Mommy Rose Salvame Supporters

Mommy Rose Salvame Supporters

Share

Kalingang Salvame. Pusong Palaweño.

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 21/08/2024

[ADMIN] AICS PAYOUT SA BUSUANGA

Datapwat wala na si Congressman Manong Egay, patuloy pa ring sinisikap ng Pamilya Salvame — sa pamamagitan ni Mommy Rose Salvame — na tuloy-tuloy ang daloy ng serbisyo at tulong sa ating mga kababayan.

Sa kaniyang pakikipag-ugnayan kay caretaker Congressman at House Speaker Martin Romualdez, at DSWD Secretary Rex Gatchalian, 500 Busuangeños ang kamakailan ay nabigyan ng pinansiyal na tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng nasabing ahensiya.

Kasabay itong isinagawa sa bayan ng Coron, kung saan 500 residente rin ang nabigyan ng kaparehong tulong. 🫰💙🧡









Busuanga, Palawan
Alagang "Egay" Lim Salvame
Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 19/08/2024

[ADMIN] TINGNAN || AYUDA PARA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM SA BAYAN NG CORON

Hinatid kamakailan ng tanggapan ng Unang Distrito Ng Palawan ang programang AKAP sa Bayan ng Coron, Palawan, kung saan 500 nating kababayan ang direktang nakatanggap ng tag-Php 3,000.00 bawat isa.

Ang AKAP program ang pinakabagong programa ng DSWD na layong makatulong sa mga “low-income individuals” na kumikita ng hindi lalagpas sa minimum wage. Isinulong ang programang ito nila Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.🫰

Pinangunahan naman ni Gng. Rose A. Salvame ang programa, opisina ng caretaker Congressman Romualdez, kasama ang mga lokal na opisyal ng LGU Coron. 🫰💙🧡

Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame
Alagang "Egay" Lim Salvame








Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 14/08/2024

[ADMIN] TINGNAN || FARM-TO-MARKET ROAD PROJECT NI CONG. MANONG EGAY SA CARAMAY, ROXAS

Isa na namang farm-to-market (FMR) road project ang napapondohan ni Congressman Manong Egay Salvame sa kaniyang masugid na pakikipagtulungan sa Department of Agrarian Reform (DAR), sa pamamagitan ni DAR Secretary Conrado Estrella.

Ang nasabing FMR ay ipinatupad sa Sitio Busuang, Brgy. Caramay, Roxas, Palawan sa pangunguna ng DPWH 1st District Engineering Office, at sa suporta ng DAR MIMAROPA, DAR Palawan, lokal na pamahalaan ng Roxas, at Barangay Council ng nasabing barangay.

Pangarap ni Congressman Manong Egay na maisagawa ang mga kahalintulad na imprastraktura upang lalong mailapit ang mga produkto ng ating mga magsasaka at malalayong kanayunan sa ating mga sentro ng pamilihan, upang sa gayun ay mapalakas ang kanilang hanapbuhay at maging kumportable ang kani-kanilang pamumuhay kalaunan.🫰💙🧡

Kasabay ng proyektong ito ang kaparehong FMR sa Taytay at Coron. 👏






Bayan ng Roxas, Palawan

Alagang "Egay" Lim Salvame
Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 07/08/2024

Matamang salamat, Congressman Manong Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame sa proyektong Farm-to-Market Road sa Sitio Nalbot, Taytay, Palawan, Philippines! 👏💪

Isa ulit sa napakaraming mabubuting legasiyang naiwan ng ating minamahal na Congressman Manong Egay! 🫰









Alagang "Egay" Lim Salvame

04/08/2024

PANGALAWANG GINTO PARA SA PILIPINAS! Maraming salamat and congratulations, Caloy Yulo! Dangal ka ng Pilipinas! 🇵🇭👏🫡






Photos from Mommy Rose Salvame Supporters 's post 03/08/2024

UNANG OLYMPICS GOLD NG PILIPINAS 🇵🇭 SA PARIS! CONGRATULATIONS CALOY! 👏🫰

Tunay ‘ngang ang sipag, tiyaga at disiplina ay magdadala sa atin sa tagumpay! Mabuhay ka, at maganda kang halimbawa at inspirasyon sa ating mga kababayan! 🫡🇵🇭







📸 CTTO

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 30/07/2024

[ADMIN] TINGNAN || PROYEKTONG BARANGAY HALL NI MANONG EGAY PARA SA CARAMAY, ROXAS, BUKAS NA!

