Sangguniang Kabataan ng Bula

Directions

Sangguniang Kabataan ng Bula Unlad para sa kinabukasan, sulong kabataan
(1)

๐„๐ƒ๐”๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“ Narito ang listahan ng mga makakatanggap ng tulong pinansiyal pagdating sa edukasyon....
30/08/2026

๐„๐ƒ๐”๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐๐€๐˜๐Ž๐”๐“

Narito ang listahan ng mga makakatanggap ng tulong pinansiyal pagdating sa edukasyon. Nawa'y mas galingan pagpasipagan nyo pa upang maabot ang inyong magandang bukas.

Kabataang Bula, tayo ang makabagong kabataan, tulay sa magandang kinabukasan๐Ÿ’™

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐Š ๐…๐ˆ๐Ž๐๐€!๐Ÿ†Buong puso naming binabati ang isa sa aming masisipag at dedikadong SK Councilor, Alessandra Fiona D. ...
30/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐Š ๐…๐ˆ๐Ž๐๐€!๐Ÿ†

Buong puso naming binabati ang isa sa aming masisipag at dedikadong SK Councilor, Alessandra Fiona D. Ramos, CHRA, sa matagumpay na pagkamit ng kanyang Bachelor of Arts in Psychology, Class of 2026 โ€“ Cum Laude! ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sipag, tiyaga, determinasyon, at walang sawang pagsusumikap. Sa kabila ng mga hamon at responsibilidad bilang isang lingkod-kabataan, pinatunayan mong kayang pagsabayin ang paglilingkod at pag-abot sa sariling mga pangarap.

Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay at pagkakataong maibahagi ang iyong kaalaman at puso sa paglilingkod sa kapwa. Saludo kami sa iyong tagumpay! ๐Ÿ‘๐ŸŽ“ Congratulations, SK Councilor Alessandra Fiona D. Ramos, CHRA! Cum Laude Your SK Family is truly proud of you! ๐Ÿ’š๐Ÿ’› โ€œTo God be the highest glory!โ€ ๐Ÿ™โœจ

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐. ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜. ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ˆ๐๐’๐๐ˆ๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐๐Ÿ† Taos-puso po nating binabati ang ating butihing Hon. Aerol Guce sa ...
30/08/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐. ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜. ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ˆ๐๐’๐๐ˆ๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐๐Ÿ†
Taos-puso po nating binabati ang ating butihing Hon. Aerol Guce sa pagkamit ng RANK 4 โ€“ Natatanging Sangguniang Kabataan Chairperson sa Kabataan ni Juan: Gawad Parangal Para sa mga Natatanging Kabataan ng Tiaong 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang simbolo ng tagumpay, kundi patunay ng sipag, dedikasyon, malasakit at tapat na paglilingkod para sa kabataan at sa ating komunidad.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na maging boses, katuwang, at ehemplo ng bawat kabataan. Tunay na ang isang lider na may puso sa paglilingkod ay nag-iiwan ng makabuluhang pagbabago.

Congratulations, SK Chairman Aerol! ๐Ÿ‘๐Ÿ† Patuloy nating ipagmalaki ang tagumpay na ito! Dahil ang iyong tagumpay ay tagumpay din ng kabataan at ng buong komunidad. ๐Ÿ’› โ€œMakabagong Kabataan, Tulay sa Magandang Kinabukasan.โ€ ๐ŸŒฑโœจ

Mabuhay kabataang Bula!โญ๏ธPabatid patungkol sa Educational Cash Assistance. Basahing mabuti
27/08/2026

Mabuhay kabataang Bula!โญ๏ธ

Pabatid patungkol sa Educational Cash Assistance. Basahing mabuti

ISANG HAKBANG TUNGO SA MAS MALUSOG NA ISIP AT MAS MATATAG NA KABATAAN๐Ÿง ๐ŸŒฑHindi lahat ng laban ay nakikita. Minsan, ang pin...
27/08/2026

ISANG HAKBANG TUNGO SA MAS MALUSOG NA ISIP AT MAS MATATAG NA KABATAAN๐Ÿง ๐ŸŒฑ

Hindi lahat ng laban ay nakikita. Minsan, ang pinakamabibigat na pinagdaraanan ay tahimik na dinadala sa loob. Kaya naman, bilang bahagi ng ating hangaring mas mapalakas at masuportahan ang kabataan, matagumpay nating isinagawa ang isang Mental Health Awareness Program na nagbigay ng pagkakataon upang mas maunawaan nila ang kanilang sarili at ang mga hamong kanilang kinakaharap bilang kabataan, anak, at mag-aaral.

