Magandang hapon sa inyong lahat:
Sa mga kababayan kong ternateño, sa mga kamag anak, pamilya, kaibigan, sa mga boss ko at kakilala at sa mga followers na araw araw kong nkaksama simula day 1 ng kampanyahan gang election day, mga naging leaders at watchers , taus puso ang pasasalamat ko sa inyo, hindi man tayo pinalad, nandyan kayo para sa tunay na gusto nyong pagbabago sa ating bayan ternate, maraming salamat sa paninindigan nyong lahat. Lagi lng maging kuntento sa buhay at magdadasal....God bless u all..God bless ,
Clemencia "inday" Garcia
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Clemencia "inday" Garcia, Sitio Ul-Ong, Sapang 1, Manila.
Mahal kong mga kababayan sa Ternate, Cavite,
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Buong puso kong tinatanggap ang naging pasya ng taumbayan. Bagamat hindi natin nakamit ang inaasam na resulta, ako po’y taus-pusong nagpapasalamat sa inyong suporta, tiwala, at pakikiisa sa ating layunin.
Hindi naging madali ang ating laban. Bilang isang bagong mukha sa politika ng Ternate, batid kong maraming hamon ang kailangang lampasan. Pero sa bawat ngiti, kamusta, at yakap ninyo sa kalsada, ramdam ko ang inyong malasakit at pagyakap sa ating adhikain.
Sa lahat ng volunteers, kabataan, magulang, at mga nakatatanda—maraming salamat po. Ang ating kampanya ay patunay na hindi kailanman nawawala ang pag-asa, lalo na kung ang layunin ay para sa kapakanan ng nakararami.
Binabati ko rin ang nanalong kandidato. Nawa'y ang kanyang tagumpay ay magdala ng kabutihan para sa buong Ternate.
Hindi po ito pagtatapos, kundi isang bagong simula. Mananatili kayong inspirasyon sa akin sa kahit anong landas ang aking tahakin.
Mula sa aking puso—maraming salamat, Ternate.
Inday Garcia
Mabuhay ang Ternate. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.
09/05/2025
✨🗳️ 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚!
Nasa dulo na po tayo ng kampanya, at natatanaw na natin ang tagumpay—salamat sa inyong tiwala, suporta, at pagmamalasakit. 🙏❤️
Sa huling bugso ng laban, muli ko pong hinihiling ang inyong buong suporta at boto.
Para sa isang mas maunlad, mas makatao, at mas tapat na pamumuno sa Bayan ng Ternate:
⚫️ #2 GARCIA, INDAY (IND) — MAYOR
👉 Sama-sama tayong babangon. Sama-sama tayong uusad.
Iboto ang lider na tunay na nagmamalasakit sa bawat Ternateño!
09/04/2025
ANG PAGKIKITA NI MAYORA INDAY GARCIA AT NI VM GUBIO DURING HOUSE TO HOUSE CAMPAIGN
AT NI KONSEHALA CHE MOJICA KONSE BOY LINDO KONSE EJ SAGUN🧡🤍🩵❤️ANG PAGKIKITA NILA AY SIMBOLO NG PAGIGING MABUTI SA KAPWA AT PAGIGING MAGKAKAIBIGAN AT MAPAYAPANG HALALAN.
Para po sa lahat ng supporters ng mga bawat kandidato maging sport lamang po tayo wag naman po magtanggal ng tarpaulin namin at nilalagay niyo pa sa bawal na lugar kami po na team Inday ay sumusunod sa patakaran ng comelec maraming salamat po.
06/04/2025
Day2
Meeting de abanse(Caucus )
03/04/2025
Day4
Poblacion 3 and 2
House to house campaign
Sobrang init
TEAM INDAY
SIPAG AT TIYAGA
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Culinary Team
Attire
Telephone
Website
Address
Sitio Ul-Ong, Sapang 1
Manila
4111
