Taytay Public Information Office

Taytay Public Information Office

Share

This serves as the official public information page of the Municipality of Taytay.

30/05/2026

HABAGAT SEASON NA! ๐ŸŒง๏ธโ˜”๏ธ

Opisyal nang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Mayo 30, 2026 ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o mas kilala bilang Habagat sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang patuloy na pag-iral ng mga hanging habagat sa kanlurang bahagi ng bansa, na pinalalakas pa ng pagbuo ng isang tropical cyclone sa Philippine Sea, ay indikasyon ng pagsisimula ng panahon ng Habagat. Kasabay nito, inaasahan ang mas madalas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, partikular sa mga kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ipinaliwanag ng state weather bureau na ang Habagat ay isa sa mga pangunahing palatandaan ng nalalapit na pagsisimula ng tag-ulan sa bansa. Gayunman, maaari pa ring magkaroon ng tinatawag na monsoon breaks o mga panahong pansamantalang humihina ang pag-ulan sa loob ng ilang araw o linggo.

Dahil dito, hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang mga residente na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at sa mga kinauukulang ahensya upang maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.

Patuloy namang nakaantabay ang mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan para sa agarang pagtugon sakaling magkaroon ng mga insidenteng dulot ng masamang panahon.

Source: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)


30/05/2026

THUNDERSTORM ADVISORY

Thunderstorm Advisory No. 9
Issued at: 9:20 PM, 30 May 2026(Saturday)

Intense to torrential rainshowers with lightning and strong winds are expected over Cavite(Bacoor, Imus, Rosario, Cavite City, Noveleta, Kawit, Carmona, Dasmarinas, Gen. Mariano Alvarez, General Trias, Tanza, Silang, Trece Martires, Naic, Amadeo, Indang, Maragondon, Ternate), Laguna(San Pedro, Binan, Santa Rosa, Pakil, Pangil, Santa Maria, Mabitac, Siniloan, Famy, Cabuyao, Calamba, Lumban, Paete, Kalayaan), Nueva Ecija(San Antonio, Cabiao, San Isidro, Gapan), Bataan(Morong, Abucay, Samal, Orani, Hermosa, Dinalupihan, Bagac, Balanga) and Tarlac(Concepcion, Bamban) within the next 2 hours.

The above conditions are being experienced in Metro Manila, Rizal(Antipolo, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Morong, Taytay, Teresa), Bulacan(Norzagaray, Santa Maria, Marilao, San Jose del Monte, Obando, Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bulakan, San Ildefonso, San Miguel, Dona Remedios Trinidad, San Rafael), Quezon(General Nakar, Panukulan, Burdeos), Pampanga(Candaba, San Fernando, Bacolor, Mexico) and Zambales(Iba, Palauig, Botolan) which may persist within 2 hours and may affect nearby areas.

Source: DOST-PAGASA


30/05/2026

CONGRATULATIONS TO OUR NEW DOST SCHOLARS who reviewed under the Smile Training Smile Taytay Training Institute!

๐ŸŽ‰ 19 NEW DOST SCHOLARS, ONE SHARED DREAM, COUNTLESS POSSIBILITIES! ๐ŸŽ‰

The Smile Taytay Training Institute proudly celebrates a remarkable milestone as nineteen (19) participants of the inaugural "Paghahanda sa Kinabukasan 1: Free DOST-SEI Scholarship and College Entrance Examination Review Program" successfully passed the 2026 DOST-SEI Undergraduate Scholarship Examination!

This achievement is a testament to the hard work, determination, and perseverance of our students who dedicated themselves to months of preparation in pursuit of their dreams. More importantly, it demonstrates the power of accessible and inclusive educational interventions in creating life-changing opportunities for Taytayeรฑos.

What started as a vision to make the DOST-SEI Scholarship and college entrance examination preparation more accessible has now translated into real resultsโ€”nineteen future scientists, engineers, educators, innovators, and nation-builders who are one step closer to achieving their aspirations.

We extend our heartfelt congratulations to our DOST-SEI Scholarship passers, their families, schools, lecturers, mentors, former DOST Scholars, and our partners who contributed to the success of this initiative. Your commitment and support have made this achievement possible.

As we celebrate this milestone, we remain steadfast in our mission to empower more learners through quality review programs, lifelong learning opportunities, and pathways that open doors to higher education and professional success.

