02/09/2026
BREASTFEEDING AWARENESS MONTH CELEBRATION
โBREASTFEEDING FOR A SUSTAINABLE START IN LIFE: STRENGTHENING WHAT WORKSโ
Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit (RHU) ng Tuy, Batangas ang pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month, na dinaluhan ng ating mga breastfeeding mothers, Barangay Nutrition Scholars (BNS), health workers, at iba pang katuwang sa pagsusulong ng kalusugan at nutrisyon sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, higit nating binigyang-diin ang kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding at Maternal Nutrition sa pagbibigay ng pinakamagandang simula sa buhay ng bawat sanggol.
Kabilang sa mga naging bahagi ng programa ang:
๐ผ Lecture tungkol sa kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding at Maternal Nutrition
๐คฑ Demonstration ng Proper Breastfeeding Positioning and Latching
๐ฌ Open Forum para sa mga katanungan at pagbabahagi ng karanasan
๐ Pagkilala sa ating mga Breastfeeding Mothers at Barangay Nutrition Scholars
๐ Pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) Materials
๐คฑ๐ Pagbuo ng Breastmilk Donor Support Group
Isa sa mga mahalagang naging bunga ng aktibidad ay ang pagbuo ng isang grupo ng mga ina na boluntaryong handang tumulong sa pamamagitan ng pagdo-donate ng breastmilk para sa mga sanggol na nangangailangan nito, alinsunod sa wastong proseso, screening, at mga pamantayan ng kaligtasan na itinatakda ng mga awtoridad sa kalusugan.
Layunin ng inisyatibang ito na makabuo ng isang mas matatag na support system para sa mga ina at sanggol sa ating komunidad, lalo na sa mga pagkakataong may sanggol na nangangailangan ng breastmilk.
Ang matagumpay na breastfeeding journey ay hindi lamang responsibilidad ng isang ina. Kinakailangan nito ang suporta ng pamilya, komunidad, health workers, at buong lipunan.
Patuloy nating hikayatin, suportahan, at bigyang-kapangyarihan ang ating mga ina upang maibigay nila ang pinakamahusay na nutrisyon para sa kanilang mga anak.