06/04/2022
PABATID PUBLIKO | LIBRENG TULI 15 slots per day only.
Simula ngayong araw, ika-6 ng Abril, magkakaroon ng “Libreng Tuli” na gaganapin sa operating room ng Taytay Emergency Hospital na isasagawa ng isang espesyalista.
Paalala, first come, first served basis at tanging LABING-LIMANG (15) slots lamang ang maibibigay kada araw, simula LUNES hanggang BIYERNES kaya magtungo lamang sa Taytay Emergency Hospital Admin Office upang ipalista ang inyong anak. Ang libreng tuli ay magsisimula sa ganap na alas-sais ng hapon.
Source: Taytay Public Information Office
PABATID PUBLIKO |

31/03/2022
Ibinaba na sa mas maluwag na Alert Level 1 ang buong lalawigan ng Rizal simula bukas April 1 hanggang April 15, 2022, ayon sa huling anunsyo ng Malacañang.
Patuloy pa rin po ang ating paalala na laging mag-iingat at palaging sumunod sa mga health safety standards para sa proteksyon nating lahat.
29/03/2022
OPLAN LIBRENG TULI SA BRGY. MUZON BUKAS NA MARCH 30, 2022 | A Joint Project hatid sa inyo ng SK Federation of Taytay in partnership with Pamahalaang Barangay ng Muzon, Taytay, Rizal. Narito na ang LISTAHAN ng mga taga BRGY. MUZON na nag parehistro para sa gaganapin na Oplan Libreng Tuli bukas, March 30, 2022 sa Brgy. Muzon Covered Court.
OPLAN: LIBRENG TULI CARAVAN FOR BARANGAY MUZON ONLY
March 30, 2022, 9:00AM at Brgy. Muzon Covered Court
BASAHIN PONG MABUTI ANG CAPTION
Narito po ang Two Hundred Forty Three (243) na mga batang tutulian sa Miyerkules (March 30, 2022). Mag-uumpisa po ang ating Oplan Libreng Tuli sa ganap na ika - 9:00 ng umaga. Ang registration sa lugar na pagtutulian ay may cut-off hanggang 12:00 ng tanghali lamang. Hindi na po mag-aaccommodate ng walk-in.
Ang pagkakasunod-sunod po ng mga tutulian ay FIRST COME, FIRST SERVE basis. Magkakaroon po tayo ng registration at stubbing system para sa mas ikakaayos nito.
PAALALA: Bilang preparasyon po sa magaganap na pagtutuli, inaabisuhan din po namin ang mga magulang na kung sakaling mayroong buhok sa pribadong parte ang batang tutulian, mangyari lamang po na i-shave ito o i-trim ang buhok sa ari bago pumunta sa lugar ng pagtutulian. Mangyari din po sana na bagong ligo ang bata at malinisan ng maigi ang ari ng tutulian. Kailangan po ay tagpos na ang ari ng tutulian. Pauuwiin po ang bata kapag hindi pa tagpos.
Amin din pong mahigpit na ipinapaalala ang pagsusuot ng FACEMASK. Dalhin din po ang vaccine card ng magulang bilang pagsunod sa IATF Protocol.
Inoobliga din po na dapat may kasamang magulang o guardian ang inyong anak. Tanging ang tutulian at isang guardian/magulang lamang po ang aming papapasukin sa loob. Magbaon na rin po kayo ng makakain at bottled water upang hindi magutom sa pila. Magdala na din po ng payong upang hindi mabilad sa inaasahang katirikan ng araw.
Kung sakaling meron pong Philhealth ang magulang, magdala po ng xerox copy nito at birth certificate ng batang tutulian. Boluntaryo lamang po ang pagdadala ng philhealth ng magulang.
TANGING ANG MGA TIGA-MUZON LAMANG ANG TUTULIAN.
Para sa iba pang impormasyon o katanungan, magtext sa 0917-186-9792.
Maraming salamat po.
Source: SK FEderation of Taytay
24/03/2022
EARLY REGISTRATION FOR SY 2022-2023
Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, itinakda na ang Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng early registration sa mga pampublikong paaralan para sa SY 2022-2023, batay sa Memorandum No.17, s.2022.
