Taytay Nutrition Office

Taytay Nutrition Office

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Taytay Nutrition Office, Government Official, Taytay Emergency Hospital, Taytay.

25/05/2026

👋 Mga Nanay at Tatay ng Taytay!
Bigyan natin ng pinakamagandang simula sa buhay ang ating mga anak mula pa lamang sa sinapupunan! 💙

Alam ba ninyo na ang pundasyon ng kalusugan ng isang bata ay nabubuo bago pa siya isilang? Ang First 1,000 Days ay ang tinatawag na "Golden Window of Opportunity", isang napakahalagang yugto na humuhubog sa kinabukasan ng isang bata, mula pagbubuntis hanggang ika-2 taong gulang.

🏥 Ang Taytay Nutrition Office ay patuloy na naglilingkod upang matiyak ang kalusugan ng bawat ina at bata sa ating bayan.

🌱 Ang First 1,000 Days — The Golden Window of Opportunity

🟢 Day 1–270: Pagbubuntis (Prenatal Stage)
Ito ang panahon ng pagbuo at paglaki ng utak, puso, buto, at iba pang bahagi ng katawan ng sanggol.

🤰 3 Mahahalagang Yugto ng Nutrisyon sa Pagbubuntis

🟢 Unang Trimester (Day 1–90): Ang Simula ng Buhay
• Nabubuo ang utak, spinal cord, at puso ng sanggol
• Mahalaga ang pag-inom ng Iron at Folic Acid upang maiwasan ang congenital defects at masuportahan ang kalusugan ng ina

🟡 Ikalawang Trimester (Day 91–180): Mabilis na Paglaki
• Tumitigas ang mga buto at nade-develop ang pandinig ng sanggol
• Kumain ng pagkaing mayaman sa Calcium, Vitamin D, at protina tulad ng itlog, isda, karne, at beans

🔵 Ikatlong Trimester (Day 181–270): Mabilis na Pag-unlad ng Utak
• Mabilis na nade-develop ang utak ng sanggol at nag-iipon siya ng iron
• Kumain ng pagkaing mayaman sa Omega-3/DHA tulad ng lokal na isda para sa malusog na utak

🤱 Day 271: Maligayang Pagdating, Munting Taytayeño!
Sa araw ng kapanganakan, mahalaga ang:
✔️ Skin-to-skin contact agad pagkatapos manganak
✔️ Exclusive Breastfeeding sa loob ng unang oras ng buhay upang maibigay ang colostrum o unang natural vaccine ng sanggol

👶 Day 271–635: Unang 12 Buwan ng Bata (Infancy Stage)
• Kritikal ang Exclusive Breastfeeding sa unang 6 na buwan
• Simula ng complementary feeding pagdating ng ika-6 na buwan habang nagpapatuloy ang pagpapasuso
• Mahalaga ang bakuna, tamang nutrisyon, at regular growth monitoring

🧒 Day 636–1000: Ikalawang Taon ng Bata (Toddler Stage)
• Panahon ng mabilis na pag-unlad ng utak, katawan, at kakayahan ng bata
• Kailangan ng masustansyang pagkain, wastong pag-aalaga, at ligtas na kapaligiran
• Mahalaga ang healthy eating habits upang maiwasan ang stunting at malnutrition

🏥 Narito Kami Para sa Inyo!
Bisitahin ang Taytay Nutrition Office sa:

✅ Weight monitoring
✅ Nutrition counseling at maternal health education

✨ Sama-sama nating labanan ang stunting at palakihin ang isang henerasyon ng malulusog, matatalino, at matatag na mga batang Taytayeño! 💪🥦💙

References:
National Nutrition Council (NNC), Republic of the Philippines. (2025, May 8). National Nutrition Council: First 1000 days of child’s nutrition | National Nutrition Council (NNC), Republic of the Philippines. https://nnc.gov.ph/mindanao-region/national-nutrition-council-first-1000-days-of-child-s-nutrition/
World Health Organization: WHO. (2023, December 20). Infant and young child feeding. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/infant-and-young-child-feeding




Photos from Taytay Nutrition Office's post 20/05/2026

📍Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro)
📅 May 20, 2026
📌 Taytay Nutrition Office, 3rd Floor, Taytay Emergency Hospital

Isinagawa ngayong araw ang MELLPI Pro bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas epektibo at mas matatag na mga programang pangnutrisyon sa bayan.

Lubos po naming pinasasalamatan ang ating mga evaluators na sina Ms. May Ann Flores-Centeno, RND, ND II, CHD-A4, Ms. Jayen D. San Diego, Mr. Christian Z. De Vera, at Mr. Wesley Matthew M. Fabro para sa kanilang oras, gabay, at suporta sa pagpapalakas ng nutrition governance at implementation ng mga programa para sa mamamayang Taytayeño.

