16/08/2026
TINGNAN || Isinagawa ngayong Sabado, Agosto 15 ang operational demonstration ng Mobile Command and Control Vehicle (MoCCoV) na dinaluhan ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni CDRRMO Head Dr. Roderick Ramirez, rescue volunteers, Command Center, City Information Technology, mga Punong Barangay, mga kinatawan ng DOST Cagayan at ng PDRRMO Cagayan.
Upang matiyak na mabisa at maayos itong magamit, ayon kay CDRRMO Head Dr. Ramirez, sasailalim ang mga tauhan ng CDRRMO, Command Center at IT sa hands-on na pagsasanay sa pag set- up at pag-assemble ng lahat ng mga kagamitan ng MoCCOV.
Ang MoCCOV ay magsisilbing mobile command hub na may mga makabagong teknolohiya para sa pagtugon sa sakuna, kabilang ang weather monitoring na gumagamit ng drone, mga sistema para sa komunikasyon at surveillance gamit ang satellite, mga kagamitang medikal, isang portable command center at iba pa.
Magugunita na ang lungsod ng Tuguegarao ay isa sa mga tumanggap ng proyektong pinondohan sa ilalim ng Smart and Sustainable Communities Program ng Department of Science and Technology Science, kung saan mismong si DOST Secretary Renato Solidum Jr. ang personal na nagturn-over sa Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ng pondo para sa pagbili ng Mobile Command and Control Vehicle.
Isinagawa ang inisyatibong ito upang higit pang mapabuti at mapalakas ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna ng lungsod sa pamamagitan ng pagtiyak ng maagap na koordinasyon, pagkalap ng impormasyon sa tamang oras, at mahusay na operasyon ng MoCCoV.