02/06/2026
Good AM, San Isidro โ๏ธ Itโs 8:29AM at kasama natin ang mga masisipag nating Desk Officers, ready to serve! โจ
May mga suggestions ba kayo kung paano natin mas mapapalakas ang ating peace and order sa Barangay? I-comment niyo lang at pag-aaralan natin upang mailatag natin sa susunod na session.
01/06/2026
Maulan na hapon. Tara, kape tayo. Kakauwi ko lang galing barangay dahil nag-session kami at may mga inasikaso ako. โ๏ธ
Anyways, ang ganda ng view ko noh? Tanaw na tanaw ang San Isidro. ๐๏ธ๐ณ
Hulaan niyo kung saan ako nakatira, tapos i-tag niyo si Balita San Isidro ๐ฐ Magpapa-swimming ako para sa tropa/pamilya ng makakahula ng tamang sagot ๐โโ๏ธ
P.S. May official timestamp yan ha. Hindi kasi ako mahilig magsinungaling. Dun tayo lagi sa totoo. Nag-post lang ako ng may โannouncementโ ako, may tsismis at paninira na agad sa akin ๐
31/05/2026
Kapit lang, San Isidro. โ May paparating na announcement ako sainyong lahat ngayong buwan. Ready na ba kayo? ๐โบ๏ธ
Happy first Monday of June โจ
Pwede kayo mag-join dito sa channel natin para mauna kayo sa mga announcements at mga exlusive updates:
โฉ https://www.messenger.com/channel/arkycmanning
31/05/2026
Batch 12 na ang ating Free Eye Check-up and Operation, at personal pa rin nating sinasamahan ang ating mga pasyente. โบ๏ธ
Sinimulan natin ang programang ito bilang bahagi ng ating tungkulin at serbisyo bilang Kagawad. Hindi natin ito ginawa para sa pulitika o personal na interes.
Supporter man natin o ng ibang grupo, iboboto man ako o hindi, bukas ang programang ito para sa lahat.
At para sa iba na may ganitong programa, tandaan na hindi ito contest o pagalingan. Hindi ito paramihan ng pasyente.
Tumulong nalang tayo sa paraan na alam natin at iwasan na ang mga paninira para lamang makakuha ng mga pasyente o magmukhang mas magaling.
Dahil sa huli, ang serbisyo ay hindi kompetisyon: ito ay obligasyong dapat ginagawa nang may malasakit habang at walang inaasahang kapalit.
31/05/2026
Happy Sunday! ๐ Mass service done. โค๏ธ
Ngayong araw, pinaalalahanan tayo na ang pagmamahal ng Diyos ay laging buo, tapat at sapat. Ang pagmamahal na ito ay hindi lang dapat manatili sa atin, kundi dapat nating ibahagi sa ating kapwa sa pamamagitan ng kabutihan, pag-unawa, at paglilingkod.
Have a blessed Sunday everyone! โจ๐๐
30/05/2026
Isang pamilya mula sa Tancinco ang natulungan ng ating Libreng Funeral Service at Kabaong Program ๐๐ป
Sa ating programa, wala nang kailangang ilabas na pera ang pamilya. Sa halip na maghanap nang pambayad sa funeral service, pagproseso at sumite lamang ng mga dokumento ang aasikasuhin para sa patuloy na serbisyong pambuliko ng ating funeral service partner.
Rest in Peace, Kuya Rosario. Walang hanggang kapayapaan para saโyo sa piling ng ating Panginoon ๐ค
Sa kanyang pamilya, taos-puso po akong nakikiramay. Kaisa ninyo ako sa panalangin sa gitna ng inyong pagdadalamhati. ๐๐ป
Para po sa mga nangangailangan, maari lamang na tumawag sa 0947 893 1149.
30/05/2026
15 years as community organizer and countingโฆ..
Alam niyo na bago pako pumasok sa pulitika ay aktibo na tayong Community Organizer at kahit hanggang ngayon na halal na lingkod bayan na tayo ay patuloy parin tayong naglilingkod sa mga non-government organizations.
Ngayong buwan, sa pangunguna ng Taytay Kabalikat Lions Club at iba pang community partners, pinapalakas natin ang mga sector na hindi gaanong madalas na napapakinggan: ang mga batang may Cerebral Palsy at mga nanay.
Noong May 3, nagkaroon tayo ng outreach program para sa mga batang may Cerebral Palsy, nagbigay tayo ng basic needs at suporta sa kanilang mga pangangailangan.
Sinundan ito noong May 13 ng isang health seminar para sa mga nanay tungkol sa tamang pag-inom ng gamot at tamang paggamit ng antibiotics.
Masaya sa pakiramdam ang tumulong sa ganitong paraan: yung walang halong pulitika, walang posisyon-posisyon, kundi tunay na malasakit at serbisyo.
I am a proud community organizer for 15 years.
28/05/2026
Usap-usapan ngayon sa Facebook ang panawagan para sa SK Debate.
Sa totoo lang, nakakatuwang makita na mas nagiging mapanuri na ang mga tao sa pagpili ng lider. Hindi na lang basta pangalan, popularity, itsura, o TikTok reels ang basehan. Mas marami na ang naghahanap ng plataporma kung saan makikita kung sino talaga ang may kaalaman, prinsipyo, at konkretong plano.
Sa kabilang banda, may punto rin yung iba na hindi dapat debate lang ang basehan. May mga taong magaling magsalita pero kulang sa gawa. May ilan ding nadadala lang sa confidence at mabubulaklak na salita kahit kulang sa laman ang plataporma.
Para sa akin, bilang dating SK Chairman at kasalukuyang Barangay Kagawad, malaking tulong ang debate para mas makilala ang mga kandidato, sa panahon na pagod, gising at mulat na ang taumbayan sa pulitika.
Sa huli, habang magandang pagkakataon ang debate para sa mas matalinong pagboto, hindi lang debate ang sukatan ng isang kandidato. Mas mainam pa rin na tignan natin ang kabuuan: track record, pakikisalamuha sa tao, mga pinaglalaban at adbokasiya, at kung may tunay bang nagawa habang nakaupo o noong wala pang eleksyon.
Ikaw, pabor ka ba sa debate para sa mga nagnanais maglingkod sa barangay? ๐ฌ