PCSO Dir. Janet De Leon-Mercado

Call Directions Contact the organization

PCSO Dir. Janet De Leon-Mercado PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong. Pagkakaisa Para sa Kawanggawa. PCSO, Kinabukasan at Pag - Asa.

08/10/2026
🩺🦷 Serbisyong Pangkalusugan, Hatid Natin sa Taytay! ❤️Mga kababayan sa Lupang Arenda Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal, sama...
06/10/2026

🩺🦷 Serbisyong Pangkalusugan, Hatid Natin sa Taytay! ❤️

Mga kababayan sa Lupang Arenda Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal, sama-sama tayo sa isang umagang alay para sa kalusugan ng ating komunidad.

Hatid natin ang PCSO Medical and Dental Mission para mas mapalapit sa inyo ang serbisyong kailangan ninyo.

📅 October 7, 2026
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM
📍 Purok 3 Mangoba Court, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal

May libreng medical at dental services para sa ating komunidad. Kasama pa ang gamot na inyong kakailanganin matapos ang konsulta. Kung kayo, ang inyong pamilya, o may kakilala kayong nangangailangan ng pagpapatingin, halina at samantalahin ang serbisyong ito.

Huwag palampasin—tara, magpatingin at alagaan ang kalusugan! 🩺🦷

Kita-kits tayo sa Taytay!
See you there, mga kababayan! 🧡

I-share din natin ito para mas marami pang kababayan ang maka alam at makasama. ❤️


📚 Para sa Ating mga G**o, Maraming Salamat! 🍎Ngayong World Teachers’ Day, ating kilalanin at pasalamatan ang mga g**ong ...
05/10/2026

📚 Para sa Ating mga G**o, Maraming Salamat! 🍎

Ngayong World Teachers’ Day, ating kilalanin at pasalamatan ang mga g**ong walang sawang nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa pangarap ng ating mga kabataan.

Sa bawat aral na itinuturo, pasensya na ibinibigay, at pangarap na tinutulungan ninyong mabuo, may mga buhay kayong naaabot at kinabukasang nababago. ❤️

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at sakripisyo. Kayo ang isa sa mga unang humuhubog sa mga Pilipinong magiging bahagi ng ating kinabukasan.

Happy Teachers’ Day sa lahat ng ating magigiting na g**o! 🧡🇵🇭


04/10/2026
🤝 ChariTimba Para sa Ating mga NakatatandaNoong October 1, 2026, nakibahagi tayo sa Elderly Filipino Week 2026 ng NCSC R...
02/10/2026

🤝 ChariTimba Para sa Ating mga Nakatatanda

Noong October 1, 2026, nakibahagi tayo sa Elderly Filipino Week 2026 ng NCSC Region I, na may temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”

Bilang bahagi ng Caravan of Service, naghatid at nagsagawa tayo ng turnover ng ChariTimba para sa ating mga senior citizens—isang munting tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 💙

Sa ating mga nakatatanda, maraming salamat sa mga aral, kwento, pagmamahal, at sakripisyong patuloy ninyong naipapasa sa bawat henerasyon. Kayo ang bahagi ng ating mga ugat at kasaysayan, at karapat-dapat kayong mapangalagaan at mapahalagahan. 🧡

Sa pamumuno nina Chairman Retired Judge Felix Reyes at GM Melquiades "Mel" Robles, kasama sina Hon. Jennifer L. Guevara at Queen Imelda Papin , patuloy nating pinatitibay ang ating paninindigan na maglingkod nang tapat at buong puso para sa isang mas matatag at nagkakaisang Bagong Pilipinas. 🇵🇭




30/09/2026

🤝 Para sa mga Kababayan sa Tingloy

Naging bahagi tayo ng paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa Tingloy, Batangas. 💙

Serbisyong may malasakit, para sa bawat komunidad. 🧡




🇵🇭 Pag-asa Island, Bahagi ng Kalayaan, Bahagi ng PilipinasSa paggunita ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Mon...
29/09/2026

🇵🇭 Pag-asa Island, Bahagi ng Kalayaan, Bahagi ng Pilipinas

Sa paggunita ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo) 2026, naging bahagi ang PCSO ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan para sa mga residente ng Pag-asa Island, Kalayaan Island Group.

Sa pamamagitan ng ChariTimba na ipinamahagi bilang bahagi ng food pack distribution, nakapag-ambag ang PCSO sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa isang mahalagang bahagi ng West Philippine Sea.

Bilang isang ahensyang patuloy na naglilingkod sa mga Pilipino, mahalaga sa atin na maging bahagi ng mga programang umaabot sa ating mga komunidad—saanman sila naroroon. 🇵🇭💙




28/09/2026

The PCSO's "Charitimba" is now in its third generation.

It is a sturdy pail pre-filled with ready-to-eat meals that can be sat on, stacked 10 high, and used as a water container, a food basin, and an evacuation seat all at once.

PCSO General Manager Mel Robles told DZRH News program "Special on Saturday" that the "Charitimba" evolved from an ecobag to a basic pail before reaching its current form.

Full story below.

🤝 Tulong na Umaabot sa Tingloy, BatangasMasaya akong makasama ang ating mga kababayan sa Brgy. San Juan, Tingloy, Batang...
25/09/2026

🤝 Tulong na Umaabot sa Tingloy, Batangas

Masaya akong makasama ang ating mga kababayan sa Brgy. San Juan, Tingloy, Batangas noong September 24 para sa pamamahagi ng tulong mula sa PCSO.

Naipamahagi natin ang 500 Charitimba, 150 hygiene kits, 20 wheelchairs, 20 crutches, 20 walkers, 20 canes, 20 BP apparatus, 20 nebulizers, 20 glucometers, 20 thermal scanners, 20 pulse oximeters, 10 oxygen tanks, at iba’t ibang vitamins at gamot.

Maraming salamat kina Mayor Larry F. Alvarez, Vice Mayor Mikee Alvarez-Amboy at ABC-President Amy Alvarez sa kanilang kahilingan at pakikipagtulungan upang maihatid ang mga tulong na ito sa ating mga kababayan. ❤️

Sa pamumuno nina Chairman Retired Judge Felix Reyes at GM Melquiades "Mel" Robles, mga Director na sina Hon. Jennifer L. Guevara at Queen Imelda Papin kasama ang inyong lingkod, Janet de Leon-mercado, patuloy nating pinatitibay ang ating paninindigan na maglingkod nang tapat at buong puso para sa isang mas matatag at nagkakaisang Bagong Pilipinas. 🧡


Address

Taytay
1920

Telephone

+639852398542

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCSO Dir. Janet De Leon-Mercado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PCSO Dir. Janet De Leon-Mercado:

Shortcuts

Share