This is only the beginning.

๐ŸŒŸ Congratulations, Batch Sinag!

The future is bright, and Taytay is proud of you.





Photos from Taytay Public Information Office's post 30/05/2026

"๐’๐š๐ง๐š'๐ฒ ๐ข๐ค๐š๐ฐ ๐š๐ญ ๐š๐ค๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐จ" ๐Ÿ’๐Ÿ’™

Labintatlong (13) kuwento ng pag-ibig ang umabot sa panibagong kabanata nang sabay-sabay na magpalitan ng sumpaan ang 13 pares ng magsing-irog sa isang Mass Civil Wedding ngayong Sabado, Mayo 30, 2026 na pinangunahan ni Mayor Allan De Leon.

Sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay, pinagtibay ng mga bagong kasal ang kanilang pagmamahalan at pangakong magkasama sa bawat yugto ng buhayโ€”sa hirap man o ginhawa.

Best wishes and congratulations to our newlyweds! Nawaโ€™y manatiling matibay ang kanilang pagmamahalan at pagsasama habang-buhay.



Photos from Mayor Allan De Leon's post 30/05/2026

Hindi madaling maging g**o...
mga gabing kulang sa tulog, araw-gabi na pagrereview, at mga personal na sakripisyo,
๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Kaya upang tulungan kayo, katuwang ang Smile Taytay Training Institute, nagsagawa po tayo ng ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐˜„ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ.

Nakakapagod man po ang mga proseso, naniniwala po ang buong Pamahalaang Bayan na wala dapat hadlang para maabot niyo ang pangarap niyo. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ’™

Kasama niyo kami! Let's Smile Taytay!



Photos from Taytay Public Information Office's post 30/05/2026

Naging host ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa ginanap na Philippine Councilors League (PCL) Rizal Federation Meeting nitong Huwebes, Mayo 28, 2026 na dinaluhan ng mga lokal na mambabatas mula sa ibaโ€™t ibang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Patuloy na isinusulong ng PCL Rizal Federation ang mabuting pamamahala sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at kolaborasyon ng mga konsehal sa buong lalawigan.

Nakangiting sinalubong nina Mayor Allan De Leon at Vice Mayor JV Cabitac ang mga panauhin at nagbigay ng mensahe ng suporta sa samahan.

Nawaโ€™y naging makabuluhan ang pagtitipong ito na magsisilbing daan upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa, kooperasyon, at mahusay na paglilingkod ng mga lokal na mambabatas sa buong lalawigan ng Rizal.

Maligayang pagdating sa Bayan ng Taytay, PCL Rizal!



30/05/2026

๐—›๐—˜๐—”๐—ง ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ซ ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Nasa 45.41ยฐC ang Heat Index (Real Feel) sa Bayan ng Taytay as of 12:20 PM, May 30, 2026 (Saturday). Ibayong pag-iingat dahil ito ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at heat stroke ngayong panahon ng tag-init.

You can access SMILE SAFE TAYTAY APP using this LINK: https://taytayrizal.defensys.ph/

For any kind of emergencies or concerns, you may contact:
๐Ÿšจ Sagip Taytay Command and Emergency Operations Center: 09854883352
๐Ÿšจ MDRRMO: 09526199511 / 09708843791
๐Ÿšจ O Taytay Command Center - Mdrrmo FB page for immediate assistance from our 24/7 operators.

Source: Taytay Command Center - MDRRMO Weather Monitoring System


30/05/2026

๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐“๐€๐˜๐“๐€๐˜ ๐๐€๐†๐Š๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐ˆ๐ƒ๐„๐€๐‹ ๐…๐”๐๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‹๐‚๐๐‚ ๐€๐’๐’๐„๐’๐’๐Œ๐„๐๐“

Lubos na ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang pagkilala bilang isa sa mga LGU sa CALABARZON na nagtamo ng IDEAL FUNCTIONALITY RATING sa 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) CALABARZON.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na itaguyod at pangalagaan ang kapakanan, karapatan, at kinabukasan ng bawat batang Taytayeรฑo.

