24/09/2026
๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ง๐๐ก๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐๐ข๐ ๐๐ฎ ๐ง๐๐ฌ๐๐๐๐ฆ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐
๐ 1. Saan matatagpuan ang libreng Public WiFi?
Matatagpuan ang libreng WiFi connectivity sa labas ng Barangay Hall, kung saan maaaring makakonekta ang mga nasa sakop ng WiFi hotspot.
๐ถ 2. Ano ang pangalan ng WiFi network?
Hanapin sa inyong cellphone, laptop, tablet, o iba pang compatible device ang network na:
๐ โTayabas Public WiFiโ
๐ฒ 3. Sino ang maaaring gumamit nito?
Lahat ay maaaring makinabang sa serbisyong ito! Nakalaan ang public WiFi para sa:
โข Mga residente ng Tayabas
โข Mga mag-aaral na nangangailangan ng internet para sa kanilang pag-aaral at research
โข Mga manggagawa at naghahanap ng trabaho
โข Mga bisita
โข Mga mamamayang kailangang mag-access ng online government services
๐ 4. Kailangan ba ng password?
Hindi kailangang magkaroon ng personal WiFi password upang makagamit. Sa halip, sundin lamang ang registration o authentication process na lalabas sa Tayabas Public WiFi portal.
โ ๏ธ 5. May mga paalala ba sa paggamit ng public WiFi?
Oo. Hinihikayat ang lahat ng users na gamitin ang libreng internet nang responsable, maayos, at naaayon sa batas.
Iwasang gamitin ang koneksyon para sa anumang ilegal na gawain, at maging maingat sa pagbabahagi ng personal, financial, at iba pang sensitibong impormasyon habang gumagamit ng public internet.
๐ก 6. Ano ang layunin ng libreng public WiFi?
Layunin nitong makatulong sa mga Tayabasin na magkaroon ng mas madaling access sa edukasyon, trabaho, online government services, impormasyon, at iba pang digital opportunities.
๐ 7. Saan maaaring humingi ng technical assistance?
Kung makaranas ng problema sa pagkonekta o may iba pang katanungan tungkol sa public WiFi, maaaring makipag-ugnayan sa OCM-ICT Section Fb Page o sa mga opisyal ng Barangay Hall para sa kaukulang assistance.
Sa pamamagitan ng Tayabas Free Public WiFi, patuloy na isinusulong ang isang mas konektado at digital-ready na Tayabasโkung saan mas maraming mamamayan ang nabibigyan ng pagkakataong matuto, magtrabaho, makakuha ng impormasyon, at maka-access ng mahahalagang serbisyo online.