Tuguegarao Licensing Center

Directions

Tuguegarao Licensing Center This is the Official Page of LTO - Tuguegarao Licensing Center.

PUBLIC ADVISORY: FREE THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) - SCHEDULE UPDATEGood news, PEÑABLANCA residents!The Land Transpo...
01/10/2026

PUBLIC ADVISORY: FREE THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) - SCHEDULE UPDATE

Good news, PEÑABLANCA residents!

The Land Transportation Office - Tuguegarao Licensing Center, in partnership with LGU PEÑABLANCA, Cagayan, will conduct a FREE Theoretical Driving Course (TDC).

TAKE NOTE: 200 SLOTS ONLY (FIRST COME FIRST SERVE)

NEW SCHEDULE:
October 10, 2026 - Free Theoretical Driving Course Seminar (LECTURE DAY)

October 17, 2026 - CARAVAN VENUE: BRGY. CABASAN Gymnasium, Peñablanca, Cagayan

WHO CAN JOIN:
This activity is EXCLUSIVE FOR RESIDENTS OF PEÑABLANCA ONLY.

HOW TO JOIN:
1. Pre-register on or before October 9, 2026.
Register here: https://forms.gle/2mQvvewxSVALSwM76
2. Bring all required documents on the day of the seminar. (Please refer to the attached image for the list of requirements)

REMINDER:
The TDC is a required seminar by LTO for applicants of Student Permits and Driver’s Licenses. This 2-day course will teach you road safety, road discipline, and traffic rules and regulations.

Let’s take this opportunity to become more responsible and disciplined drivers!

For inquiries, please message the Tuguegarao Licensing Center page

17/09/2026

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎, 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓: 𝐋𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝟎𝟐 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐃𝐂 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐎𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐇𝐈𝐘𝐎𝐍

Matagumpay na isinagawa ng LTO Regional Office 02 ang dalawang araw na Free Theoretical Driving Course (TDC) noong Setyembre 14–15, 2026, na pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez bilang bahagi ng programang “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”

Isinagawa ang aktibidad sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Batanes, kung saan nabigyan ang mga aspiring na motorista ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga batas trapiko, kaligtasan sa kalsada, wastong asal sa lansangan, at responsableng pagmamaneho.

Sa pamumuno ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, naging katuwang sa pagpapatupad ng programa sina Acting Regional Director Geronimo C. Santos at Assistant Regional Director Venancio S. Tuddao, kasama ang mga LTO personnel at mga tanggapan sa buong Region 02.

Ang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ilapit ang mga serbisyo at programa ng gobyerno sa mga Pilipino upang mas mabilis at maayos na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na isinusulong ng LTO Region 02 ang road safety education at paghahatid ng serbisyo sa publiko, bilang bahagi ng layunin na magkaroon ng mas ligtas na kalsada at mas responsable at disiplinadong mga motorista.

𝐒𝐔𝐕 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐒𝐀𝐖𝐈 𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐍𝐎𝐑 𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐈𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎; ...
17/09/2026

𝐒𝐔𝐕 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐒𝐀𝐖𝐈 𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐍𝐎𝐑 𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐈𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎; 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐃𝐎, 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos maiulat sa 24 Oras ang insidente kung saan isang menor de edad ang nasagaan ng isang SUV at kalaunan ay nasawi sa Victorino St. malapit sa Pinagbuhatan Arch, Pasig City noong Setyembre 10, 2026.

Batay sa incident report, bandang alas-singko ng hapon nang masangkot sa insidente ang naturang SUV habang minamaneho sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, habang tumatawid ang menor de edad, tinamaan ito ng kanang bahagi ng harapan ng sasakyan at tuluyang nasagasaan ng harap at likurang gulong nito.

Agad na isinugod ang biktima sa Prime Hospital para sa kaukulang atensyong medikal. Gayunman, idineklara itong dead on arrival.

Kaugnay nito, nag-isyu ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang driver ng naturang SUV at inatasan silang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO East Avenue sa Setyembre 22, 2026, upang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag at mga kaukulang dokumento kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng sangkot na drayber at inatasan siyang agad na isuko ito sa IID.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang SUV at driver’s license habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.

