Barangay Abongan Lgu

Directions Website

Barangay Abongan Lgu This is the official Facebook account of Abongan-Lgu. All information and local updates will be shown

📢 ANNOUNCEMENTMagandang araw po sa ating lahat!Sa darating na September 18, 2026, ay nakatakda po sa ating barangay ang ...
09/09/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating lahat!

Sa darating na September 18, 2026, ay nakatakda po sa ating barangay ang Rice Distribution Program mula sa Pamahalaan ng National Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM), kung saan bawat bayan ay makikinabang sa programa na pinamamahalaan ng Provincial Government of Palawan.

Ang bawat pamilya na kabilang sa masterlist ay makakatanggap ng 10 kilos ng bigas.

📌 MAHALAGANG PAALALA:

• Ang beneficiary ay kailangang magdala ng valid ID.
• Kung representative ang kukuha, kailangang dalhin ang:

1. Valid ID ng representative, at
2. Valid ID ng beneficiary na nasa masterlist.

Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at pagsunod sa mga requirements upang maging maayos at mabilis ang ating distribution.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta.

Mga kabarangay, atin pong matagumpay na naipaayos ang kalsada sa Sitio ng Tula-tulahan, susundan naman ito ng pagpapaayo...
06/08/2026

Mga kabarangay, atin pong matagumpay na naipaayos ang kalsada sa Sitio ng Tula-tulahan, susundan naman ito ng pagpapaayos ng kalsada sa Sitio pinanggupitan at sitio Tamalarong,dito sa ating barangay.

Ang proyektong ito ay malaking tulong sa mga mamamayan ng Sitio Tulatulahan, lalo na sa mga estudyanteng araw-araw na buma biyahe papasok sa paaralan, mga magsasakang araw araw na pumupunta sa kami kanilang sakahan.Sa ngaun,mas magiging ligtas na at mas maginhawa na ang kanilang paglalakbay.

Taos-pusong pasasalamat po ang Abongan-Lgu sa ating mahal na Mayor Norbert Salvame Lim sa kanyang patuloy na suporta, at sa Punong Barangay Bong²x Batuta, sa pagpapagamit ng kanyang mga dumptrak upang mas mapadali ang Pag sasaayus ng ating kalsada, kasama ang kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Barangay.Ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap upang maihatid ang mga proyektong tunay at para sa kapaki-nabangan ng ating komunidad ay lubos po naming pinasasalamatan.

Maraming salamat din sa pamilya Eldo na pumayag upang kumuha sa kanilang Lupa ng mountain quarry upang magamit panambak sa mga sitio road.At sa lahat ng mamamayan ng bgy. Abongan sa inyong mahabang pasensya at pang-unawa habang isinasagawa ang pagpapaayos ng ating mga kalsada. Ang inyong suporta at kooperasyon ang naging daan upang matagumpay nating maisakatuparan ang mga proyektong ito.

At tuloy-tuloy pa rin ang ating serbisyo. Ngayon naman ay sinisimulan na ang pagpapaayos ng kalsada sa Sitio Tamalarong, upang mas marami pang mamamayan ang makinabang sa mas maayos at ligtas na daan.

Sama-sama nating itaguyod ang patuloy na pag-unlad ng Barangay Abongan. Maraming salamat po! 💙🛣️

🚜🛣️ Isang hakbang tungo sa mas maayos na Barangay Abongan❗❗Ngayon ay atin na pong sinisimulan ang pagpapaayos ng mga kal...
14/07/2026

🚜🛣️ Isang hakbang tungo sa mas maayos na Barangay Abongan❗❗

Ngayon ay atin na pong sinisimulan ang pagpapaayos ng mga kalsada sa mga sitio ng Barangay Abongan. ang kalsada sa Sitio Pinagupitan ay atin pong sinisimulan sa pagsasaayos upang maging mas ligtas at mas maginhawa ang paglalakbay ng ating mga kabarangay.

Humihingi po kami ng paumanhin sa mahabang panahon ng inyong pagtitiis. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa, pagtitiwala, at suporta habang unti-unti nating naisasakatuparan ang mga proyektong magbibigay ng mas magandang serbisyo sa ating komunidad.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa ating Municipal Mayor Hon. Norbert Salvame Lim ,vice mayor Delma Edep,SB members,Punong Barangay Bongbong Marbert E. Batuta, at sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa kanilang suporta at pagtutulungan upang maisakatuparan ang proyektong ito para sa kapakanan ng mamamayan ng Barangay Abongan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating barangay! 💙

🌳 MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG SIMULTANEOUS CUTTING, PRUNING, AND CLEARING OF HAZARDOUS TREES 🌳Sa kabila ng patuloy na pa...
11/07/2026

🌳 MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG SIMULTANEOUS CUTTING, PRUNING, AND CLEARING OF HAZARDOUS TREES 🌳

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, matagumpay na naisagawa ang Simultaneous Cutting, Pruning, and Clearing of Hazardous Trees sa pangunguna ni P/b Bongbong Marbert at Sina kgd. Eddie Dalumpines ,kgd. An Torres, at kgd. Judith Dolatre dito sa ating barangay.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras, pagod, at dedikasyon upang maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong pagtutulungan at malasakit ay malaking ambag sa pagpapanatiling ligtas ang ating mga kalsada, kabahayan, at komunidad mula sa mga panganib na dulot ng mga mapanganib na puno.

