PNP Tubungan Municipal Police Station

Directions Contact the organization

PNP Tubungan Municipal Police Station TUBUNGAN MPS PAGE

(for emergencies, contact https://www.facebook.com/tubunganPNP)

22/10/2026
22/10/2026

SUNOD-SUNOD ANG OPERASYON SA WESTERN VISAYAS! ₱8-MILYONG DROGA NASAMSAM NG ICPO, 57 BARIL ISINUKO SA LOOB NG 24 ORAS!


ILOILO CITY — Patuloy ang kampanya ng Police Regional Office 6 (PRO6) laban sa ilegal na droga at loose fi****ms sa Western Visayas sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDULF T TUAÑO, Regional Director.

Batay sa ulat ng Iloilo City Police Office (ICPO), umabot sa tinatayang ₱8 milyon ang halaga ng mga hinihinalang ilegal na drogang nakumpiska mula Oktubre 1 hanggang 15, 2026. Sa naturang panahon, 26 suspek ang naaresto, kabilang ang siyam na high-value individuals at 17 street-level individuals.

Samantala, isang 52-anyos na high-value individual na alyas “Narsing” ang naaresto sa Balasan, Iloilo noong Oktubre 19. Nakumpiska sa operasyon ang 111 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱754,800.

Noong Oktubre 20 naman, naaresto sa Mandurriao, Iloilo City ang 22-anyos na alyas “Nonoy,” matapos makumpiskahan umano ng walong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱54,400.

Sa hiwalay na kampanya laban sa loose fi****ms, iniulat ng PRO6 ang boluntaryong pagsuko ng 57 baril sa loob ng 24 oras, mula Oktubre 17 hanggang 18, sa ilalim ng Project RTT 3389. Siyam na explosive items din ang iniulat na nakolekta.

Binigyang-diin ng PRO6 ang patuloy na pagpapatupad ng mga operasyong naglalayong pigilan ang kriminalidad at mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad.

Ang mga naarestong suspek ay itinuturing na inosente hangga't hindi napapatunayang nagkasala sa hukuman.

Ang mga hakbang na ito ay naaayon sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ni PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Chief, PNP.

Source: ICPO / K5 News FM Iloilo / ABS-CBN News / PRO6


22/10/2026

𝐄𝐋 𝐍𝐈Ñ𝐎: 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍!

Sa panahon ng matinding init at posibleng kakulangan sa tubig, mahalagang maging handa at responsable upang mapangalagaan ang ating kalusugan, pamilya, at komunidad.

Narito ang ilang paalala:
✅ Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw.
✅ Uminom ng sapat na tubig at magpahinga sa malamig o malilim na lugar.
✅ Magtipid sa tubig at iwasan ang pag-aaksaya nito.
✅ Huwag magsunog ng tuyong damo, dahon, at basura upang maiwasan ang sunog.
✅ Subaybayan ang mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA at inyong lokal na pamahalaan.

Ang simpleng pag-iingat ay malaking hakbang tungo sa kaligtasan ng bawat isa. Sama-sama nating harapin ang mga hamon ng El Niño sa pamamagitan ng kahandaan, disiplina, at malasakit sa kapwa.

IWAS-INIT. TIPID-TUBIG. INGATAN ANG BUHAY!

(PNP-RPIO6)

#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀

22/10/2026
22/10/2026

𝐏𝐑𝐎𝟔, 𝟒 𝐀𝐫𝐞𝐬𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐄𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐃𝐫𝐮𝐠 𝐁𝐮𝐬𝐭; 𝐏𝐡𝐏𝟏.𝟕𝐌 𝐒𝐇𝐀𝐁𝐔, 𝐍𝐚𝐬𝐚𝐦𝐬𝐚𝐦

ILOILO — Apat na indibidwal, kabilang ang isang High-Value Individual (HVI), ang naaresto matapos makumpiska ang humigit-kumulang 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP1.7 milyon sa isang buy-bust operation ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa Barangay Zone 1, Estancia, Iloilo, dakong alas-4:35 ng hapon noong Oktubre 20, 2026.

Kinilala ang naarestong HVI sa alyas na “RJ,” 45 taong gulang, isang negosyante at dating barangay kagawad na residente ng Estancia, Iloilo. Kasama niyang naaresto ang tatlong Street-Level Individuals (SLIs) na kinilalang sina alyas “Nonoy Ajuy,” 46 taong gulang, residente ng Ajuy, Iloilo; “Charlotte,” 52 taong gulang, residente ng Barotac Viejo, Iloilo; at “Bodo,” 43 taong gulang, residente ng Estancia, Iloilo.

