10/03/2026
FRIDAY DUTY AT BARANGAY 110 | 03.06.26 ๐
Provided barangay assistance on two concerns last Friday โ a report regarding a lost or stolen water meter, and addressed a trouble incident involving minors from Barangays 110 and 107.
Situations like these remind us that community service is not only about resolving issues but also about guiding, mediating, and helping maintain peace and order in our neighborhood.
Serving the community with patience, fairness, and responsibility. ๐ค
10/03/2026
CREATIVE KIDS ART CLASS | 02.28.26 ๐
Ginanap ang Creative Kids Art Class bilang pagtatapos ng buwan ng Pebrero bilang selebrasyon ng Arts Month o Buwan ng mga Sining. Ito ay sa pangunguna ng ating Committee on Education, Culture, Arts and Tourism sa ilalim ng pangangasiwa ni Kagawad Toni T. Corpuz, sa tulong ni SK Kagawad Hershey Miranda at sa patnubay ni Punong Barangay Ramir P. Roda.
Nagpapasalamat po tayo kina Mam Ros Mendiola, Art Curator ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) na siyang nag-facilitate ng workshop at nagdala ng ilan sa mga kagamitan at materyales, gayundin kina Kagawad Karen Villanueva at Miss Jessa ng Don Bosco Youth Center - Tondo sa pag-sponsor ng iba pang mga kagamitan.
27/02/2026
FRIDAY BARANGAY DUTY | 02.27.26 ๐
Maraming salamat po sa ating kapulisan para sa kanilang pagdalaw sa ating komunidad bilang bahagi ng kanilang Oplan Galugad upang masigurado ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan sa barangay.
26/02/2026
Selfies with our daycare students during their toga pictorial ๐๐จ๐ปโ๐๐ง๐ปโ๐
17/02/2026
VALENTINEโS CUPCAKE DECORATING WORKSHOP | 02.14.26 ๐ง๐
Maraming salamat po sa mga bata at magulang na dumalo at nakiisa sa ating CUPCAKE DECORATING WORKSHOP. Ito na po ang pangalawang taon ng pagsasagawa nito para sa mga bata ng Barangay 110 bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng National Arts Month at Valentineโs Day.
Maraming salamat kina Chef Allison Faith Perez at Kuya Edong Sta. Ana sa pag-sponsor ng mga ginamit nating materyales at pag-assist. Gayundin, kay Kagawad Karen Villanueva at sa ating mga kawani at tanod sa pamumuno ni Ex-o Miko Maneja.
Ito ay naging posible sa pangunguna ni Kagawad Toni T. Corpuz ng ating Committee on Education, Culture, Arts and Tourism at sa patnubay ni Punong Barangay Ramir P. Roda. ๐
17/02/2026
FRIDAY DUTY | 02.13.26 ๐
Attended the meeting of Zone 9 Secretaries (on behalf of Sec. Marylou Bertolano) with the Department of the Interior and Local Government (DILG) Manila regarding the implementation of BIMS or Barangay Information Management System โ a centralized web-based platform designed to digitize, store, and manage crucial barangay data such as household profiles, resident records, and complaints.
This initiative will make barangay operations more efficient, organized, and reliable in delivering public service.
Thank you, DILG, for introducing this kind of innovation in local governance!
17/02/2026
HE-ART WORKSHOP 2026 | 02.12.26 ๐๐โ๏ธ๐๏ธ๐
National Arts Month x Heartโs Month Celebration
Ngayong buwan ng Pebrero ay Buwan ng mga Puso at ng Pambansang Buwan ng mga Sining at bilang bahagi ng ating pagdiriwang ay ating inilunsad ang He-ART Workshop para sa mga bata.
Nagpapasalamat po tayo sa mga bumubuo ng Tondo Public Library at Manila City Library. Ito ay naging posible sa pangunguna ng Committee on Education, Culture, Arts and Tourism at sa patnubay ng ating Punong Barangay Ramir P. Roda at sa mga kawani na kumikilos at tumutulong sa tuwing tayo ay may aktibidad sa barangay.
Magkita-kits tayo sa mga susunod pang mga aktibidad!!! ๐
February 12 - Valentineโs Card Making and Story Telling
February 14 - Cupcake Decorating Workshop
February 21 - Friendship Bracelet Making
February 28 - Painting in Canvass Workshop
28/01/2026
C U R F E W | 01.27.26; 3:30AM ๐
Na-rescue ang pitong mga menor de edad kasama ang dalawang nasa hustong gulang sa isang apartment sa Barangay 110 habang ang mga ito ay umiinom ng alak, hinihinalang gumagamit ng โmarijuanaโ at sanhi ng ingay at abala sa mga residente sa oras na sakop ng curfew hours. Ang mga menor de edad ay mga hindi residente ng barangay sa kabila ng ating paulit-ulit na paalala tuwing gabi sa public address na ang mga menor de edad na hindi residente ng aming barangay ay ipinagbabawal nang manatili rito.
Sila ay na-rescue sa tulong ng mga pulis na residente ng barangay katuwang ang inyong lingkod (Kag. Toni T. Corpuz) kasama sina Kagawad Marissa dela Cruz at Ex-o Miko Maneja.
Agad nating ipinatawag ang kanilang mga magulang/guardian upang sila ay sunduin matapos nating pangaralan at i-blotter ang insidente at pagkakakilanlan ng mga ito na ang pinakabata ay edad 12.
HUWAG NIYONG GAWING BEER HOUSE O TAMBAYAN ANG BARANGAY NAMIN!!! DOON KAYO SA INYO!!! I-respeto niyo ang karapatan ng aming mga mamamayan para sa isang maayos, mapayapa at tahimik na pamumuhay at mahimbing na pagtulog sa gabi.
08/01/2026
Discover how one of our PLC Partner - Toni Powers turns ideas into unforgettable experiences and builds thriving multi-brand businesses.
Join us and learn the secrets behind successful events, weddings, food, and lifestyle brands. Perfect for entrepreneurs, event lovers, and anyone who wants to create impact! Letโs connect and level up! ๐ค
Join business owners, decision-makers, and like-minded professionals at our Partners Connect - a fun, inspiring space where meaningful connections happen and ideas grow.
๐ฉ Message us or comment โConnectโ below to be part of the action! ๐
Thank you to all our
Sponsors:
Jade & Jillian's House of Pies
Smart House Philippines
KKE Wash Systems
Tiffany & Cris
Ramsland Rice Mill
Van Rental
FMS Motorcycle Parts Warehouse
Styled by JC Creatives & Events
Joel Servando Couture Shop
RF Proactive Marketing Global Inc
LAO Advanced Orthodontics & Aesthetic Dentistry
SMB Travel and Tours
Promo Source Enterprise
Media Partners:
People's Balita
Featuring Ph
06/01/2026
FIRST FRIDAY DUTY | 01.02.26 ๐
Tinawag ng SMART o Special Mayorโs Reaction Team ang atensyon ng ating barangay dahil sa dumaraming bilang ng basura sa center island sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd. Ito ay bunga ng mga nagtatapon ng basura sa nasabing lugar na ang karamihan ay mula sa mga โscavengerโ o mga nangungolekta ng basura sa mga kabahayan.
Pinapaalalahanan po ang lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang magtapon ng basura kahit saang lugar at hintayin na lamang ang pagikot ng truck.
Kaugnay nito, nagtalaga si Punong Barangay Ramir P. Roda ng mga tanod na magdamag na magbabantay sa nasabing lugar upang hindi na maulit ang insidente.