16/10/2026
𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉, 𝙈𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼 𝘼𝙏 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘼𝙇𝘼𝙈! 💙💛
Hindi sapat na tayo ay kabataan lamang mahalagang tayo ay may alam, may pakialam, at may paninindigan para sa kinabukasan ng ating barangay. Ang bawat boses ay mahalaga, bawat opinyon ay may saysay, at bawat kabataan ay may karapatang malaman kung ano ang nangyayari sa ating komunidad.
Kaya naman, halina’t makiisa, makialam, at makilahok sa 𝙆𝙆 𝘼𝙎𝙎𝙀𝙈𝘽𝙇𝙔 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🫶🏻 Dito, ating pakinggan ang mga ulat, alamin ang mga programa at proyekto, at maging mulat sa mga serbisyong para sa kabataan.
📅 𝙊𝙘𝙩𝙤𝙗𝙚𝙧 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟕:𝟑𝟎 𝘼𝙈
📍 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘾𝙤𝙣𝙘𝙝𝙪 𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧𝙚𝙙 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩
Dahil ang pagiging responsableng kabataan ay hindi lamang tungkol sa pakikilahok—ito ay tungkol sa pagiging mulat, may alam, at may malasakit sa ating komunidad.
Huwag maging tahimik kung may pagkakataong makaalam. Huwag maging walang pakialam kung may kakayahang makilahok.
𝙈𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼. 𝙈𝘼𝙆𝙄𝘼𝙇𝘼𝙈. 𝙈𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙈𝙐𝙇𝘼𝙏.