magandang pagkakataon para makapagpakapon sa mas abot-kayang halaga mahalaga ito sa responsableng pag-aalaga at sa pagkontrol ng stray animal population sa komunidad.
📣 Para sa schedule, requirements, at registration, pakibasa ang original post mula sa kanilang page na naka-share sa ibaba 👇
Suportahan natin ang layuning magkaroon ng mas ligtas at mas malusog na komunidad para sa ating mga alaga. 🐶🐱
Magpakapon na!
-gdc
🐾 KAPON EVENT – MAY SCHEDULE! 🐾
Alagaan natin ang kalusugan ng ating mga alaga at iwas overpopulation! 💚
Samahan kami ngayong May para sa ating kapon event.
✔️ Ligtas
✔️ Abot-kaya
✔️ Para sa a*o at pusa
Responsableng pag-aalaga, nagsisimula sa kapon. 🐶🐱
✅𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂
🗓️May 1, 2026—FRIDAY, 8:00 AM
📍Covered Court, Barangay San Rafael, Tarlac City, Tarlac
PIN: Barangay San Rafael Covered Court
📍Google Map: https://maps.app.goo.gl/QGdXMa2eZPya72zM6
📑Registration: https://forms.gle/C2nE62BPfMTppxDq9
25/04/2026
Libreng Spay at Neuter sa mga A*o at Pusa: Pagsusulong ng Responsableng Pag-aalaga ng Hayop.
Katatapos lang ng Free Spay and Neuter program sa pakikipagtulungan ng IWCT Philippines, kung saan mahigit 50 na a*o at pusa ang nabigyan ng libreng operasyon. Bukod dito, nagkaroon din ng seminar tungkol sa Responsible Pet Ownership at Rabies Awareness para mas maging informed at responsable ang bawat pet owners.
Simpleng paalala lang, hindi lang basta-basta ang pag-aalaga ng mga a*o at pusa responsibilidad rin natin ang kanilang kalusugan at kaligtasan. Siguraduhing updated ang kanilanh bakuna, sapat ang pagkain at tubig, may maayos na tirahan, at hindi pinapabayaan na gumala kung saan-saan. Ang pagpapakapon ay isa ring paraan para maiwasan ang sobrang pagdami ng hayop at mas mapanatili silang malusog.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta! Tuloy-tuloy lang tayo sa pagiging responsableng pet owners para sa mas ligtas at masayang komunidad. 🐶🐱
-gdc
23/04/2026
🚨‼️ RABIES ALERT ‼️🚨
Ipinapaalam sa lahat na may naitalang kumpirmadong ka*o ng rabies sa isang a*o mula sa Brgy. Laoang.
Bilang pag-iingat, hinihikayat ang lahat na:
✅️ Iwasan ang paglapit at paghawak sa mga hayop na gala o may kakaibang kilos
✅ ️Siguraduhing updated ang bakuna ng mga alagang hayop laban sa rabies
✅️ Panatilihing nasa loob ng bakuran o maayos na nakatali ang mga alaga
✅ ️Agad na magtungo sa pinakamalapit na health center kapag nakagat o nakalmot ng hayop
Ang rabies ay isang seryosong sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pag-iingat. Makiisa at maging mapagmatyag para sa kaligtasan ng bawat isa.
TANDAAN!
MAPIPIGILAN DIN ANG PAGKALAT NG RABIES KUNG HINDI NATIN HAHAYAANG MAGPAGALA-GALA ANG MGA A*O AT PUSA SA KALSADA.
15/04/2026
Hawak mo ang beat pero mas importante—hawak mo ang tamang meat safety habits!
Don’t let the heat compromise your food! Follow proper meat safety practices during summer to keep every meal safe and your family protected.
Stay Safe This Summer!