18/01/2019
Womens Empowerment of Taytay
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Womens Empowerment of Taytay, Government Organization, Don Hilario Avenue Mania East Club, Taytay.
18/01/2019
09/09/2018
13/03/2018
Bukas na po!!!
Bukas na!
Libreng Seminar ukol sa Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.
Sama-sama nating alamin kung ano ang Bagong Taxation Law na ito at ang epekto nito sa ating Negosyo.
Ang Libreng seminar na ito ay hatid ng DTI Rizal, PCCI Taytay, CSR at Globe My Business.
TANDAAN: Sa mga nais dumalo mangyari na Magparegister Muna (isend ang inyong pangalan, Pangalan ng Negosyo sa 09182511159) at hintayin ang aming confirmation reply BAGO magpunta sa Seminar upang masiguro na may slot pa. maraming salamat po!
25/11/2017
PARA SA MGA KABABAYAN SA TAYTAY
Kayo ba ay may kapamilya, kaibigan o kakilala na kailangan ng Surgical Operation pero hindi maoperahan dahil sa kakulangan sa pinansyal na suporta?
Pagkakataon na ito upang sya ay ating matulungan!
Ang PCCI Taytay katuwang ang Lokal na Pamahalaan at iba't ibang NGO ay kasalukuyan nasa initial Screening Process ng mga pasyente para sa Minor and Major Operation.
Kung kayo ay may kakilala na mayroong:
-Cyst (Bukol sa katawan)
-Hernia (Luslos)
-Goiter (Bosyo)
-Cleft Palate (Bingot/Ngongo)
-Gallstones/Kidney stone (Bato)
-Hemorrhoids(Almuranas)
-Cataract
- Myoma
at iba pa.
Maaari po kayong mag-message sa amin para sa pagpapalista. Ipasa po ang pangalan ng pasyente, ano sa mga nabanggit na sakit ang nais ipatingin, address(Taytay Resident) at cellphone number. Ang pagpapasa ng pangalan ng pasyente ay hanggang December 2, 2017.
-Taytay Medical-Surgical Mission 2018
22/07/2017
10 Best Foods That Cleanse The Arteries And Prevent Heart Attack Take care of your health now!
22/07/2017
Mag-ingat sa Mababang Potassium.
Marami na po ang NAMATAY dahil dito.
Payo ni Doc Willie Ong (Paki-SHARE po sa kababayan natin.)
Isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potassium. Masama ito kapag labis at masama din ito kapag kulang. Kailangan natin ang postassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan.
Marami na akong nakitang pasyente na nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor dito ay hypokalemia.
Ano ang dahilan ng mabababang potassium?
Ang pangkaraniwang pinanggagalingan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diprensiya ang bato (o kidneys) kaya lumalabas din ang potassium sa ihi.
Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pampadumi, pampapaihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleansing, puwede din bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-e-ehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa din ng potassium.
Ano ang sintomas?
Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at umaakyat ito ng dahan-dahan hanggang sa ma-paralisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.
Paano ginagamot ang mababang potassium?
Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo. Ngunit kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede muna kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.
Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay may potassium din. May tableta din na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (brand name Kalium) na mabilis magpataas ng potassium.
Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng 2 saging sa bawat araw. Tandaan: Two bananas a day can keep the doctor away.
Kumonsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipapasuri ng doktor ang iyong Potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa nga ang iyong potassium. Kung kayo ay may sakit sa bato o may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium. Good luck po.
20/07/2017
Still hiring!
For your personalized cakes for all occasions...name it, we bake it!!
Fourthylicious Desserts & Pasta
Looking for cakes,cupcakes,sweets and more? Order now!!
Contact us:
Cell nos: 09772041887 - 09273723904
24/01/2017
FINANCE SEMINAR & BMBE ORIENTATION
January 25, 2017 - Wednesday (1:00pm)
Roofdeck - Conference Room, Old Taytay Municipal Building, Taytay, Rizal
Micro, small and medium entrepreneurs are invited on this seminar.
Access funding sources for your growing business through non-collateral financing and know how to avail incentives of eligible Barangay Micro-Business Entrepreneur.
Pre-registration is required to save your seat. Send us your Name, Business Name, Address, Mobile Number and Email through the following.
Visit Negosyo Center Taytay at G/F Old Taytay Municipal Building, Taytay Town Proper
Message us at +63 927 5975049 or through this page
Email us at [email protected]
(c) Negosyo Center Taytay
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Don Hilario Avenue Mania East Club
Taytay
1920

24/07/2017