08/10/2026
Rizal PPO News Release
October 8, 2026
RANK NO. 4 MOST WANTED PERSON SA CALABARZON, ARESTADO SA RODRIGUEZ, RIZAL
Arestado ang isang 19-anyos na lalaki na tinaguriang Top 4 Most Wanted Person Regional Level,, matapos isilbi ng mga tauhan Rodriguez Municipal Police Station (MPS) ang warrant of arrest laban sa kanya sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal, dakong alas-4:15 ng hapon ng Oktubre 7, 2026.
Kinilala ang naarestong akusado na si Alyas Jay-R, 19-anyos, binata, construction worker at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Rodriguez MPS ang warrant operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing akusado dahil sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder, na inisyu ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 75, San Mateo, Rizal, na walang inirerekomendang piyansa ang korte.
Ipinaalam sa akusado ang dahilan at uri ng kanyang pagkakaaresto, gayundin ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa batas at kasalukuyang nasa kustodiya ng Rodriguez MPS.
Sa mensahe ni PCOL ATTY. ELEAZAR R BARBER JR., Provincial Director “Ang pagkakaaresto sa Rank No. 4 Most Wanted Person sa Regional Level ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na maipatupad ang batas at maihatid sa hustisya ang mga taong may kinakaharap na mabibigat na kaso"
# # # # # # # # # #
Authority : ATTY. ELEAZAR R BARBER JR
Police Colonel
Provincial Director
Action Officer : NOMER B MACARAIG
Police Captain
Public Information Office
Facebook Account: https://www.facebook.com/RizalPpoPio/
Contact No.: (02)571-1147
Date: October 8, 2026