Panawagan sa mga kasalukuyang at mga magbabalak na maging pulitiko sa Taytay.
Magkaiba man ang inyong plataporma at mga naisin para sa bayan, nawa'y itaguyod nyo naman ang kapakanan ng Taytay at ipaglaban ang nararapat para sa bayan.
Hindi yung sunod-sunuran kayong lahat sa ipag-utos o nanaisin ng namamahala sa probinsYa at sa Distrito.
Matuto naman kayong manindigan para sa Taytay, jusmiyo!
Taytay Cityhood and Legislative District Movement
Matagal nang karapat-dapat na maging isang lungsod ang bayan ng Taytay at magkaroon ng sariling representasyon sa Pambansang Lehislatura.
Panahon na upang maisakatuparan ito!
18/08/2022
Gobernadora kayo ng lalawigan. Bakit kayo hanggang "sana all" lang if kaya nyo namang isakatuparan yan? Sabagay di nyo nga kayang suportahan ang pagiging lungsod ng Taytay na may sariling distrito.
Sya nga pala, di na kailangan ang cable car sa Tikling dahil may gagawing Line 4 if di pa po kayo aware.
Congratulations sa bagong mayor(-elect) ng Taytay Allan De Leon! Sana naman inyong maitulak ang pagiging lungsod ng bayan ng Taytay at magkaroon ito ng sariling representasyon sa kongreso. Baka naman...
06/05/2022
Ituloy ang kaunlaran kamo? Hahaha!!!
Baka ibig n’yong sabihin ay ituloy ang paghadlang sa kaunlaran!
Taytay cityhood and district now!
Base sa Local Government Code, maaaring maging lungsod ang isang bayan kapag ito ay may sariling kita na hindi bababa sa P100 milyon sa huling dalawang taon at may populasyon na hindi bababa sa 150,000 katao o may lawak na hindi bababa sa 100 kilometro kwadrado.
Pumasa ba ang Taytay sa mga kwalipikasyon na ito? OO!
- Ang Taytay ay may sariling kita na nasa average na mahigit na P1.1 milyon sa huling 2 taon (2020 at 2021)
- Ang Taytay ay may populasyon na 386,451 (2020 census) kahit na 38.80 kilometro kwadrado ang lawak lang nito.
At batay rin sa populasyon ng Taytay, kwalipikado rin itong magkaroon ng sariling representasyon sa Kongreso dahil ayon sa Konstitusyon, ang isang legislative district kinakailangan lang na hindi bababa sa 250,000 ang populasyon nito.
Sa kabila ng mga data na ito at endorsement na ginawa noon pa ng League of Cities of the Phiippines, hanggang ngayon ay walang kumikilos na isakatuparan ang pagkalungsod at pagkaroon ng sariling representasyon ng Taytay. Nakakalungkot rin na ang mga kandidato ngayon sa bayan ay hindi nasasambit ang mga adhikaing ito.
Dahil dito, binuo ang page na ito upang ipaglaban ang pagiging lungsod ng Taytay na may sariling representasyon sa Kongreso at maiparating sa mga kandidato at opisyal ng bayan, kahit saang partido o grupo ang kinaaaniban nila, na dapat nilang maisulong ang mga ito
Ang mga adhikaing ito ay hindi lamang para may maipagyabang ang Taytay. Higit sa lahat, ito ay pagkakataon na mas maranasan ng mga Taytayeño ang kaunlarang karapat-dapat.
YES TO A CITY OF TAYTAY!
YES TO A LEGISLATIVE DISTRICT FOR TAYTAY!
===
Sources:
https://cmci.dti.gov.ph/prov-profile.php?prov=Rizal&year=2021
https://archive.vn/20140518025813/http://lcp.org.ph/get_ne_detailed.php?id=9
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Taytay
1920
