18/10/2026
๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ฃ๐ต๐ฎ๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ง๐จ๐๐๐๐ฃ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Oktubre 18, 2026, ang ikalawang araw ng Final Interview Phase ng Tulunan College Assistance Program (TULCAP).
Layunin ng Pamahalaang Lokal ng Tulunan sa pamumuno ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE, na matiyak ang patas at maayos na proseso ng pagpili sa mga kwalipikadong aplikante na magiging bahagi ng bagong batch ng mga iskolar ng programa.
Sa pamamagitan ng Screening Committee katuwang ang Secretariat, isinasagawa ang huling yugto ng pagsusuri upang higit na matukoy ang mga aplikanteng makikinabang sa programang naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Tulunan ang mga programang pang-edukasyon na nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang Tulunense tungo sa mas magandang kinabukasan.
๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐
๐ปโ๏ธ| ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต & ๐๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ ๐ฃ๐บ: Municipal Information Office
๐ธ| ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ ๐๐ฐ๐ถ๐ณ๐ต๐ฆ๐ด๐บ: MIO & LSB