05/06/2026
T A Y T A Y
BAGONG TAYTAY, KALINGANG MAY PUSO, SERBISYO PARA SA LAHAT | Hon. Norbert Lim - Municipal Mayor
Official Email Address: [email protected]
05/06/2026
T A Y T A Y
๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ง ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโLight the Legacy: Remember, Advance, Act โ Keeping the Light Aliveโ
Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office, ang paggunita ng 2026 International AIDS Candlelight Memorial bilang pag-alala sa mga buhay na naapektuhan ng HIV at AIDS, at bilang panawagan sa patuloy na pagkilos laban dito.
Pinamunuan nina Mayor Norbert Salvame Lim at Municipal Health Officer Dr. Dan Del Rosario ang nasabing programa, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kamalayan, pag-iwas, at malasakit sa kapwa. Nakiisa rin si Rev. Father Henry Alaska na nanguna sa panalangin, na nagbigay ng mensahe ng pag-asa, pagkakaisa, at patuloy na laban para sa isang komunidad na may malasakit at pag-unawa.
Sa pamamagitan ng pagsisindi ng kandila, muling pinagtibay ng bawat isa ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang labanโupang alalahanin ang mga nawala, suportahan ang mga nabubuhay, at kumilos tungo sa isang ligtas at stigma-free na lipunan.
Patuloy nating panatilihing buhay ang liwanag ng pag-asa. Sama-sama, tayo ay kikilos. ๐ฏ๏ธ
05/06/2026
๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ง ๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐ฅ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ ๐ข๐ ๐ง๐๐ฌ๐ง๐๐ฌ, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก ๐ฃ๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ง๐๐ฆ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ง๐ข ๐ง๐๐ ๐ข๐๐๐๐๐ ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ
Isang makabuluhang courtesy call ang isinagawa ng mga kinatawan ng Taytay Districts sa Tanggapan ng Punong Bayan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng sektor ng edukasyon at ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ito nina Maโam Rowena Gaviana, PSDS ng Taytay District I; Sir Joseph Baluarte, PSDS ng Taytay District II; at Ma'am Rufina Dalabajan, OIC PSDS ng Taytay District III.
Sa naturang pagbisita, tinalakay ang ibaโt ibang programang pang-edukasyon at mga inisyatiba para sa kapakanan ng mga mag-aaral, gayundin ang pagpapatibay ng koordinasyon upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bayan ng Taytay.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang mas maayos, mabilis, at episyenteng paghahatid ng serbisyo sa komunidad.
Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa pagkakaisa at dedikasyon ng bawat sektor sa pagsusulong ng kaunlaran at sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataang Taytayanos.
05/06/2026
๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐ "๐ง๐๐๐ ๐ง๐๐ฌ๐ง๐๐ฌ" ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ!
Nagbigay ng isang makabuluhang courtesy visit ang Estrella Del Norte โTeam Taytayโ sa tanggapan ni Mayor Norbert Salvame Lim bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na laban sa Baragatan Festival 2026 Basketball Tournament na magsisimula sa ika-8 ng Hunyo 2026.
Ang nasabing koponan ang magsisilbing opisyal na kinatawan ng Bayan ng Taytay sa naturang paligsahan. Pinangunahan ang team ng kanilang masigasig na Team Management sa pangunguna ni Team Coordinator at SKF President Jeric O. Dreo, kasama sina Coach Irvin Pe, Assistant Coaches Raniel Patalita at Arnel Bernabe, Trainers Engr. John Jay Tabligan at Ollen Padasas, Dr. Dan Del Rosario, Rhea Martin, at Sports Coordinator Jun Abian.
Ipinahayag ng Punong Bayan ang kanyang buong suporta sa koponan at hinikayat ang mga manlalaro na ipakita ang kanilang husay, disiplina, at pagkakaisa sa bawat laban. Binigyang-diin din niya na ang Team Taytay ay sumisimbolo sa lakas ng loob at pagkakabuklod ng mga mamamayan ng Taytay.
Ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ang kanilang buong suporta sa koponan, na nagsisilbing inspirasyon sa kabataan at patunay ng pagkakaisa at dedikasyon ng mga taga-Taytay sa larangan ng isports. Ang kanilang partisipasyon ay hindi lamang para sa kompetisyon kundi para rin sa pagpapakita ng disiplina, teamwork, at pagmamalaki sa ating bayan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang Team Taytay sa ating mga kabataan upang higit pang paigtingin ang kanilang interes sa palakasan at patuloy na iangat ang antas ng sports development sa ating komunidad.
๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ฒ๐ญ๐๐ฒ! ๐๐งก๐
๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ , ๐๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐-๐๐๐ฒ๐ญ๐๐ฒ!
