05/10/2026
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
October 5, 2026 | Torrijos New Municipal Government Center
Matagumpay na isinagawa ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ฌ ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐ ๐ก๐ญ๐๐ซ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ข๐ญ, na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga panauhin mula sa LGU Buenavista, mga department heads, mga kawani mula sa ibaโt ibang tanggapan, Contract of Service (COS) at Job Order (JO) personnel, gayundin ng mga immersion students.
Sa pangunguna ni ๐๐ง๐ ๐ซ. ๐๐ฎ๐๐ง๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐จ๐ง๐๐ฌ, ๐๐ข๐ต๐ฆ๐ณ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฌ๐ด ๐๐ถ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ด๐ฐ๐ณ, inilahad ng Municipal Waterworks Office ang kanilang Accomplishment Report para sa ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, na naglalaman ng mga isinagawang hakbang upang mapanatili at higit pang mapabuti ang serbisyo ng water supply sa bayan. Patuloy na isinasagawa ng tanggapan ang regular na ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด, ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ฟ, ๐ฎ๐ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ ๐๐๐๐๐ฒ๐บ upang matiyak ang kalidad, pagiging maaasahan, at kahusayan ng serbisyo. Kabilang dito ang agarang pagsasaayos ng mga naiulat na leaks at damages sa pipelines, pagkukumpuni ng mga submersible pumps, pagpapatupad ng metering system para sa mga consumers na gumagamit ng public faucets at mga government institutions, regular na inspection ng mga meter readers, pagsasagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga nagsasagawa ng illegal tapping o ilegal na pagkakabit sa linya ng tubig, at pagputol ng linya ng mga delinquent water subscribers.
Para sa panahon ng Abril hanggang Setyembre 2026, nakapagtala ang Waterworks Office ng ๐ญ๐ฎ๐ญ bagong applicants, ๐ฒ๐ด reconnections, at ๐ญ๐ณ temporary closed accounts. Mula sa ๐ฏ,๐ฎ๐ณ๐ณ water subscribers noong Marso 2026, umabot sa ๐ฏ,๐ฐ๐ญ๐ฑ subscribers noong Setyembre 2026, na nagpapakita ng ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ญ๐ฏ๐ด ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ฏ๐๐ฐ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ sa loob ng nasabing panahon.
Samantala, patuloy ding naging positibo ang performance ng tanggapan sa water fee collection. Mula Enero hanggang Setyembre 2026, nakapagtala ng kabuuang โฑ๐,๐๐๐,๐๐๐.๐๐ na koleksyon, kumpara sa โฑ3,913,583.89 sa kaparehong panahon noong 2025. Nagkaroon ito ng karagdagang โฑ1,473,627.82, na katumbas ng ๐ฏ๐ณ.๐ฒ๐ฑ% ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฎ๐ kumpara sa nakaraang taon. Ang kasalukuyang koleksyon ay katumbas ng ๐ณ๐ฒ.๐ต๐ฒ% ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ na โฑ7,000,000.00. Sa pagtatapos ng ikatlong quarter, ang target collection ay โฑ5,250,000.00 o 75% ng annual target, habang umabot sa โฑ5,387,211.71 o 76.96% ang actual collection. Samantala, umabot naman sa โฑ5,486,015.00 o 78.37% ang actual reading.
Kasunod ng ulat ng Waterworks Office, iniulat naman ng Market and Slaughterhouse Unit, sa pangunguna ni ๐. ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐. ๐๐จ๐ญ๐๐ง๐๐ข๐จ, ang mga naging accomplishment ng tanggapan sa pagpapanatili ng maayos na operasyon at serbisyo sa pamilihang bayan. Kabilang dito ang regular na pagtatalaga sa mga ambulant fish vendors sa tamang lugar ng pagtitinda, inspeksyon sa mga umuupa sa palengke upang matiyak ang pagsunod sa ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ฑ๐ฒ, gayundin ang pagsubaybay sa mga nagtitinda sa tiangge. Patuloy din ang pakikipagtulungan ng tanggapan sa Municipal Treasury Office sa pamamahagi ng cash tickets, gayundin ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob at paligid ng palengke.
Kasunod nito, inanunsyo ni ๐๐ง๐ ๐ซ. ๐๐จ๐ง๐๐ง ๐. ๐๐๐ ๐ข๐จ, Municipal Civil Registrar, ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ๐ฏ๐ณ๐๐ต ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ถ๐ฐ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต, gayundin ang pakikiisa at pakikibahagi ng lokal na pamahalaan sa nasabing pagdiriwang.
Nagbigay naman ng mahalagang mensahe si ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐๐ฒ ๐. ๐๐๐งฬ๐๐๐ฅ๐จ๐ซ, kung saan nagbahagi siya ng isang maikling kuwento at ilang aral mula sa kanyang mga karanasan na may kaugnayan sa mga kasalukuyang usapin sa serbisyo publiko. Binigyang-diin niya na ang pera ng pamahalaan ay hindi dapat samantalahin at nararapat lamang na gamitin ito nang wasto at para sa kapakinabangan ng mamamayan. Hinikayat din niya ang mga kawani na, kung nabibigyan ng pagkakataong makatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan, ay tumbasan ito ng maayos at tapat na paglilingkod.
Bilang pangwakas, nagbigay ng mensahe si ๐๐ ๐ . ๐๐๐ฎ๐๐ซ๐ ๐. ๐๐ข๐๐ง๐, ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ฏ๐ข๐ท๐ช๐ด๐ต๐ข, na nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa Municipal Government of Torrijos sa naging suporta at pakikipagtulungan nito sa kanilang bayan. Aniya, marami siyang natutunan sa kanyang maikling pagdalo sa Flag Raising Ceremony at sa mga programa at gawain ng lokal na pamahalaan.
Kasabay nito ang turnover kay ๐. ๐๐๐ซ๐ค ๐๐จ๐ก๐ง ๐. ๐๐ข๐ณ๐๐ซ๐ซ๐, ๐๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ท๐ฆ๐ฏ๐ถ๐ฆ ๐๐ฐ๐ญ๐ญ๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ๐ณ ๐, na nagsilbing ๐๐ค๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ค๐ช๐ฑ๐ข๐ญ ๐๐ณ๐ฆ๐ข๐ด๐ถ๐ณ๐ฆ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฆ๐ฏ๐ข๐ท๐ช๐ด๐ต๐ข, alinsunod sa ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ป๐ฒ๐น ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ฏ๐ญ๐ฒ, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, at ang pagkakaloob sa kanya ng sertipiko bilang pagkilala sa kanyang naging serbisyo. Nagpaabot din si Kgg. Siena ng pasasalamat sa Municipal Government of Torrijos sa naging bahagi nito sa mga pagbabago at pagsisikap ng Buenavista, kabilang ang pagpapahiram ng ๐๐ผ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐ถ๐ผ na nagsilbi at nakatulong sa kanilang bayan sa loob ng dalawang buwan.
Binigyang-diin din niya na sa serbisyo publiko, lahat ay may mahalagang papel na ginagampanan at bagamaโt magkakaiba ang tungkulin at responsibilidad, iisa ang layunin ng bawat lingkod-bayanโang maglingkod nang maayos para sa kapakanan ng mamamayan. Sa kanyang mensahe, inanunsyo rin niya ang planong pagtatayo ng branch ng ๐ฆ๐. ๐๐ป๐ป๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ sa Bayan ng Buenavista sa susunod na taon, na inaasahang makadaragdag sa mga serbisyong pangkalusugan na mapapakinabangan hindi lamang ng mga mamamayan ng Buenavista kundi maging ng mga Marinduqueรฑo.