30/03/2026
March 30, 2026 pangalawang responde. Mga ilang minutong nakalipas sa hindi kalayuan ng wire na nakalaylay ay agad din tayong nagtungo sa Blk 27 hiway para rumesponde sa isang banggaan ng motorsiklo at bisikleta. Para alamin ang kalagayan ng dalawang motorcycle rider at siklista. At agad narin nating itinawag ito sa STAG para maasikaso na agad ang kalagayan ng dalawa.
30/03/2026
March 30, 2026 humigit ala una ng tanghali ay isang concern citizen ang sumadya sa ating tanggapan para ireport ang wire na lumaylay sa Blk 24 hiway. Kaya agad natin itong nirespundihan at nilagyan ng damit at gulong ang affected area para makaiwas sa aksidente ang mga motorista. At tayo narin ay tumawag ng STAG para matulungan tayo na magawan ng paraan ang wire na nakalaylay.
17/03/2026
March 17, 2026 : REFILLED! salamat sa BSJ Fire Department at sa ating Actionman Kap Rasel Valera. (for emergency uses)
14/02/2026
RESPONDE : February 14, 2026 ay nakatanggap tayo ng tawag na diumano may 10-70 sa lugar ng Blk 23 Lambak 1. Kaya agad natin itong biniripika at meron ngang umuusok na wirings ng internet at live wire. Kaya agad na din tayo tumawag ng meralco at suporta sa ating BSJ Fire Fighter. Hanggang sa nag-apoy narin ang wire at nagtulong tulong na ang mga residente.
Hanggang sa dumating na ang ating mga fire fighters.
10/02/2026
RESPONDE : February 10, 2026 tayo ay nakatanggap ng report na diumano merong sunog sa lugar ng Blk 23 Lambak 1. Kaya agad tayong tumawag ng Fire Fighter. At habang nag-aantay tayo ng bumbero ay rumesponde din tayo at ginamit ang Fire extinguisher na nasa ating Brgy para makatulong para maoatay ang sunog. Kaso dahil sa sobrang lakas ng apoy ay hindi parin ito kinaya.
07/02/2026
ASTROCAMP 2026 : February 06 & 07, 2026 duty at Manuel I. Santos Integrated School.
02/02/2026
Solar Light Installed : February 02, 2026 nagsimula ang pagliwanag ng Blk 25. Maraming salamat sa ating Actionman Kap Rasel Valera.
02/02/2026
Ngayong araw February 02, 2026 ay muling inaayos ang ating mga CCTV camera. Dahil nadin sa ilang mga kable ay putol putol na at ang ilang camera ay binasag ng ilang mga tambay sa ating lugar at isa pa dito ay makatulong din matukoy ang ilan sa mga gumagawa ng krimen sa ating lugar. Lubos pasasalamat sa ating Actionman Kap Rasel Valera
31/01/2026
MEETING : Ngayong araw January 31, 2026 tayo ay inimbita para umatend ng General Assembly ng Genesis Homeowners Association. Kasama ang ating Actionman Kap. Rasel Valera , Kagawad Tom Joseph Bermillo , Kag. Hervie Alcantara.
25/01/2026
01/25/2026 : Patuloy na pagRONDA ngayong gabi para magsaway sa mga kabataang tumatambay at nagsasanhi ng ingay sa lugar at ganun din sa mga nagvivideoke. Syempre sinabayan narin natin ng pagkain ng masarap na meryenda.
24/01/2026
01/24/2026 - Pagkatapos ng ating hearing sa ating Purok Hall diretso roving at pagbabantay narin sa ating Sitio.
27/12/2025
Para sa kaalaman ng aming mga taga SITIO! Pwedeng pwede na kaming mangumpiska.
‼️𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎‼️
𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐁𝐎𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐖
𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐍𝐨. 𝟐𝟒𝟏𝟒-𝟎𝟒𝟕
Upang masiguro ang kaligtasan lalo na sa panahon ng pagdiriwang, ipinapaabot ng Pamahalaang Lokal ang mahigpit na pagpapatupad ng 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐁𝐎𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐖.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagmamay-ari, at paggamit ng boga (improvised noise-making device) sapagkat ito ay mapanganib at maaaring magdulot ng malubhang pinsala, sunog, pag-iingay at pagkasugat, lalo na sa kabataan.
Ang sinumang mahuling lumalabag ay maaaring maharap sa multa at kaukulang parusa alinsunod sa nasabing ordinansa.
Paalala rin sa mga magulang at tagapag-alaga: bantayan ang ating mga anak at ipaliwanag ang panganib na dulot ng boga at iba pang ipinagbabawal na pampaputok.
Nanawagan kami sa lahat na makiisa. Kung may mapansin kayong gumagawa o gumagamit ng boga sa inyong lugar, agad na ipagbigay-alam sa ating Barangay sa numero ng Brigada upang maagapan at matulungan ang komunidad.
☎️ 0998-220-5844
Sa tulong at pakikiisa ng bawat isa, maiiwasan ang aksidente at masisiguro ang ligtas at mapayapang pamayanan.