06/08/2026
Ngayong Agosto, nakikiisa ang Teofila C. Quibranza National High School sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2026 na may temang βNavigating Our Future, Together.β
Ang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa atin na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, wika, at tradisyon, nagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya sa hangaring magkaroon ng mas mapayapa, maunlad, at matatag na kinabukasan.
Bilang bahagi ng pamayanang pang-edukasyon, patuloy nating itaguyod sa ating mga mag-aaral ang diwa ng pagkakaisa, paggalang sa pagkakaiba-iba, pakikipagtulungan, at pagiging responsableng mamamayan ng Pilipinas at ng mas malawak na pamayanang ASEAN.
Sama-sama nating tahakin ang landas tungo sa isang mas magandang kinabukasan. πβ¨