Pagkatapos ng evaluation ay nagbigay ng mahalagang feedback at rekomendasyon ang mga evaluators upang lalo pang mapabuti at mapalakas ang implementasyon ng mga nutrition programs at serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Nagkaroon din ng courtesy call kay Mayor Allan Martine S. De Leon, MPA bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagpapaigting ng mga programang pangnutrisyon sa bayan.

Patuloy nating pagtibayin ang sama-samang pagkilos tungo sa mas malusog at mas nakangiting komunidad! 💙




12/05/2026

💧 TAYTAYEÑOS, HYDRATION CHECK! 💧

Tubig muna bago milktea at iced coffee

Mga ka-Taytay, ang pag-inom ng sapat na tubig araw-araw ay importanteng bahagi ng healthy lifestyle 🫶

Ang water ay tumutulong para manatiling energized, focused, at iwas hilo at pagod lalo na ngayong mainit ang panahon 🌞🔥

📌 Recommended Daily Water Intake

👧🧒 Kids
• 3 to 5 years old: 5 or more glasses
• 6 to 9 years old: 6 or more glasses
• 10 to 12 years old: 8 or more glasses

🧑👦 Teenagers (13 to 18 years old)
• Boys: 12 or more glasses
• Girls: 9 or more glasses

👨👩 Adults (19 to 59 years old)
• Men: 10 or more glasses
• Women: 8 or more glasses

🤰 Pregnant Women
• 9 or more glasses

🤱 Lactating Mothers
• 10 or more glasses

👴👵 Older Persons (60 years old and above)
• Men: 8 or more glasses
• Women: 7 or more glasses

⚠️ MORE WATER PLEASE kapag:
✔️ bilad sa init ☀️
✔️ active or nag-eehersisyo 🏃
✔️ may sakit 🤒
✔️ buntis or breastfeeding 🤱

💡 HYDRATION TIPS 💙
✅ Magdala lagi ng water bottle
✅ Uminom ng tubig regularly kahit hindi pa nauuhaw
✅ Water > sugary drinks 🥤❌
✅ Kumain ng fruits & veggies 🍉🥒
✅ Dagdagan ang water intake kapag mainit ang panahon

🌞 Paalala, mga ka-Taytay:
Ang sapat na pag-inom ng tubig ay makakatulong para maiwasan ang dehydration, heat exhaustion, at sobrang pagkapagod.

Stay hydrated para healthy, active, at ready sa araw-araw 💙💦




07/05/2026

Maligayang Araw ng mga Ina! 💙

Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng mga dakilang ina na walang sawang nag-aaruga, nagsasakripisyo, at nagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga pamilya at komunidad. Kayo ang tunay na haligi ng tahanan at ilaw ng bawat tahanan.

Nawa’y mapuno ng pagmamahal, pasasalamat, at saya ang inyong espesyal na araw. Maraming salamat sa inyong walang kapantay na malasakit at dedikasyon.

Lalo na kay Nanay Onnie De Leon, na sumisimbulo sa “Ina ng Bayan,” lalo na sa larangan ng nutrisyon at malasakit sa kalusugan ng komunidad. Ang inyong pagmamahal at walang sawang paglilingkod ay tunay na inspirasyon sa bawat pamilyang inyong naaabot. 💐

Mula sa inyong
Taytay Nutrition Office 💙





Photos from Taytay Nutrition Office's post 04/05/2026

Immediate Action of Barangay Nutrition Scholars (BNS)

After the fire that happened on May 2, in Blk 28 sitio lambak Floodway A Brgy San Juan, Taytay Rizal immediately gave their help and support to the families affected by the incident.

Their response included conducting a Nutrition in Emergency, which ensured that affected families, especially children, were given the right guidance and nutritional assistance to maintain their health despite the disaster.

Mayor Allan Martin De Leon, Vice Mayor JV Cabitac, and Captain Rasel Valera also extended immediate help and support to help the residents affected by the fire.

The collective action and concern of the leaders and the community is a proof of the true spirit of heroism and service with a smile for the people.




01/05/2026

Pagpupugay sa ating mga ka-nutrisyon sa Araw ng mga Manggagawa!

Sa mga Registered Nutritionist-Dietitian (RND) at Barangay Nutrition Scholar (BNS), taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon sa pagpapabuti ng nutrisyon ng bawat Taytayeño. Ang inyong serbisyong may ngiti ang tunay na lakas ng isang malusog na bayan.

Para sa Diyos, bayan, at mamamayan—kayo ang inspirasyon at sandigan ng kalusugan sa ating komunidad. Mabuhay po kayo!




27/04/2026

The Taytay Nutrition Office joins the global celebration of World Immunization Week, highlighting that good nutrition and immunization go hand in hand in protecting every child’s health.

Proper nutrition strengthens the body’s defenses, while vaccines provide essential protection against preventable diseases—together, they build a healthier and stronger community.

Magpabakuna at kumain ng tama. Protektado ang pamilya, ligtas at nakangiting komunidad. 💙




Want your business to be the top-listed Government Service in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Taytay Emergency Hospital
Taytay
1920