05/10/2026
πππππππ β±π πππππππ πππππ-πππππππ, πππππππππππ ππ πππ πππππππππ ππ πππππππππ, πππππππ
Kabuuang β±3,076,987.48 milyon na bayad-pinsala ang ipinamahagi sa 341 magsasaka sa bayan ng Angadanan, Isabela, bilang kabayaran sa mga pananim na naapektuhan ng kalamidad.
Pinangunahan ng Philippine Crop Insurance CorporationβRegional Office No. 02 (PCIC-RO2) ang pamamahagi ng indemnity sa mga kwalipikadong magsasaka na nagtamo ng pinsala sa kanilang mga pananim.
Malaking tulong ang natanggap na kabayaran sa mga benepisyaryo upang maibsan ang epekto ng pagkalugi at matustusan ang kanilang mga pangangailangan para sa pagpapatuloy ng pagsasaka.
Kabilang sa mga maaaring paglaanan ng indemnity ang pagbili ng mga kinakailangang farm inputs at paghahanda para sa susunod na panahon ng pagtatanim.
Sa kabila ng pinsalang dulot ng kalamidad, inaasahang makatutulong ang ipinamahaging bayad-pinsala upang makabangon ang mga magsasaka at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
Patuloy namang isinasagawa ng PCIC-RO2 ang pagbabayad ng indemnity sa mga magsasakang kwalipikado sa crop insurance program matapos mapinsala ang kanilang mga pananim.