Sa pangunguna ng ating panauhing tagapagsalita, Hon. Gerald Demetri P. Dorado, isang makabuluhan at makahulugang talakayan ang naibahagi sa ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng kanyang mga mensahe at kaalaman, mas nabigyang-liwanag ang kahalagahan ng mental health, pag-unawa sa sariling damdamin, tamang pagharap sa mga pagsubok, at pagkilala sa kahalagahan ng paghingi at pagtanggap ng suporta.

Naging daan ang programang ito upang ipaalala sa bawat isa na okay lang mapagod, okay lang malito, okay lang hindi maging okayโ€”at higit sa lahat, okay lang humingi ng tulong. Hindi natin kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Sa likod ng bawat pangarap at tagumpay ay may pusong kailangan ding alagaan at isipang kailangang pakinggan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa aming Mental Health Guest Speaker, Hon. Gerald Demetri P. Dorado, sa pagbabahagi ng kanyang oras, kaalaman, at inspirasyong nagbigay ng lakas ng loob at pag-asa sa ating mga kabataan.

Nawaโ€™y magsilbi itong paalala sa ating lahat: ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang magtiis, kundi pati na rin sa tapang na kilalanin ang ating nararamdaman at humingi ng tulong kapag kinakailangan.

Sama-sama nating pangalagaan hindi lamang ang ating mga pangarap, kundi pati ang ating isip, damdamin, at sarili. Dahil ang isang malusog na kabataan ay isang mas handa, mas matatag, at mas maliwanag na pag-asa para sa kinabukasan. โญ๏ธ๐Ÿซ‚

LINGGO NG KABATAAN & KK ASSEMBLY 2026: MASAYA, MAKABULUHAN, AT MATAGUMPAY NA PAGTITIPON! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’›Sa puso ng bawat kabataan ...
27/08/2026

LINGGO NG KABATAAN & KK ASSEMBLY 2026: MASAYA, MAKABULUHAN, AT MATAGUMPAY NA PAGTITIPON! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Sa puso ng bawat kabataan ay may lakas, talento, talino, pangarap, at pag-asang handang ibahagi. Muli nating napatunayan na kapag ang kabataan ay nagkakaisa, walang hamon na hindi kayang lampasan! ๐Ÿ™Œโœจ

Isang araw na puno ng ngiti, tawanan, saya, pagkakaibigan, pagkakaisa, at makabuluhang mga karanasan ang ating pinagsaluhan. Lalo pang naging masigla ang selebrasyon sa pamamagitan ng ating mga Larong Lahi, kung saan ipinamalas ng bawat kalahok ang kanilang sigla, husay, pakikipagtulungan, at sportsmanship!

Ngunit hindi lamang lakas at liksi ang ating ipinamalasโ€”naging bahagi rin ng pagdiriwang ang Tagisan ng Talino! Sa pamamagitan ng Quiz Bee, nasubok ang kaalaman, bilis ng pag-iisip, at husay ng ating mga kabataan. Samantala, sa Photo Essay, naipakita naman ang kanilang pagkamalikhain, pananaw, at kakayahang magkuwento sa pamamagitan ng mga larawang may kahulugan. ๐Ÿ“š๐Ÿ“ธ

Sa bawat tanong na sinagot, larong sinalihan, litratong kuha, tawanan, sigawan, at palakpakan, mas lalo nating napatunayan na ang kabataan ay tunay na puno ng talento, talino, lakas, at potensyal.

At higit sa lahat, kahit umulan man o umaraw, hindi natin hinayaang mawala ang saya! Sa kabila ng pabago-bagong panahon, nanatiling buhay ang sigla, enerhiya, at mga ngiti ng bawat isa. Patunay lamang na walang ulan, pagod, o anumang pagsubok ang kayang pumigil kapag may pagkakaisa at pusong handang makiisa! ๐Ÿซถโœจ

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, tumulong, sumuporta, at naglaan ng kanilang oras at talento upang maging posible at matagumpay ang event na ito. Ang bawat pagod, sakripisyo, at pagtutulungan ay nagbunga ng isang selebrasyong hindi lamang masaya, kundi tunay ding makabuluhan at puno ng mga alaalang babaunin ng bawat isa.

Sa lahat ng naging bahagi ng ating, maraming maraming salamat! Sama-sama nating ipinakita na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan tayo rin ay handang kumilos, makiisa, mangarap, at maging bahagi ng positibong pagbabago!

