11/10/2026
CTG SUPPORTER, BOLUNTARYONG SUMUKO SA R-PSB CAGAYAN; ARMAS AT MGA BALA, ISINUKO
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan — Isang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG), na kinilala sa alyas na “Dondon,” ang boluntaryong sumuko sa kapulisan noong Oktubre 10, 2026, sa Barangay Hall ng Brgy. Marede, Sta. Ana, Cagayan, at isinuko ang isang M14 r***e. Batay sa impormasyong ibinahagi nito, narekober din ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ang iba’t ibang armas, bala, at kagamitang pandigma sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.
Kabilang sa mga narekober ang isang M14 r***e na may isang magazine at tatlong bala, isang homemade sh***un na hugis-pistol, dalawang disassembled caliber .38 revolver, isang r***e gr***de na may canister, isang M26 hand gr***de, dalawang 40mm high-explosive am******on, 250 piraso ng 7.62mm am******on, pitong metro ng commercial detonating cord, at dalawang blasting cup. Ang mga bala, gr***de, at explosive materials ay inilagay sa kustodiya ng PECU-Cagayan para sa wastong paghawak at pagsusuri, habang ang iba pang armas ay nasa kustodiya ng kinauukulang himpilan para sa imbestigasyon at disposisyon.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinaigting na Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB), sa pangunguna ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PMAJ JEFFERSON D MUKAY, Acting Force Commander, katuwang ang R-PSB Team, Santa Ana Police Station at iba pang yunit ng PNP, PNP-SAF, RMFB2, RIU2-PIT Cagayan North, PIU-CPPO, CIDG Cagayan at Batanes PFUs, Philippine Marine Corps, Philippine Coast Guard Intelligence Group Northeastern Luzon, at 17th Infantry Battalion, Philippin Army.
Ayon sa imbestigasyon, naging mahalaga sa pagsuko ang tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng R-PSB Team sa komunidad sa pamamagitan ng diyalogo, pulong-pulong, at information dissemination hinggil sa umano’y mapanlinlang na pangangalap ng CTG at mga benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Ayon kay PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director, patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang mahikayat ang mga natitira pang tagasuporta ng CTG na tuluyan nang talikuran ang armadong grupo at piliin ang mapayapang pamumuhay.
Binigyang-diin niya na sa pamamagitan ng patuloy na diyalogo, pagbibigay ng tamang impormasyon, at pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at komunidad, layunin ng kapulisan na maabot ang mga natitira pang tagasuporta at mabigyan sila ng pagkakataong magsimulang muli, tungo sa pagpapanatili ng pangmatagalang kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa Cagayan.
Press Release No. 1010-16
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: October 10, 2026