Hinihikayat po namin ang lahat ng mga magulang at mag-aaral mula sa Kindergarten, Grade 1, 7, at 11 na magpalista na mula March 25 hanggang April 30, 2022.
Maaring makipag-ugnayan lamang po kayo sa pinakamalapit na pampublikong paaralan sa inyong lugar para sa early registration.
Samantala, para naman sa mga papasok na Grade 2-6, 8-10, at 12 ay pre-registered na at hindi na kailangan pang mag early-registration.
Taytayeños, makapag-aral ay karapatan mo, magpalista na!
22/03/2022
LIBRENG TULI PARA SA KABATAANG TAYTAYEÑOS | Schedule para sa Barangay Muzon, March 30, 2022.
Limited Slots only (250) kaya MAGPALISTA na. Spread and share this post sa mga Ka-Barangay Muzon.
Kabataang Taytayeños, handa na ba kayong maging ganap na binata?
Handog ng buong SK Federation of Taytay, sa pangunguna ni SK Federation President Dra. Zai Villanueva, kasama ang Taytay Emergency Hospital at mga volunteer doctors mula sa iba’t ibang institusyon ang OPLAN LIBRENG TULI CARAVAN para sa mga kabataang lalaki sa ating bayan.
Para sa mga nais magpatuli, makikita sa ibaba ang mga barangay at schedule kung saan pwede niyong puntahan.
PAANO MAGPALISTA?
Maaring mag-message lamang sa official page ng SK Federation of Taytay o makipag ugnayan sa SK Council ng inyong mga barangay kalakip ang mga sumusunod:
FB PAGE: SK Federation of Taytay
1. Pangalan at edad ng bata
2. Pangalan ng guardian na kasama sa araw ng tuli.
3. ID ng magulang at address kung saan nakatira.
4. Active contact number (dahil dito isesend ang inyong slot number).
5. Pagkatapos mag message ay hintayin lamang ang text confirmation para sa inyong schedule at iba pang detalye.
Tandaan: First 250 tuli patients lamang po ang i-aaccomodate per day.
Source: Taytay Public Information OfficeTaytay Public Information Office
19/03/2022
LIBRENG TULI PARA SA KABATAANG TAYTAYEÑOS | Schedule para sa Barangay Muzon, March 30, 2022. Limited Slots only kaya MAGPALISTA na. Spread and share this post sa mga Ka-Barangay Muzon.
Kabataang Taytayeños, handa na ba kayong maging ganap na binata?
Handog ng buong SK Federation of Taytay, sa pangunguna ni SK Federation President Dra. Zai Villanueva, kasama ang Taytay Emergency Hospital at mga volunteer doctors mula sa iba’t ibang institusyon ang OPLAN LIBRENG TULI CARAVAN para sa mga kabataang lalaki sa ating bayan.
Para sa mga nais magpatuli, makikita sa ibaba ang mga barangay at schedule kung saan pwede niyong puntahan.
PAANO MAGPALISTA?
Maaring mag-message lamang sa official page ng SK Federation of Taytay o makipag ugnayan sa SK Council ng inyong mga barangay kalakip ang mga sumusunod:
FB PAGE: www.facebook.com/SKFedTaytay
1. Pangalan at edad ng bata
2. Pangalan ng guardian na kasama sa araw ng tuli.
3. ID ng magulang at address kung saan nakatira.
4. Active contact number (dahil dito isesend ang inyong slot number).
5. Pagkatapos mag message ay hintayin lamang ang text confirmation para sa inyong schedule at iba pang detalye.
Tandaan: First 250 tuli patients lamang po ang i-aaccomodate per day.
Source: Taytay Public Information Office
17/03/2022
OPERATION TULI 2022, aarangkada na! 🍆✂️
Narito na ang schedule ng Operation Tuli na gaganapin sa 5 barangay ng Taytay. Basahin mabuti ang instructions kung paano makakarehistro.
15/03/2022
San Francisco Elementary School’s Orientation on the Eligibility Criteria for Participation, Existing Health Protocols and Safety Measures, mechanisms, and Procedures Needed in the Implementation of Expanded Limited Face-to-Face Classes
March 15, 2022
Pamahalaang Barangay ng Muzon, Taytay, Rizal