25/08/2026
𝐃𝐌𝐖 𝐑𝐎 𝐈𝐈𝐈 𝐍𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐎𝐅𝐖𝐬 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜
Isinagawa ng Department of Migrant Workers (DMW) Regional Office III ang Bayanihan Para sa mga Balikbayang Manggagawa noong Agosto 24, 2026 sa Tarlac Capitol Center, San Roque, Tarlac City.
Tampok ang mga serbisyo para sa reintegration, livelihood, financial planning, kalusugan, legal assistance, at iba pang pangangailangan ng OFWs at kanilang pamilya, katuwang ang National Reintegration Network (NRN).
Tinalakay nina Mr. Marlon P. Apostol, Jr. at Mr. Rafael Benito F. Feliciano ng DTI ang mga programa kabilang ang SBCorp; nagbahagi sina Ms. Ysobel Maria Rivera at Atty. John Angel Bautista ng CHR tungkol sa karapatan at proteksiyon ng migranteng manggagawa; at ipinaliwanag ni Ms. Gleizel Morales ng OFW Hospital ang mga serbisyong pangkalusugan para sa OFWs at dependents.
Pinangunahan naman ni Ms. Melanie M. Barnachea, Chief, Welfare and Reintegration Services Division, ang Kumustahan with OFWs and their Families.
Naghatid ng mensahe si Regional Director Atty. Marion S. Sevilla bago ang pamamahagi ng livelihood assistance. Sa ilalim ng Enhanced Livelihood Program for OFW Reintegration (ELPOR), 31 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong-puhunan para sa kanilang kabuhayan.
Isinagawa rin ang Job Fair para sa mga oportunidad sa Poland, Oman, United States, at Bahrain.
Nakiisa rin sina Winnie Frida M. Palma, Chief, Processing Division; Jayson M. De Leon, OIC-Chief, Finance and Administrative Services Division; at mga kawani ng DMW RO III sa paghahatid ng serbisyo.
Patuloy ang DMW RO III sa paglalapit ng mga programa at oportunidad upang matulungan ang ating mga OFW na makapagsimulang muli at makabuo ng mas matatag na kinabukasan sa sariling bayan