Cavite Provincial DOH Office

Call Directions Website Contact the organization

Cavite Provincial DOH Office This fb page will be used for sharing of health promo materials,announcements, advisories etc related to the office’s mandate.

We do not answer via private message, please call us at (046) 419-2333 or email us at [email protected] instead.

📢 PAMPUBLIKONG ANUNSYO: MAG-INGAT SA ASHFALL 🌋Bandang 6:06 PM ngayong araw (October 08, 2026), nag-ulat ang Philippine I...
08/10/2026

📢 PAMPUBLIKONG ANUNSYO: MAG-INGAT SA ASHFALL 🌋

Bandang 6:06 PM ngayong araw (October 08, 2026), nag-ulat ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) tungkol sa ashfall mula sa Taal Volcano. Mahalagang manatiling alerto at handa upang maprotektahan ang ating sarili, pamilya, pagkain, at mga alagang hayop. Basahin, alamin, at ibahagi ang mahahalagang paalalang ito. 👇🏻

🚗 PAALALA SA PAGBIYAHE TUWING MAY ASHFALL: Hangga’t maaari, iwasang lumabas kung hindi naman kinakailangan. Maaaring bumaba ang visibility at makaapekto ang abo sa sasakyan.
• Magmaneho nang mabagal at maingat
• Tiyaking sapat ang windshield washer fluid upang mapanatiling malinis ang salamin
• Buksan ang headlights kahit araw upang mas maging visible sa ibang motorista
• Kung maaari, ipagpaliban muna ang biyahe hanggang maging mas ligtas ang kondisyon

🍎 PROTEKSIYON SA PAGKAIN AT TUBIG:
• Siguraduhing selyado at maayos na natatakpan ang mga lalagyan ng inuming tubig upang hindi mapasukan ng abo
• Hugasan nang mabuti ang mga prutas at gulay bago lutuin o kainin
• Takpan ang mga pagkain at iba pang maaaring malagyan ng abo

🐶🐱 PARA SA ATING MGA ALAGANG HAYOP:
• Huwag iwan sa labas ang mga alagang hayop. Ang ashfall ay maaaring magdulot ng iritasyon sa kanilang mga mata at makaapekto sa kanilang paghinga
• Siguraduhing walang abo ang kanilang pagkain at inumin
• Panatilihin sila sa ligtas, malinis, at masisilungan na lugar habang may ashfall

😷 Hangga’t maaari, magsuot ng N95 mask o iba pang angkop na protective mask. Kung walang N95 mask, narito ang ilang alternatibong paraan habang naghahanap ng mas angkop na proteksyon:

BASANG PANYO O MALINIS NA DAMIT:
1️⃣ Itupi ang malinis na panyo o tela
2️⃣ Basain ito nang bahagya gamit ang malinis na tubig
3️⃣ Gamitin itong pantakip sa ilong at bibig

😷 DOUBLE-MASK METHOD
• Kung mayroon lamang standard o regular na face mask, maaaring magsuot ng dalawang mask nang sabay upang magkaroon ng karagdagang harang laban sa alikabok at abo
• Siguraduhing maayos ang pagkakasuot at natatakpan ang ilong at bibig.

⚠️ MANATILING KALMADO AT HANDA: Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano. Manatiling kalmado, ngunit huwag maging kampante. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at maging handa sa anumang pagbabago.

📢 Ibahagi ang paalalang ito upang makatulong na mapanatiling ligtas ang ating pamilya at komunidad. Para sa buong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) rito:
👉🏻 https://www.facebook.com/share/v/1E26mDpvxx/?mibextid=wwXIfr
👉🏻 https://www.facebook.com/share/v/1F8nS58FWY/?mibextid=wwXIfr

06/10/2026
06/10/2026
𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐀! 🏫💉Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na ba ang inyong mga anak at mag-aaral para sa...
03/10/2026

𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐀! 🏫💉

Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na ba ang inyong mga anak at mag-aaral para sa School-Based Immunization (SBI)?

Simula ngayong Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya.

Gayundin ang mga Grade 4 na babae laban sa Human Papilloma Virus (HPV) at Cervical Cancer. Kabilang din sa bakunahan ang mga grade 5 na babaeng hindi pa nababakunahan laban sa HPV.

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela para sa proteksyon ng mga bata laban sa iba’t ibang sakit.

Sa karagdagang impormasyon, magtanong lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.




🎉 Maligayang Kaarawan sa ating Cavite Provincial Health Team Leader, Dr. Ferdinand Eusebio! 🎂Taos puso po ang pagbati ng...
03/10/2026

🎉 Maligayang Kaarawan sa ating Cavite Provincial Health Team Leader, Dr. Ferdinand Eusebio! 🎂

Taos puso po ang pagbati ng Provincial DOH Office - Cavite sa inyong espesyal na araw!

Maraming Salamat po sa inyong mahusay na pamumuno, walang sawang paglilingkod at dedikasyon sa pagsusulonh ng kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan. Ang inyong malasakit at halimbawa sa tapat na paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa buong pangkat pangkalusugan.

Nawa’y pagpalain kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay at mas marami pang biyaya sa bawat taon ng inyong buhay.

Muli, Maligayan Kaarawan po! 🎉🥳

Mula sa inyong pamilya sa CAVITE PROVINCIAL DOH OFFICE 🩺🎉🎊

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INITAng El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karaga...
01/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

30/09/2026

Address

Brgy. Luciano
Trece Martires
4109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464192333

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavite Provincial DOH Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cavite Provincial DOH Office:

Shortcuts

Share