Maraming salamat sa lahat ng mga volunteers, sitio officials, at mga katuwang na ahensya na hindi natinag kahit sa masamang panahon upang maipagpatuloy ang serbisyong para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Patuloy tayong magkaisa para sa isang mas ligtas, malinis, at handang komunidad.




11/07/2026

📢 PABATID | Proseso ng Pagpili ng Benepisyaryo ng Scholarship Program

Bilang bahagi ng patas at maayos na proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo ng Scholarship Program, isinagawa ang sumusunod na mga hakbang:

✅ Ang bawat kagawad ng barangay ay inatasang magsubmite ng tatlong (3) pangalan ng mga graduating students na kanilang inirerekomenda. Mula sa mga rekomendasyong ito ay isinagawa ang shortlisting ng mga kwalipikadong aplikante.

✅ Matapos ang masusing pagsusuri, siyam (9) na mag-aaral ang napili bilang finalists. Ang bawat isa ay inatasang magsubmit ng personal video at sulat (letter) na nagpapaliwanag kung bakit sila ang nararapat na mapabilang sa mga magiging iskolar ng programa.

Ang prosesong ito ay isinagawa upang matiyak ang patas, malinaw, at makatarungang pagpili ng mga benepisyaryo hanggang nabuo ang limang (5) mag aaral base sa criteria na ibinigay sa atin ng pamahalaan .

Maraming salamat sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok at sa mga sumuporta sa proseso. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na magsikap sa pag-aaral.

# fyiabongan
# Abongan'sbest

18/04/2026

Good afternoon day mga kabarangay.😊
Ang may pangalan po sa ibaba ay inaanyayahan na pumunta po sa bgy sa lunes alas 8:00 ng Umaga April 20,2026 ito po ay para sa validation ng slp livelihood program ni sen. Pia Cayetano.
Magdala po ng 2 valid ID.maraming slmt po
1. SHERLY AGUILAR
2. RAYMUND BADIANG
3. JOMARIE CAHILIG
4. RODELYN ELDO
5. ALMA FAJARDO
6. LETECIA GALVEZ
7. ABETO GREGORIO
8. RICKY LUNGSOD
9. EDDIE MAGON
11. JUMIL MELANCIO
12. MA.QUIA MORALES
13. ANTONIO NIFRAS
14. PAUL PADILLA
15. ALLEN REYES
16 EDWARDO ROBLES
17. MARINO SACAY
18. DOMARS SAMULDE
19. MICHAEL SARMIENTO

09/03/2026

Paalala😊😊😊😊👍

Magandang araw po sa lahat.Ang mga pangalan po na nakalista sa ibaba ay mga pangalan mga deactivated voters na hindi po ...
09/03/2026

Magandang araw po sa lahat.
Ang mga pangalan po na nakalista sa ibaba ay mga pangalan mga deactivated voters na hindi po nakabotong 2 consecutive regular elections.
Maraming slmat po.

Mula po sa lgu-abongan kmi po ng papasalmat sa tulong na ayuda mula sa lgu-taytay, aming butihing Mayor Norbert Salvame ...
12/11/2025

Mula po sa lgu-abongan kmi po ng papasalmat sa tulong na ayuda mula sa lgu-taytay, aming butihing Mayor Norbert Salvame Lim,VM Delma Edep at SB members,mga Department heads,mswd at sa lahat po ng kawani ng ating gobyerno. Ang mamamayan ng abongan ay Taos pusong nagpapasalamat sa .

09/11/2025

Mga minamahal naming kabarangay. Ang Lgu-Taytay at mswd ay namimigay po ng ayuda/foodpacks para sa 126 families na nag evacuate noong panahon ng bagyong Tino. Ang hindi po nabigyan ng foodpacks ay wag po magtampo kayo po ay mabibigyan ng ayuda para sa pangkalahatang distribusyon sa sunod na araw.Maraming salamat sa pamunuan ng Lgu Taytay, Mayor Norbert Salvame Lim at sa lahat ng ahensya nito.

Address

Barangay Abongan, Palawan
Taytay
5312

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Abongan Lgu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share