Kamalayan. Kahandaan. Pagkakaisa. Kabataan ang Pag-asa.

๐“ข๐“ช๐“ฟ๐“ฎ ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“ญ๐“ช๐“ฝ๐“ฎ, ๐“ซ๐“พ๐“ด๐“ช๐“ผ ๐“ท๐“ช!๐Ÿ’™๐Ÿ’š๐Ÿ’›โค๏ธKabataang Bula, let's get this event be memorable and fun
21/08/2026

๐“ข๐“ช๐“ฟ๐“ฎ ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“ญ๐“ช๐“ฝ๐“ฎ, ๐“ซ๐“พ๐“ด๐“ช๐“ผ ๐“ท๐“ช!๐Ÿ’™๐Ÿ’š๐Ÿ’›โค๏ธ

Kabataang Bula, let's get this event be memorable and fun

๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™„๐™Ž๐™„๐™‹, ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™๐™„๐™‡๐™„! ๐Ÿ’™๐Ÿง     Ngayong Linggo ng Kabataan, mahalagang pag-usapan hindi lamang ang ating mga panga...
19/08/2026

๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™„๐™Ž๐™„๐™‹, ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™๐™„๐™‡๐™„! ๐Ÿ’™๐Ÿง 

Ngayong Linggo ng Kabataan, mahalagang pag-usapan hindi lamang ang ating mga pangarap, kundi pati ang ating mental health at kapakanan. Sapagkat sa panahon ngayon hindi lahat ng masaya walang problema, minsan tinatago nila na para bang walang iniinda.

Kaya naman, ikinagagalak naming ipakilala ang ating Guest Speaker, na makakasama natin upang magbahagi ng kaalaman, inspirasyon, at mahahalagang pananaw tungkol sa Mental Health Awareness. ๐ŸŒฑโœจ

Meet our guest speaker, Hon. Gerald Demetri F. Dorado

Sama-sama tayong matuto, makinig, at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pag-aalaga sa ating isip, damdamin, at sarili. ๐Ÿ’™ Because taking care of your mind is always a good idea. ๐Ÿซถ

๐๐ข๐๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐ญ๐š๐ซ๐š ๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ !๐Ÿ’™โญ๏ธ  Kabataan Bula, tara naโ€™t makiksa, matuto at magpakita ng galingโœจ ๐Ÿ“ฃ KK Assembly โ€”...
19/08/2026

๐๐ข๐๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, ๐ญ๐š๐ซ๐š ๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ !๐Ÿ’™โญ๏ธ

Kabataan Bula, tara naโ€™t makiksa, matuto at magpakita ng galingโœจ

๐Ÿ“ฃ KK Assembly โ€” Speak up, kabataan!
๐ŸŽ“ Educational Cash Assistance Application โ€” Para sa pangarap na worth it ipaglaban!
๐Ÿง  Mental Health Awareness โ€” Check-in sa sarili, dahil okay lang na hindi okay.
๐Ÿ† Tagisan ng Talino โ€” Ipakita ang utak, galing, at confidence!

Hindi lang tayo taga-palakpakโ€”tayo ang gumagawa ng ingay, gumagawa ng paraan, at gumagawa ng pagbabago! ๐Ÿš€ โœจ

Kaya tara na, kabataan! Show up. Speak up. Level up!

๐™Ž๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™˜๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฉ, ๐™ง๐™ช๐™ก๐™š ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฃ๐™š๐™ฉ! ๐Ÿ‘‘๐ŸCalling all passionate volleyball players! The court is calling, and your barangay is...
25/07/2026

๐™Ž๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™˜๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฉ, ๐™ง๐™ช๐™ก๐™š ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฃ๐™š๐™ฉ! ๐Ÿ‘‘๐Ÿ

Calling all passionate volleyball players! The court is calling, and your barangay is waiting for you to represent.

Volleyball Women's Try-out: Open to residents of Ayusan 1, Ayusan 2, Aquino, Bukal, Bula, Tamisian, San Jose, and San Pedro. For more details kindly contact Ms. Veena Lorein Lalusin. ๐Ÿ“ฉ

Volleyball Men's Try-out: Join us on Sunday, July 26th, 2026 at Ayusan 1 Covered Court (9:30 AM onwards). Open to residents of Bula and Ayusan 1. For questions, contact SK Aerol (Bula) or SK Christian (Ayusan 1).๐Ÿ“ž๐Ÿ’™

See you there!

Address

Brgy. Bula, Quezon
Tiaong
4325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Bula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share