19/08/2026
𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Magpapatupad po ng 𝐰𝐨𝐫𝐤-𝐟𝐫𝐨𝐦-𝐡𝐨𝐦𝐞 𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 bukas ang ilang Registries of Deeds (RDs), alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo ngayong araw kaugnay sa patuloy na malakas na pag-ulan bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.
Samantala, 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐝𝐨 ang operasyon ng LRA Central Office, Registry of Deeds ng Quezon City, at mga Registries of Deeds sa Quezon at Aurora Province bukas, 19 Agosto 2026, bilang paggunita sa “Quezon Day” na isang special non-working public holiday batay sa Republic Act No. 6741, s. 1989.
Para naman po sa iskedyul ng operasyon ng iba pang RDs na hindi sakop ng work-from-home arrangement o suspensyon, maaari po ninyong tingnan ang kanilang service hours sa link na ito ng aming website:
LRA Adjusted Work Schedule Guide
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/
Maraming salamat po.