Pinasinayaan at pormal nang binuksan ang proyektong Barangay Hall ni Congressman Manong Egay Salvame para sa Barangay Caramay, Roxas, Palawan itong Sabado.

Mismong ang kabiyak nitong si “Mommy Rose” Salvame ang nanguna sa seremonya, kasama ang buong Barangay Council sa pamumuno ni Punong Barangay Apolinario Dangan.

Pinuri naman ni Kapitan Dangan ang bilis ng aksiyon ni Congressman Salvame sa pagtugon ng kanilang request.

Kasama ang nasabing proyekto sa Local Infrastructure Program ni Congressman Salvame ngayong taong 2024, in partnership with DPWH 1st District Engineering Office. 🫰💙🧡


Alagang "Egay" Lim Salvame
Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame
Bayan ng Roxas, Palawan







Photos from Mommy Rose Salvame Supporters 's post 30/07/2024

WELCOME BACK, LEARNERS! Give your best, and enjoy the new school year! Kaya niyo ‘yan! 🫰💪

Here’s our prayer for you all:

“Lord, our God, in your wisdom and love You surround us with the mysteries of the universe.

Send your spirit upon our students and fill them with Your wisdom and blessings.

Grant that they may devote themselves to their studies and draw ever closer to You, the source of all knowledge.

We ask this through Christ our Lord. Amen.”




Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame
Alagang "Egay" Lim Salvame

27/07/2024

[MOMMY ROSE SALVAME] Binabati ko po ang buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa inyong ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag! May this anniversary celebration bring more blessings, spiritual growth and successes to the Church and your dear members. 🙏🫰




📸 CTTO

Alagang "Egay" Lim Salvame
Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame

[MOMMY ROSE SALVAME] Binabati ko po ang buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa inyong ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag! May this anniversary celebration bring more blessings, spiritual growth and successes to the Church and your dear members. 🙏🫰




📸 CTTO
Mommy Rose Salvame Supporters
Supporters of Mommy Rose Salvame

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 26/07/2024

[ADMIN] TINGNAN || Mismong si “Mommy Rose” Salvame ang nanguna sa Blessing at Turn-over ng Proyektong Multi-purpose Building (MPB) para sa Barangay IV, Roxas, Palawan — proyektong nagmula sa Local Infrastructure Program ni Congressman Manong Egay Salvame para sa taong 2023.

“Handog po ito ni Manong Egay para sa inyo, dahil alam niyong mahal na mahal niya kayong mga [Roxaseño],” mensahe ni Mommy Rose Salvame sa LGU at Barangay Council. “Gamitin niyo ito sa pagtulong sa ating mga kababayan…sa paglapit ng serbisyo ng ating gubyerno sa ating mga kababayan, gaya ng ginawa ng Manong Egay niyo.”

Malugod naman itong tinanggap ng Barangay Council sa pangunguna ni Punong Barangay Tin Trinidad.

Isa lamang ang proyektong ito sa 81 infrastructure projects ni Congressman Salvame para sa bayan ng Roxas, sa loob lang ng kulang-kulang dalawang taon na panunungkulan. 🫰💪









Alagang "Egay" Lim Salvame

Photos from Edgardo "Egay" Villagracia Lim Salvame's post 25/07/2024

[ADMIN] Isama natin sa ating mga panalangin ang kaligtasan at mabilis na pagbangon ng ating mga kababayang lubhang nasalanta ng bagyong Carina… 🙏

📸 CTTO

Want your business to be the top-listed Government Service in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Taytay