Suportahan natin ang ating koponan sa kanilang labanโdahil sa bawat puntos at bawat laro, dala nila ang dangal ng buong bayan!
05/06/2026
๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ง๐๐ฆ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ช ๐๐ซ๐๐๐จ๐ง๐๐ฉ๐ ๐ข๐๐๐๐๐
Isinagawa ang kauna-unahang courtesy call sa bagong Executive Office mula sa kinatawan ng BDO Network Bank, Inc. bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga institusyon na naglalayong maghatid ng kapaki-pakinabang na serbisyo sa ating mga kawani.
Dumalo sina:
โข Venjie S. Valdez โ Team Leader, R4B Romblon Palawan, Salary Loans Group
โข Stephen G. Nadres โ Account Officer
โข Rene R. Beliran Jr. โ Account Officer
Layunin ng kanilang pagbisita ang pagtalakay sa panukalang Salary Loan Program na maaaring makatulong sa mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa kanilang pinansyal na pangangailangan.
Ang nasabing courtesy call ay sumisimbolo ng patuloy na pagbubukas ng mga oportunidad at pakikipagtulungan para sa kapakanan at kapakinabangan ng mga lingkod-bayan.
๐๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ ๐ข๐ ๐ก๐๐ช ๐๐ซ๐๐๐จ๐ง๐๐ฉ๐ ๐ข๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa ang pagbabasbas at blessing ceremony ng bagong Executive Office sa pangunguna ng ating Ama ng Bayan, Hon. Norbert Salvame Lim, kasama ang kanyang mga kawani at mga panauhin.
Ang nasabing seremonya ay sumisimbolo ng isang panibagong yugto ng paglilingkodโisang lugar na magsisilbing sentro ng mas maayos, mabilis, at episyenteng pagbibigay-serbisyo sa mamamayan. Sa pamamagitan ng pagbabasbas, inialay ang opisina sa patnubay ng Poong Maykapal upang magsilbing daluyan ng tapat, makabuluhan, at makataong pamamahala.
Ang banal na seremonya ay pinangunahan nina Rev. Father Henry Alaska at Rev. Father Gerald Palay. Dinaluhan ito nina Vice Mayor Delma P. Edep, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga department heads, at mga kawani ng pamahalaan.
Ang bagong Executive Office ay magsisilbing simbolo ng pagkakaisa, integridad, at malasakit sa patuloy na pagbibigay-serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ผ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ต๐๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ก๐๐ฆ!
๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐ค, ๐ฝ๐ข๐๐ 5, 2026, ๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ค๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐, ๐ฏ๐๐. ๐ต๐๐๐๐๐๐ ๐บ. ๐ณ๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ค๐๐๐. ๐ด๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ ๐ก๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐ ๐๐๐ ๐น๐๐. ๐ญ๐. ๐ฏ๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐น๐๐. ๐ญ๐. ๐ฎ๐๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐ ๐ข๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐ ๐ฝ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐ฌ๐
๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ 25๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐. ๐ท๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ค๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐โ๐ก ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐โ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ก๐๐ฆ.
๐ด๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ฆ๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐, ๐๐ก ๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐ก ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ค๐๐ก ๐๐๐ฆ๐ก๐๐ฆ๐๐๐๐. ๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ฟ๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐.
๐๐๐๐ขโ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ต๐๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ก๐๐ฆ!
05/06/2026
TAYTAY, PALAWAN โ ARE YOU READY?
Get ready for an unforgettable afternoon of music, energy, and good vibes as Dize Akira brings the CHOREO CLASS to Taytay!
Whether you're a beginner, a dance enthusiast, or someone who simply loves to move, this is your chance to learn, have fun, and be part of an amazing dance community.
๐ Municipal Covered Court, Poblacion, Taytay, Palawan
๐
June 11, 2026
โฐ 4:30 PM
๐๏ธ Registration Fee: โฑ200
โจ Learn exciting choreography
โจ Meet fellow dancers and friends
โจ Improve your skills and confidence
โจ Enjoy an energetic and inspiring experience
Bring your friends, classmates, teammates, and family membersโeveryone is welcome! Don't miss this opportunity to dance, connect, and create unforgettable memories together.
Contact Persons:
Christian S. Berme, 09500111778
LR Andes, 09774091187
Reserve your slot now and spread the word!
๐โค๏ธ๐ค
04/06/2026
๐ฆ๐๐๐๐ฃ-๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก, ๐ก๐๐๐๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ง๐๐ฆ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ง๐๐ฌ๐ง๐๐ฌ, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก
Nagbigay ng courtesy call ang SAGIP-PALAWAN sa pangunguna ni Mr. Cornelio F. Villegas Sr. sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, Palawan.
Mainit silang tinanggap ni Municipal Administrator Elsie G. Cerveza na siyang nakipagpulong sa grupo sa ngalan ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon.