SDEC Manila

Directions

SDEC Manila This is the official page of the Special Drug Education Center(SDEC), under the Youth Development and Welfare Bureau, City of Manila.

PARA SA EKONOMIYA! Masaya at makulay ang taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Maynila, at ngayon, dinagdagan pa ...
10/08/2026

PARA SA EKONOMIYA! Masaya at makulay ang taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Maynila, at ngayon, dinagdagan pa ng oportunidad pang-trabaho para sa Kabataang Manilenyo sa pamamagitan ng isang Mini Job Fair na isasagawa bukas, August 11 (Martes), 9:00am to 4:00pm sa SDEC Conference Room, Vitas, Tondo.

Ang proyekto ay tinaguyod ng Building Youth Empowerment (BYE) at nakalinya sa Economic Empowerment, isa sa mga Centers of Participation na binuo para mabigyang daan ang pakikiisa ng kabataan sa iba't ibang aspeto ng pagpapa-unlad ng lungsod at pamayanan.

Ang lahat ng may edad 18, at least JHS o ALS JHS graduate, willing mag trabaho full time, at interesadong maging service crew, sales associate at merchandisers (for the boys only) at syempre naman - residente ng Maynila, ay inaanyayahang magtungo sa SDEC bukas para sa face--to-face application an initial interview.

Magdala lamang ng updated resume' with picture and contact number, at SSS, Philhealth and Pagibig documents.

Ipadala ang inyong resume' sa [email protected] at mag register sa https://forms.gle/K6JM3UDm3bNZz79F6

HIV PREVENTION MONTH. July is HIV Prevention Month, at bilang pagsuporta sa pambansang pagkilos laban dito, naglatag ng ...
28/07/2026

HIV PREVENTION MONTH. July is HIV Prevention Month, at bilang pagsuporta sa pambansang pagkilos laban dito, naglatag ng libreng HIV testing ang grupong Building Youth Empowerment (BYE) para sa mga nais magpa-testing. No judgment ang attitude ng mga bumuo ng proyekto: para sa kanila, ang pagsasailalim sa HIV testing ay tanda ng isang responsableng mamamayan.

EARTHQUAKE DRILL.  kamakailan ang mga ALS Learners ng SDEC Vitas, Tondo, sa 2nd National Simultaneous Earthquake Drill n...
29/06/2026

EARTHQUAKE DRILL. kamakailan ang mga ALS Learners ng SDEC Vitas, Tondo, sa 2nd National Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa sa loob at labas ng SDEC Conference Room na nagsisilbi ring classroom ng mga kabataan.

Layunin ng drill na turuan ang mga learners ng tamang pagkilos hindi lamang sa pagtama ng lindol, kundi sa mga oras matapos ang pagtama kung kailan nananatili pa rin ang mga peligro ng aftershocks, pagguho ng mga istraktura at iba pang panganib.

Edukasyon + tamang paghahanda = kabataang ligtas.

LITTLE GRADUATES. Masaya at proud na proud na tinanggap ng mga "little graduates" ang kanilang certificates sa pagtatapo...
11/06/2026

LITTLE GRADUATES. Masaya at proud na proud na tinanggap ng mga "little graduates" ang kanilang certificates sa pagtatapos ng kanilang 10-day Basic Learning (Reading & Writing) module, handog ng Youth Commission Movement (YCM), sa pakikipagtulungan ng Building Youth Empowerment (BYE) at SDEC Manila.

Layunin ng YCM na mabigyan ang mga bata mula sa iba't ibang barangay ng pagkakataong masanay sa pagbasa at pagsusulat upang maihanda sila sa isang masayang paglalakbay karunungan.


LEGAL HELP FOR NANAYS. Isang Free Legal Advice session na eksklusibong binuo para sa mga ina ng tahanan ang isinagawa ka...
02/06/2026

LEGAL HELP FOR NANAYS. Isang Free Legal Advice session na eksklusibong binuo para sa mga ina ng tahanan ang isinagawa kamakailan sa SDEC Vitas, bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Mother's Day.

Ang proyekto ay binuo ng grupong Building Youth Empowerment (BYE) sa pakikipag-tulungan ng P&A Foundation at suporta ng Manila Youth Development and Welfare Bureau.

Mahigit 50 nanay ang nagtungo sa SDEC upang sumangguni sa mga abogado na boluntaryong nakiisa sa proyektong ito, na naglalayong gabayan ang mga nanay ukol sa mga legal na usapin na sumasaklaw sa iba't ibang bahagi ng kanilang buhay.

DAGDAG DUNONG AT GALING. Matagumpay ang idinaos na Skills Training for ALS Learners sa SDEC Vitas Manila, at natupad ang...
25/05/2026

DAGDAG DUNONG AT GALING. Matagumpay ang idinaos na Skills Training for ALS Learners sa SDEC Vitas Manila, at natupad ang layunin nitong magbahagi ng dagdag dunong, galing, at kaalaman sa mga ALS Learners na nakilahok dito.

Mula sa paggawa ng dishwashing paste, liquid soap, at pabango, hanggang sa pagluluto ng mga swak na pambentang pagkain tulad ng Chicken Pastil, tiniyak ng mga Trainers na lahat ay matuto ng mga basic life skills upang mabigyan ang mga ALS Learners ng pagkakataon na makapag hanap buhay habang patuloy na nag-aaral.

Starts today! Tara na't matuto, ALS Learners, para tuloy tuloy ang pag-asenso!
20/05/2026

Starts today! Tara na't matuto, ALS Learners, para tuloy tuloy ang pag-asenso!

BAGONG ANYO, PINAGTIBAY NA SAMAHAN. Isang simpleng ribbon cutting ceremony ang isinagawa  para sa muling pagbubukas ng S...
12/05/2026

BAGONG ANYO, PINAGTIBAY NA SAMAHAN. Isang simpleng ribbon cutting ceremony ang isinagawa para sa muling pagbubukas ng SDEC Conference Room sa Vitas, Tondo, Manila.

Ang renovation ng SDEC conference room ay naisagawa sa tulong ng Grant Thornton/P&A Foundation, bilang suporta sa mga programa ng Manila Youth Development & Welfare Bureau (YDWB).

Ang dating madilim at masikip na conference room ay lumuwag at lumiwanag, at higit na naging kumportable at kaaya-aya para sa mga ALS learners at sa lahat ng iba pang gagamit sa pasilidad para sa karunungan, pagsasanay, mga mahalagang pagpupulong, at iba pang makabuluhang aktibidad.

Patunay lamang na kung matibay ang samahan, ang pag-asenso ay makakamtan.
(Photo credits: YDWB FB page)

Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!
01/05/2026

Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐ž๐งฬƒ๐จ! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

Today, we celebrate the real ones, yung araw-araw lumalaban, nagsusumikap, at hindi sumusuko para sa pamilya at pangarap. ๐Ÿ’ชโœจ

Sa bawat pawis, sipag, at tiyaga, kayo ang tunay na bida ng lungsod. ๐Ÿ”ฅ

Mula sa Manila Youth Development and Welfare Bureau, saludo kami sa inyong dedikasyon at tibay ng loob.

๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ, ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐ข๐ฒ๐จ โ€˜๐ญ๐จ! ๐Ÿ™Œ
Keep grinding, keep shining, para sa bayan, para sa kinabukasan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

12/04/2026

Address

Vitas Street Barangay 101
Tondo
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SDEC Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share