Isinagawa ang masusing pagsusuri alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2021-039, kung saan sinuri ang mga LGU batay sa apat na mahahalagang aspeto: Organizational Sustainability, Policies and Plans for Children, Budget for LCPC, at Service Delivery, Monitoring, and Management for Children.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating mga opisyal, kawani, katuwang na ahensya, at ng buong komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas, makatao, at child-friendly na Taytay.

Binabati natin ang lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! Patuloy nating isulong ang mga programang nagbibigay-proteksyon at pag-asa para sa bawat batang Taytayeรฑo.


Photos from Taytay Public Information Office's post 30/05/2026

TRAFFIC ADVISORY | FLORES DE MAYO PROCESSION 2026 ๐ŸŒธ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo, ang Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist ay magkakaroon ng prusisyon ngayong Sabado, Mayo 30, 2026, simula alas-4:00 ng hapon. Dahil dito ay asahan ang pansamantalang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga rutang dadaanan ng prusisyon at kalapit na lansangan.

๐Ÿ“ Procession Route:
โ€ข Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist
โ€ข J. Sumulong St.
โ€ข Rizal Ave.
โ€ข Kaliwa sa Isagani St.
โ€ข Kaliwa sa B.A. Cruz St.
โ€ข Kaliwa sa Rizal Ave.
โ€ข Kanan sa Naval St.
โ€ข Kaliwa sa L. Wood St.
โ€ข Kaliwa sa J. Sumulong St. Pabalik sa Minor Basilica

โš ๏ธ Paalala sa mga Motorista:
โ€ข Maglaan ng alternatibong ruta upang maiwasan ang pagkaantala sa biyahe.
โ€ข Sumunod sa mga traffic personnel at road marshals na nakatalaga sa lugar.
โ€ข Mag-ingat at magbigay-daan sa mga deboto at kalahok ng prusisyon.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa upang maging maayos, ligtas, at makabuluhan ang pagdiriwang ng Flores de Mayo.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.


Photos from Taytay Public Information Office's post 30/05/2026

๐—ฆ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€' ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—ธ๐˜€' ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
โ€œAni at Huli: Sandigan ng Bayang Nakangiti Laban sa Hamon ng Panahonโ€

Matagumpay na isinagawa nitong Mayo 29, 2026 sa New Taytay Public Market ang makabuluhang Farmers' and Fisherfolks' Fair 2026. Pinangunahan ito ng Taytay Agriculture Office sa pamumuno ni Doc Ram Andres, na may layuning mailapit sa ating mga kababayan ang mga de-kalidad na produkto ng ating mga magsasaka at mangingisda, habang sinusuportahan ang kanilang kabuhayan at pagpapaunlad ng mga produktong lokal ng Taytay.

Bukod sa pagbibigay-pugay at pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad, tampok din sa programa ang mga exhibit ng sari-saring lokal na produkto tulad ng mga gulay, isda, at iba pang produktong agrikultural na likha at ani ng ating mga magsasaka at mangingisda.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, ni Mayor Allan De Leon , at ng Taytay Agriculture Office, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagsaludo at pasasalamat sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda ng ating bayan. Kayo ang isa sa mga haligi ng ating kaunlaran at seguridad sa pagkain.


30/05/2026

๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข: ๐— ๐—ฅ ๐—ฆ๐—œ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐Ÿ’‰

Sa darating na buwan ng Hunyo ,makikiisa ang Bayan ng Taytay sa pangunguna ng ating Mayor Allan De Leon at ng Taytay Municipal Health Office sa gaganaping ๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฒ๐˜€-๐—ฅ๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™„๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (MR SIA).

Sa programang ito, ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan ay makatatanggap ng bakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin, karagdagang Vitamin A supplements, at iba pang bakunang kabilang sa routine immunization program.

๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐Ÿญ.๐Ÿ’‰June
๐˜‰๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜•๐˜Š๐˜™
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—”๐—ป๐—ฎ

๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐Ÿฎ ๐Ÿ’‰August
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐— ๐˜‚๐˜‡๐—ผ๐—ป
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ
๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป
๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—”๐—ป๐—ฎ

Layunin ng programang ito na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna (Vaccine-preventable diseases o VPDs), tulad ng tigdas at tigdas-hangin, na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon at maging sanhi ng pagkamatay.

Para sa karagdagang detalye at iskedyul ng pagbabakuna, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Want your business to be the top-listed Government Service in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Don Hilario Avenue Club Manila East
Taytay
1920