Joaquin Domagoso - Actor

Joaquin Domagoso - Actor

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Joaquin Domagoso - Actor, Public Service, Tondo.

Photos from Joaquin Domagoso - Actor's post 20/05/2026

Operation Birthright, Free Legal Advice and PhilHealth Profiling sa Barangay 37 at 43.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Manila City Civil Registry Office, Integrated Bar of the Philippines-Manila (IBP), at Manila Health Department sa kanilang pakikiisa bilang katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong sibil, legal, at pangkalusugan para sa ating mga Batang Tondo.

Patuloy po naming ilalapit sa inyo ang ganitong uri ng serbisyo upang mas mapadali ang access ng bawat mamamayan sa mahahalagang programa ng pamahalaan.



19/05/2026

Magandang araw mga Batang Tondo!

Kita-kits po bukas sa Barangay 43, Covered Court, simula 9 am - 12 pm. Ibababa po natin ang serbisyo ng City Civil Registry Office, Free Legal Services at Philhealth Profiling.

*Magdala lamang po ng photocopy ng inyong ID.



Photos from Joaquin Domagoso - Actor's post 19/05/2026

Medical Mission 🩺

Matagumpay po nating naihatid ang Medical at Dental Mission sa Barangay 70 at 71. Maraming salamat po sa Manila Health Department at Powerhouse Tools sa pakikiisa sa ating layuning magkaroon ng mas malusog na Tondo.

Patuloy po tayong magseserbisyo at maghahatid ng mga programang kapaki-pakinabang para sa bawat Batang Tondo. ☝🏻



16/05/2026

Kita-kits po bukas, Linggo, May 17, 2026, mula 8 AM hanggang 1 PM, magkakaroon po tayo ng Medical Mission sa Barangay 70 & 71 (Bangkaso Covered Court).

Open po ito para sa lahat ng Batang Tondo sa Distrito 1 na nais mag-avail ng iba’t ibang serbisyong medikal. 💙☝🏻

Salamat po!



Photos from Joaquin Domagoso - Actor's post 12/05/2026

Kahapon, Mayo 11, 2026, ay matagumpay na ginanap ang Eucharistic Celebration at ang Solemn Declaration ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo bilang isang Minor Basilica.

Isa itong makasaysayang pagkilala sa malalim na pananampalataya at debosyon sa Mahal na Santo Niño de Tondo, at isang malaking karangalan para sa buong komunidad ng Tondo at sa Lungsod ng Maynila.


11/05/2026

Magandang araw mga Batang Tondo!

Kita-kits po bukas sa Barangay 37, Covered Court, simula 9 am - 12 pm. Ibababa po natin ang serbisyo ng City Civil Registry Office, Free Legal Services at Philhealth Profiling.

*Magdala lamang po ng photocopy ng inyong ID.


11/05/2026

𝐋𝐈𝐕𝐄: Solemn Declaration of the Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo

May 11, 2026 | 2:00 PM

To be presided by His Excellency, Most Rev. Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio to the Philippines
Together with His Eminence Jose F. Cardinal Advincula D.D., Archbishop of Manila

11/05/2026

Happy Monday, mga Batang Maynila

Bagong linggo at bagong lakas para magsikap. Nawa’y maging masagana, ligtas, at produktibo ang inyong araw. Patuloy po tayong magtulungan para sa mas maayos at progresibong Tondo. 🫶🏻☝🏻

01/05/2026

Happy Labor Day!

Ngayong araw ay kinikilala natin ang bawat manggagawa na patuloy na nagsusumikap para sa kanilang mga pamilya. Saludo po ako sa inyong sakripisyo at dedikasyon.

Maraming salamat sa inyong sipag at tiyaga, kayo ang tunay na haligi ng ating bayan.

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!

29/04/2026

Tuloy-tuloy lang po tayo sa paghahatid ng financial at medical assistance sa ating mga minamahal na ka-distrito uno. 💙☝🏻



Photos from Joaquin Domagoso - Actor's post 28/04/2026

Maraming salamat po sa City Civil Registry Office, sa pangunguna ni OIC Dir. Atty. Tejero, sa pagbibigay ng libreng Serbisyong Sibil para sa ating mga ka-distrito na naapektuhan ng sunog sa Barangay 121, Tondo. Malaking tulong po ito para sa mga pamilyang nawalan ng mahahalagang dokumento.


Want your business to be the top-listed Government Service in Tondo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tondo