Isinagawa ang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit Team 3 ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), katuwang ang Regional Intelligence Division 6, Provincial Intelligence Unit, at Estancia Municipal Police Station (MPS), kasunod ng intelligence monitoring, target validation, at surveillance.

Bukod sa pitong sachets ng hinihinalang shabu, nakumpiska rin ang buy-bust money at iba pang non drug items.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Estancia MPS ang mga naaresto habang inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa kanila ayon sa paglabag sa Republic Act No 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaño na hindi lamang ang mga indibidwal na nagbebenta ng ilegal na droga ang tinutugis ng pulisya, kundi pati ang mga koneksiyon at pinagmumulan ng kanilang suplay.

“Hindi natatapos sa pagkakaaresto ang ating laban kontra droga. Bawat malaking bulto ng hinihinalang shabu na ating nasasamsam ay suplay na hindi na makararating sa ating mga komunidad. Kaya hindi tayo titigil sa pagbabantay, pagtukoy, at pagtugis, dahil ang tunay na tagumpay ay hindi lamang ang makahuli, kundi ang maputol ang daloy ng droga mula sa pinagmumulan nito hanggang sa mga lansangan,” ani PBGen Tuaño.

Kasunod ng operasyon, patuloy ang pangangalap ng impormasyon at pagsusuri sa mga nakumpiskang ebidensiya upang matukoy ang mga posibleng supplier, kasabwat, at iba pang personalidad na maaaring konektado sa ilegal na droga.

Patuloy ding tututukan ng PRO6 ang mga aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga sa Estancia at mga karatig-bayan ng Balasan, Carles, Batad, at Sara upang maiwasan ang pagkalat nito sa mga komunidad ng Northern Iloilo.

Muling tiniyak ng PRO6 ang pagpapatuloy ng mga intelligence-driven na operasyon, katuwang ang mga mamamayan, upang mapigilan ang distribusyon ng ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Nakaangkla ang mga pagsisikap na ito sa adbokasiyang RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas, alinsunod sa “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN.”

(PNP-RPIO6)

#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀

22/10/2026

Mensahe ng Pakikiramay
Sa Pagpanaw ni G. Edwin Balasa
Oktubre 21, 2026

May mga taong nakikilala natin dahil sa kanilang tungkulin, ngunit higit nating naaalala dahil sa kanilang pagkatao. Isa sa mga taong ito si G. Edwin Balasa, isang kasamahan sa PNP Press Corps na aming ipinagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.

Noong ako ay nagsilbing Chief ng PNP Public Information Office at tagapagsalita ng Philippine National Police, nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho at personal na makilala si Edwin. Sa aming mga pagkikita, panayam, at pagbabahagi ng impormasyon, higit kong nakita ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paglilingkod sa bayan. Maaaring magkaiba ang aming mga tungkulin, ngunit iisa ang aming layunin—ang maihatid sa mamamayan ang impormasyong nararapat nilang malaman.

Sa likod ng bawat balita ay isang taong nagsisikap na maiparating ang katotohanan. At sa likod ng bawat mamamahayag ay isang buhay, isang pamilya, at mga pangarap na higit na mahalaga kaysa anumang headline. Ito ang nais kong bigyang-pugay sa pagpanaw ni Edwin—hindi lamang ang kanyang naging kontribusyon sa pamamahayag, kundi ang kanyang pagkatao at ang mga alaalang iniwan niya sa mga nakasama niya sa kanyang paglilingkod.

Sa ngalan ng buong Police Regional Office 6, at bilang isa sa kanyang mga dating nakatrabaho, taos-puso kong ipinapaabot ang aming pakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa buong PNP Press Corps. Nawa'y matagpuan nila ang lakas at kapanatagan sa pagmamahal at magagandang alaalang kanyang iniwan.

Paalam, Edwin. Ang mga balitang iyong inihatid ay bahagi ng kasaysayan, ngunit ang mga alaalang iniwan mo sa amin ay mananatiling bahagi ng aming buhay.

PBGEN RANDULF T TUAÑO
Regional Director
Police Regional Office 6

22/10/2026

DRUG PREVENTION TIPS

Address

Brgy. Zone I
Tubungan
5027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Tubungan Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Tubungan Municipal Police Station:

Shortcuts

Share