“Sa bawat pagmamaneho, mahalagang siguraduhin muna nating malinaw ang ating dadaanan bago umandar, lalo na sa mga lugar na maraming tao, at kailangang suriing mabuti ang paligid upang tiyaking walang pedestrian o batang maaaring malagay sa panganib. Mahalaga rin ang paggabay ng mga magulang upang hindi hayaang mag-isa ang mga bata sa kalsada. Sa simpleng pag-iingat at responsableng pagmamaneho, maiiwasan natin ang mga aksidenteng maaaring magkaroon ng mabigat na kahihinatnan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na laging pairalin ang dobleng pag-iingat, disiplina, at responsableng pagmamaneho upang maiwasan ang mga ganitong insidente. Kasabay nito, hinihikayat ang publiko na maging maingat sa paggamit ng kalsada at tiyaking ligtas ang mga bata at iba pang pedestrian sa tuwing tatawid o nasa paligid ng mga lansangan. Sa sama-samang pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin, makatutulong ang bawat isa sa pagpapanatili ng ligtas na kalsada para sa lahat.

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐈𝐍𝐈𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐔𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐌...
17/09/2026

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐈𝐍𝐈𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐔𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐀𝐖𝐓𝐎𝐑𝐈𝐒𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀; 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐍𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐂

Inirerekomenda ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang tuluyang pagbawi sa lisensya ng drayber ng isang impounded Porsche Spyder na pagmamay-ari ng isang aktor matapos itong gumamit ng hindi awtorisadong plaka na may initials ng kanyang pangalan habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada.

Matatandaang inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at drayber matapos mamataang minamaneho ang naturang Porsche Spyder na may nakakabit na plaka na hindi awtorisado ng LTO at nagtataglay ng initials ng pangalan ng drayber. Dahil dito, ipinatawag ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng sasakyan upang magpaliwanag at magsumite ng mga kinakailangang dokumento kaugnay ng insidente.

Kaugnay nito, ang pag-release ng naturang sasakyan ay nananatiling 𝙝𝙚𝙡𝙙 𝙞𝙣 𝙖𝙗𝙚𝙮𝙖𝙣𝙘𝙚, alinsunod sa magiging disposisyon ng Bureau of Customs (BOC).

“Malinaw ang paglabag ng drayber ng supercar na ito. Mahigpit po tayo laban sa paggamit ng peke o hindi awtorisadong plaka. Ginagawa lang naman natin ito upang matiyak na tama at legal ang pagkakakilanlan ng bawat sasakyan sa kalsada,” ani Asec. Lacanilao.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa paggamit ng plaka at ang pagtugon sa mga paglabag kaugnay nito. Hinihikayat ng LTO ang lahat ng motorista na gumamit lamang ng legal at awtorisadong plaka at huwag tularan ang ganitong gawain upang mapanatili ang maayos at ligtas na paggamit ng mga sasakyan sa kalsada.

𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐈-𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐓𝐎𝐑 𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐊𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈𝐏𝐎𝐋𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋Ipinataw ng Land Transportation O...
17/09/2026

𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐈-𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐓𝐎𝐑 𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐊𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈𝐏𝐎𝐋𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋

Ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang taong revocation sa lisensya sa pagmamaneho ng isang aktor matapos itong masangkot sa isang aksidente sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal.

Batay sa isinagawang imbestigasyon at pagdinig hinggil sa insidente, lumabas na nakaranas ng matinding pagkapagod ang nasabing aktor bago mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan, na nagresulta sa pagkakabangga nito sa tatlong establisyimento.

Dahil dito, napatunayang may pananagutan ang nasabing aktor sa paglabag sa Reckless Driving at idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan sa pagpapataw ng dalawang taong revocation sa kanyang lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, nananatiling nasa alarm status ang naturang sasakyan upang matiyak ang pagpapatupad ng ipinataw na kaparusahan at maiwasan ang anumang transaksyon kaugnay nito habang umiiral ang nasabing resolusyon.

Ani Asec. Lacanilao, “Seryoso ang LTO sa pagpapatupad ng batas-trapiko, lalo na sa mga paglabag na maaaring magdulot ng panganib sa ibang gumagamit ng kalsada. Ipatutupad natin ang kaukulang kaparusahan batay sa resulta ng imbestigasyon at pagdinig, anuman ang katayuan ng sangkot.”

Mahigpit na ipinatutupad ng LTO ang mga batas at alituntunin sa kalsada upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng motorista at iba pang gumagamit ng lansangan. Hinihikayat ng LTO ang publiko na maging responsable sa pagmamaneho at sumunod sa mga itinakdang patakaran upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian.

𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐉𝐄𝐄𝐏, 𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐀 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀𝐖𝐈...
14/09/2026

𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐉𝐄𝐄𝐏, 𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐂𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐀 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀𝐖𝐈 𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐈𝐁𝐈𝐃𝐖𝐀𝐋 𝐀𝐓 𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐁𝐀 𝐏𝐀; 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐃𝐎, 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang isang ulat na ibinahagi sa page ng “ABS-CBN News” kaugnay ng isang road crash na kinasasangkutan ng isang pampasaherong jeep sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Setyembre 12, 2026, dahilan upang isyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at drayber ng naturang sasakyan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng LTO, isang 60-anyos na babae ang nasawi habang walong iba pa ang sugatan matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa northbound lane ng Rizal Avenue bandang alas-4:30 ng hapon. Nawalan umano ng preno ang jeep habang binabagtas ang nasabing lugar, dahilan upang dalhin ng drayber ang sasakyan sa sidewalk bago bumangga sa isang poste. Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid at bumaligtad ang jeep.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at sangkot na drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng kani-kanilang sinumpaang paliwanag kaugnay ng mga paglabag na tinukoy sa SCO.

Kabilang sa mga paglabag na iniuugnay sa drayber ang Reckless Driving, Operating a Motor Vehicle with Defective Parts/Accessories, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Samantala, pananagutin din ang operator sa Operating a Motor Vehicle with Defective Parts/Accessories at Employing a Reckless Driver, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Isinailalim na rin sa 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng sangkot na drayber at inatasang agad itong isuko sa IID.

Gayundin, inilagay na sa alarm status ang pampasaherong jeep habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.

“Kapag pampasaherong sasakyan ang minamaneho natin, buhay at kaligtasan ng mga pasahero ang ipinagkakatiwala sa atin. Kaya dapat siguraduhing maayos at ligtas ang sasakyan bago bumiyahe at huwag isantabi ang responsibilidad bilang drayber. Sa ganitong insidente, mananagot ang sinumang mapatunayang responsable,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Mahalagang paalala sa lahat ng drayber at operator na tiyaking nasa maayos at ligtas na kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe, lalo na ang mga pampublikong sasakyan na araw-araw na nagsasakay ng mga pasahero. Ang kaligtasan ng bawat pasahero at gumagamit ng kalsada ay hindi dapat isinasantabi, at ang sinumang mapatunayang responsable sa mga paglabag ay haharap sa nararapat na pananagutan alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐈𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐔𝐋 𝐍𝐀 𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐈𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐌𝐏𝐑𝐎𝐍𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐏...
14/09/2026

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐈𝐑𝐄𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐔𝐋 𝐍𝐀 𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐈𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐌𝐏𝐑𝐎𝐍𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐏𝐀𝐓𝐀 𝐏𝐎𝐑𝐓, 𝐒𝐔𝐑𝐈𝐆𝐀𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang isang viral video na ibinahagi sa page ni “Prince Jomari Bacay” kaugnay ng road rage na kinasasangkutan ng dalawang drayber ng truck sa Lipata Port, Surigao City. Dahil dito, inisyuhan ng magkakahiwalay na Show Cause Order (SCO) ang dalawang sangkot na drayber.

Batay sa naturang video, nasangkot sa isang aksidente ang dalawang truck na nauwi sa mainitang komprontasyon ng kanilang mga drayber. Makikitang nasa loob ng isa sa mga truck ang isang babae at isang sanggol na sumisigaw habang binabasag ng kabilang drayber ang bintana ng truck at tila may ibinabato patungo sa drayber nito. Minaniobra rin niya ang kanyang truck at sinadyang sumagi sa kabilang truck bago muling bumaba at lapitan ang kapwa drayber. Kalaunan, dumating ang mga pulis at inaresto ang mga sangkot na drayber.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang dalawang sangkot na drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng kani-kanilang sinumpaang paliwanag kaugnay ng mga paglabag na tinukoy sa kani-kanilang SCO.

Kabilang sa mga iniuugnay na paglabag sa mga drayber ang Reckless Driving na mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya. Maaari ring bawiin ang kanilang mga lisensya kung mapatunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang dalawa. Samantala, pananagutin din ang rehistradong may-ari/operator ng isa sa mga truck sa Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Driver, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Inatasang agad na isuko sa IID ang mga lisensya ng dalawang truck driver, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension.

