Sangguniang Barangay Osorio

Directions Website

Sangguniang Barangay Osorio Brgy. Osorio Official Page

03/11/2026

Osorio Barangay Council for the Protection of the Children

🕯️ LIGTAS UNDAS 2026 🕯️Sa paggunita natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ang lahat na panatilihin ang ...
01/11/2026

🕯️ LIGTAS UNDAS 2026 🕯️

Sa paggunita natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ang lahat na panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan sa mga sementeryo at pampublikong lugar.

Mga paalala:

Panatilihing malinis ang paligid.
Iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay.
Ingatan ang mga bata at matatanda.
Sumunod sa mga alituntunin at panuto ng mga awtoridad.
Maging maingat sa pagbiyahe.

Sa sama-samang disiplina at pakikiisa, magiging ligtas at payapa ang ating paggunita.
Isang ligtas, maayos, at mapayapang Undas 2026 sa lahat!

📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦! 💜Ang Sangguniang Barangay - Osorio, sa kooperasyon ng 𝗢𝘀𝗼𝗿𝗶𝗼...
29/10/2026

📣 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦! 💜

Ang Sangguniang Barangay - Osorio, sa kooperasyon ng 𝗢𝘀𝗼𝗿𝗶𝗼 𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗼, ay taos-pusong nag-aanyaya sa inyo para sa ating darating na 𝗚𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝗔𝗗) 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟲 na may temang “𝙆𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙆𝙖𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣: 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙪𝙤 𝙣𝙜 𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧-𝙍𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙞𝙫𝙚 𝙣𝙖 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩.”

Layunin ng seminar na ito na palakasin ang ating kaalaman sa GAD, tiyakin ang pantay na oportunidad sa serbisyong publiko, at bigyang-boses ang bawat sektor sa ating komunidad. ⚖️

🗓️ PETSA: 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲
⏰ ORAS: 𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 – 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠
📍 LUGAR: 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗢𝘀𝗼𝗿𝗶𝗼 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁

Inaasahan po ang pagdalo ng ating mga Barangay Staff, Barangay Tanod, Barangay Health Workers (BHWs), pati na rin ang mga kinatawan mula sa Kababaihan, Youth, Senior Citizens, PWDs, at iba pang sectoral groups. 🙌





🎓 PBBM EDUCATIONAL ASSISTANCE | BARANGAY OSORIONoong October 25, 2026, matagumpay na naipamahagi ang ₱20,000 na Educatio...
27/10/2026

🎓 PBBM EDUCATIONAL ASSISTANCE | BARANGAY OSORIO

Noong October 25, 2026, matagumpay na naipamahagi ang ₱20,000 na Educational Assistance sa bawat isa sa limang (5) recipient ng PBBM Educational Assistance sa Barangay Osorio.

Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga estudyante sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at maibsan ang pinansyal na pasanin ng kanilang mga pamilya.

Ang Sangguniang Barangay Osorio ay nagpapasalamat sa National Government sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa edukasyon ng ating mga kabataan.

📚 Ang edukasyon ay mahalagang puhunan para sa magandang kinabukasan.

📊 PEACE AND ORDER UPDATE | BARANGAY OSORIO📅 October 1–27, 2026Kapayapaan at Kaayusan, Patuloy na Isinusulong sa Barangay...
27/10/2026

📊 PEACE AND ORDER UPDATE | BARANGAY OSORIO
📅 October 1–27, 2026

Kapayapaan at Kaayusan, Patuloy na Isinusulong sa Barangay Osorio! 🛡️

Narito ang tala ng mga paglabag at insidenteng naitala sa ating barangay mula October 1 hanggang October 27, 2026:

📌 43 – Curfew Violation
📌 39 – Public Drinking
📌 8 – Physical Altercation
📌 3 – Gambling
📌 3 – Open Pipe
📌 2 – Loitering

Sa kabuuan, may 98 na naitalang paglabag at insidente sa nasabing panahon. Pinakamataas ang bilang ng Curfew Violation, kasunod ang Public Drinking at Physical Altercation.

Ang mga datos na ito ay nagsisilbing gabay upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga ordinansa, pagbabantay ng ating mga barangay tanod, at pagpapaalala sa publiko tungkol sa kahalagahan ng disiplina at pagsunod sa batas.

Ang pagpapanatili ng Peace and Order ay hindi lamang responsibilidad ng mga opisyal at barangay tanod—kailangan din ang aktibong pakikiisa ng bawat residente.

🤝 Sama-sama nating panatilihing ligtas, maayos, at mapayapa ang Barangay Osorio!

📢 PUBLIC ADVISORYWALANG TRANSAKSIYON SA BARANGAY HALLIpinababatid sa lahat ng residente na walang business transactions ...
27/10/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

WALANG TRANSAKSIYON SA BARANGAY HALL

Ipinababatid sa lahat ng residente na walang business transactions at release ng mga barangay clearance at certification sa Barangay Osorio sa araw na ito dahil sa gaganaping Gender and Development (GAD) Training para sa lahat ng empleyado ng Barangay Osorio.

📅 Petsa: October 30, 2026 (Friday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 5:00 PM

Magbabalik ang normal na serbisyo pagkatapos ng nasabing aktibidad.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

26/10/2026
25/10/2026
23/10/2026

📢 PAALALA SA MGA MOTORISTA AT PUBLIKO

Ipinapaalam po sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagsisikip ng trapiko sa Kanto ng Osorio, partikular sa bahaging pinipilahan ng mga bus ng JAE, dahil sa mga paghahanda para sa nalalapit na Fiesta ni Saint Jude Thaddeus.

Simula ngayon araw October 23,2026 hanggang October 28,2026.Ito ay magsisimula ng 4:00 am hanggang 7:00 am ng umaga sa hapon naman ay simula 4:00 ng hapon haggang 7:00 ng gabi

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya sa pansamantalang abalang ito. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa.

🚦 Maging maingat at ligtas sa biyahe!

🌱👩‍🌾 BULILIT FARMERS – BARANGAY OSORIO DAY CARE CENTER 🌿Isa sa mga programang sinusuportahan ng Sangguniang Barangay Oso...
22/10/2026

🌱👩‍🌾 BULILIT FARMERS – BARANGAY OSORIO DAY CARE CENTER 🌿

Isa sa mga programang sinusuportahan ng Sangguniang Barangay Osorio ang Bulilit Farmers ng ating Day Care Center.

Layunin ng programang ito na maagang maituro sa ating mga munting mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatanim, pangangalaga sa kalikasan, at pagmamahal sa agrikultura. Sa pamamagitan ng hands-on learning, nahuhubog ang kanilang pagiging responsable at pagpapahalaga sa ating kapaligiran.

🏆 Pagkilala at Pasasalamat

Maraming salamat din kay Ma'am Leah Lyn Yago sa kanyang dedikasyon at pagsisikap na nag-ambag sa pagkamit ng pinakamataas na score ng ating Day Care Center sa isinagawang External Audit. Ang resulta ay nagpapakita na ang ating Day Care Center ay nakapasa sa mga pamantayang itinakda ng Early Childhood Care and Development (ECCD).

Ang tagumpay na ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap at patuloy na pagtutulungan para sa de-kalidad na pangangalaga at edukasyon ng ating mga kabataan.

Patuloy na susuportahan ng Sangguniang Barangay Osorio ang mga programang nagtataguyod ng pag-unlad, kaligtasan, at magandang kinabukasan ng ating mga bata.

🌱 Sa murang edad, magtanim ng kaalaman, pag-asa, at pagmamahal sa kalikasan para sa mas luntiang kinabukasan!

Address

Trece Martires
4109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Osorio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share