05/10/2026
Mensahe ng Pagbati mula kay DepEd CALABARZON Regional Director CARLITO D. ROCAFORT sa pagdiriwang ng World Teachers' Day 2026
"Magandang araw sa lahat.
Ngayong World Teachersβ Day, ang ating palakpak, pasasalamat, at pagkilala ay para sa inyoβmahuhusay, masisipag, matitiyaga, at higit sa lahat, mapusong mga g**o ng CALABARZON.
Sa bawat batang inyong tinuturuan, may pangarap kayong binubuo. Sa bawat araling inyong inihahanda, may kinabukasang inyong hinuhubog. At sa bawat hamon na inyong hinaharap, pinipilit ninyong magpatuloy dahil alam ninyong may isang batang umaasa, matututo, at naniniwala.
Teacher, ikaw naman!
Inyong inuuna ang mga mag-aaral. Kayo ang laging handang magbigay ng oras, lakas, talento, at malasakit. Kayo ang nasa likod ng bawat tagumpay na ipinagdiriwang natin.
At tunay ngang mahuhusay ang mga mag-aaral dahil mahuhusay ang kanilang mga g**o!
Ang inyong husay at dedikasyon ay nasasalamin sa mga tagumpay ng CALABARZONβChampion sa National Schools Press Conference, First Runner-Up sa NFOT at sa Palarong Pambansa 2026. Nakikita rin ang bunga ng inyong pagtuturo sa magagandang resulta ng ating mga learners sa PISA 2025 at sa pagkilala sa mga top-performing divisions sa CRLA dahil sa kanilang highly effective reading programs at mahusay na assessment methodologies.
Ngunit higit pa sa mga medalya, tropeo, resulta at promotion, ang tunay na sukatan ng inyong tagumpay ay ang mga batang natutong mangarap, magsikap, at maniwala sa kanilang sariling kakayahan.
Maraming salamat sa inyong kahusayan, kasipagan, tiyaga, at pusong laging handang maglingkod. Salamat sa pagiging ilaw sa gitna ng mga hamon, gabay sa bawat pagkatuto, at inspirasyon sa bawat batang nangangarap.
Sa lahat ng ating minamahal na g**o sa CALABARZON, ang tagumpay na ating ipinagdiriwang ay tagumpay ninyo rin.
Teacher, ikaw naman!
Ikaw naman ang aming ipagdiriwang.
Ikaw naman ang aming pasasalamatan.
Ikaw naman ang aming pararangalan.
Happy World Teachersβ Day!
Maraming salamat at mabuhay ang mga mahuhusay, masisipag, matitiyaga, at mapusong mga g**o ng DepEd CALABARZON!
Mabuhay kayong lahat!"