Inilagay na rin sa alarm status ang dalawang truck habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.

Kaugnay nito, agad na inirekomenda ni LTO Chief, Asec. Lacanilao ang pagbawi ng lisensya ng drayber ng asul na truck kaugnay ng mga paglabag na tinukoy sa kaso.

“Ang galit ay hindi lisensya para mawalan ng kontrol at gumamit ng sasakyan bilang panakot o paraan ng paghihiganti. Kapag hinayaan mong galit ang magdikta sa kilos mo, hindi na simpleng away sa kalsada ang pinag-uusapan kundi isang seryosong paglabag na maaaring humantong sa mas mabigat na insidente. Bilang drayber, responsibilidad mong kontrolin ang sarili mo bago mo kontrolin ang sasakyan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Mahalagang paalala sa lahat ng drayber na panatilihin ang tamang asal at disiplina sa kalsada, lalo na sa oras ng aksidente o hindi pagkakaunawaan. Ang anumang insidente ay dapat idaan sa maayos na proseso at hindi sa komprontasyon o paggamit ng sasakyan sa paraang maaaring magdulot ng panganib sa ibang motorista at pasahero. Ang sinumang mapatunayang lumabag ay mananagot alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

🚨 𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨Matapos ang isinagawang pagdinig ng ahensya kaugnay sa kaso ng isang alagad ng batas na inisy...
14/09/2026

🚨 𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang pagdinig ng ahensya kaugnay sa kaso ng isang alagad ng batas na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) matapos umanong habulin, banggain, suntukin, tutukan ng baril, at sapilitang dalhin sa himpilan ng pulisya ang isang estudyante, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang tuluyang pagbawi sa kanyang driver’s license at pagbabawal na makakuha muli ng panibagong lisensya sa loob ng (2) dalawang taon.

Batay sa naging resulta ng imbestigasyon at pagdinig, napatunayang lumabag ang nasabing driver sa mga probisyon hinggil sa Reckless Driving, Obstruction of Traffic, Compulsory Registration of Motor Vehicles, at Driving While Under the Influence of Liquor or Narcotic Drugs. Dahil dito, idineklara ng LTO ang driver bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na nagresulta sa revocation ng kanyang driver’s license at pagbabawal na kumuha ng panibagong lisensya sa loob ng dalawang taon.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng insidenteng ito, maaaring basahin ang paunang pahayag na inilabas ng ahensya. https://web.facebook.com/share/v/1ERsaAwkY2/

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎, 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓: 𝐋𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝟎𝟐 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐃𝐂 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐄𝐆𝐀𝐑𝐀𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Pina...
14/09/2026

𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎, 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓: 𝐋𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝟎𝟐 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐃𝐂 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐄𝐆𝐀𝐑𝐀𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez ang isinagawang Free Theoretical Driving Course (TDC) ng Land Transportation Office (LTO) Regional Office 02 nitong Setyembre 14, 2026 sa SM City Tuguegarao, bilang bahagi ng programang “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”

Lumahok sa dalawang araw na libreng TDC ang 114 na aspiranteng motorista, kung saan tinalakay ang mga pangunahing batas at alituntunin sa trapiko, road safety, wastong asal sa lansangan, at mga responsibilidad ng isang ligtas at responsableng motorista.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga key officials ng DOTr, kasama ang mga Division Chiefs at District and Extension Office Chiefs ng LTO Region 02, bilang pakikiisa sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo at kaalaman na mas malapit at mas madaling ma-access ng publiko.

Isinagawa ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director Geronimo C. Santos, katuwang si Assistant Regional Director Venancio S. Tuddao, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LTO Region 02 na palakasin ang road safety at itaguyod ang responsableng pagmamaneho.

Sa pamamagitan ng libreng TDC, nabigyan ang mga kalahok ng kinakailangang kaalaman at wastong paghahanda bago humawak ng manibela—isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng disiplinado, responsable, at safety-conscious na mga motorista.

Ang inisyatibang ito ay nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga Pilipino upang mas madaling matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa LTO Region 02, bawat kaalaman ay hakbang tungo sa mas ligtas na kalsada at mas responsableng motorista.

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya...
14/09/2026

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Address

San Gabriel
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuguegarao Licensing Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share