15/10/2026
Ginanap kahapon (October 14, 2026 9:30AM) ang isang On-Site Public Hearing sa pangunguna ng Committee on Housing and Land Utilization ng Sangguniang Bayan ng Teresa, Rizal.
Ang nasabing pampublikong pagdinig ay patungkol sa mga sumusunod na kahilingan sa pagpapalit ng kategorya ng lupa (Land Reclassification):
1️⃣ Kahilingan ni G. Leopoldo H. Florentino Jr. – Rezoning ng lupa mula Residential Zone tungo sa Commercial Zone (kabuuang sukat na 3,305 sq. m.) na matatagpuan sa Corazon C. Aquino Ave., Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal.
2️⃣ Kahilingan ni G. Jimy H. Florentino – Rezoning lupa mula Residential Zone tungo sa Commercial Zone (kabuuang sukat na 680 sq. m.) na matatagpuan sa Corazon C. Aquino Ave., Brgy. May-Iba, Teresa, Rizal.
Layunin ng ating Sangguniang Bayan na tiyakin ang maayos, patas, at transparent na proseso para sa tuluy-tuloy at balanseng pag-unlad ng ating bayan.
Salamat sa mga dumalo at nakiisa! 🤝💙