30/05/2026
๐จ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Patuloy ang pagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng L. Wood corner Jasmin bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at mga insidente ng pagnanakaw sa komunidad.
Layunin ng operasyong ito na mapalakas ang presensya ng kapulisan, mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, at matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mas pinaigting na anti-criminality operations.
29/05/2026
๐ฆ ๐๐๐๐
๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa isinagawang Traffic Situation Monitoring, nanatiling maayos at kontrolado ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada at interseksyon sa Barangay San Isidro, Taytay, Rizal.
๐ ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ซ:
โข Ortigas Juliana
โข Tropical Ortigas
โข Ortigas Simona
โข Andoks Ortigas
โข The Hive
โข L. Wood / Jasmin
โข Isagani
โข Rizal Ave. / P. Ocampo
โข Taytay Doctors
โข Estrella
Patuloy ang masusing pagbabantay at pagmamanman upang mapanatili ang kaayusan sa daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng bawat motorista at mamamayan.
29/05/2026
๐ฎโโ๏ธ ESTABLISHMENT VISITATION
Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at pag-iwas sa mga insidente ng pagnanakaw, nagsagawa ng establishment visitation ang mga tauhan ng Taytay MPS sa Petron na matatagpuan sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal. Pinangunahan ito ng PSB San Isidro sa pangunguna ni PCpl Turingan upang magbigay ng paalala ukol sa seguridad at mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga establisyemento at kapulisan bilang bahagi ng anti-criminality campaign laban sa mga lawless criminals.
๐ Lugar na binisita:
โข Petron โ Ortigas Avenue Extension, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa mga pribadong establisyemento, mas napapanatili nating ligtas at mapayapa ang ating komunidad.
29/05/2026
๐ฅ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Patuloy ngayong araw ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa Main Health Center ng Barangay San Isidro sa pangunguna ng ating BHW health team. Nagsagawa ng ibaโt ibang serbisyong medikal upang masig**o ang kalusugan at kapakanan ng bawat pamilya sa ating komunidad.
๐ฉบ Mga serbisyong naihatid:
โข 4Ps BP Monitoring
โข Pedia Meds
โข DMPA / Family Planning
โข BP Monitoring
Happy to serve ang ating health team para sa tuloy-tuloy na serbisyong may malasakit para sa mamamayan ng Barangay San Isidro! โ๏ธ
29/05/2026
๐ฝ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng Indian Tandooki Tadka Restaurant sa P. Ocampo St. na dagdag sigla at bagong pagpipilian para sa ating komunidad.
Naging makabuluhan ang pagbubukas nito bilang suporta sa patuloy na paglago ng mga lokal na negosyo sa Barangay San Isidro.
Patuloy nating suportahan ang mga negosyong nagbibigay serbisyo, oportunidad, at ambag sa mas masiglang komunidad.
29/05/2026
๐งน CLEAN-UP DRIVE | Pinagsalaan, Jasmin 1st
Nagsagawa ng clean-up operation sa creek area ng Pinagsalaan, Jasmin 1st bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.
Kabilang sa isinagawang aktibidad ang paglilinis at paghakot ng mga naipong basura sa daluyan ng tubig, kung saan nakalikom ng 51 sako ng mixed waste sa tulong ng 9 na miyembro ng BENRO Team.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paglilinis ng mga daluyan ng tubig, mas naiiwasan ang pagbabara, pagbaha, at iba pang panganib sa kalusugan ng mga residente.
Patuloy ang ating pagtutulungan para sa mas malinis, ligtas, at maipagmamalaking San Isidro.
29/05/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | May 29, 2026
Nagsagawa ng mobile patrolling ang mga kawani ng Taytay Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng seguridad sa komunidad.
Layunin ng aktibidad na maiwasan ang insidente ng robbery, mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad, at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente at motorista sa nasabing lugar.
๐ข Para sa anumang concern o kahina-hinalang gawain, maaaring mag-message o tumawag sa:
โ๏ธ BPSO Hotline: 0968-320-5175
Sa patuloy na pagtutulungan at pakikiisa ng bawat isa, sama-sama nating napapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang Barangay San Isidro.
29/05/2026
๐ฉบ SAN ISIDRO HEALTH SERVICES | BAKUNA DAY
Isinagawa sa Tancinco Health Center ang paghahatid ng ibaโt ibang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng komunidad.
Mga serbisyong naihatid:
โข Bakuna Day
โข Infant Immunization
โข Vitamin A
โข Dispensing of Pen Med
โข Blood Pressure (BP) Monitoring
โข Family Planning (Pills/Condom)
Sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, mas napapalapit natin ang alagang may malasakit para sa mas malusog na Barangay San Isidro!
29/05/2026
๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | St. John the Baptist School
Isinagawa ngayong May 29, 2026 ang misting operation sa paligid ng St. John the Baptist School bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat laban sa pagdami ng lamok at pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral, g**o, kawani, at mga residente sa lugar.
Patuloy ang ating mga hakbang upang mapanatiling maayos, ligtas, at malinis ang komunidad sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan.
28/05/2026
๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Palmera 3 & 4
Isinagawa ngayong May 28, 2026 ang misting operation sa Palmera 3 & 4 bilang paghahanda sa darating na kapistahan ng kanilang lugar. Pinangunahan ito ng 3 miyembro ng BENRO Team sa mga lugar tulad ng Office, Court, at Chapel.
Patuloy ang ating mga hakbang upang mapanatiling malinis, ligtas, at handa ang komunidad sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan.
28/05/2026
๐งน ๐๐๐๐๐-๐๐ & ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | Noli Pascual St. โ Sampaguita St.
Bilang bahagi ng regular na clean-up operation sa barangay, nagsagawa ang BENRO Team ng paglilinis ng creek sa kahabaan ng Noli Pascual St. hanggang Sampaguita St. na umabot sa 100 meters. Layunin ng operasyong ito na mapanatili ang kalinisan at maayos na daloy ng tubig sa ating komunidad.
Mga nakolektang basura sa operasyon:
โข 16 sako ng mixed waste
Sa pamamagitan ng patuloy na paglilinis at maintenance ng ating mga kanal at daluyan ng tubig, mas napapanatili nating malinis, maayos, at ligtas ang ating kapaligiran.
Patuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas maayos at maipagmamalaking San Isidro.