DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province

Directions Contact the organization

DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province San Jose Elementary School is a government institution that promote quality Education and safe learning environment.

KAISA ANG SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL SA PAMBANSANG PAG-IINGAT AT KALIGTASAN!Mula ngayong Oktubre 12 hanggang 16, buong-p...
12/10/2026

KAISA ANG SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL SA PAMBANSANG PAG-IINGAT AT KALIGTASAN!

Mula ngayong Oktubre 12 hanggang 16, buong-pusong nakikiisa ang San Jose Elementary School sa pagdiriwang ng National School Safety Week!

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga dedikadong g**o sa pangunguna ng ating punong-g**o, Mr. Eufrocino C. Erna, Principal I, sa kanilang walang sawang paggabay upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at handang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Lubos din ang ating pagkilala at pasasalamat sa ating mga Opisyales ng Barangay, sa mga magulang (GPTA), at sa ating mga mag-aaral na nakiisa at nagpakita ng aktibong suporta. Ang inyong kooperasyon ang nagpapatunay na kapag sama-sama ang buong komunidad, mas ligtas ang ating paaralan!

Sama-sama tayong maging handa, alerto, at ligtas! πŸ’™





SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL SCOUTS, NAKIISA SA SUNRISE PARADE πŸŒ…Kasabay ng pag-sikat ng araw, buong-giting na nagmartsa an...
05/10/2026

SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL SCOUTS, NAKIISA SA SUNRISE PARADE πŸŒ…

Kasabay ng pag-sikat ng araw, buong-giting na nagmartsa ang mga Kid, Kab at Boy Scouts ng San Jose Elementary School sa ginanap na Sunrise Parade.

Ang gawaing ito ay naglalayong hubugin ang disiplina, liderato, at pagmamahal sa bayan ng ating mga mag-aaral mula sa murang edad. Taos-pusong pasasalamat sa mga tagapayo, g**o, at mga magulang na patuloy na sumusuporta sa ating mga scouts!

⚜️ Laging Hinda para sa Bayan at sa Kapwa!





🌸 **HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY 2026!** 🌸Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng masisipag at dedikadong g**o...
02/10/2026

🌸 **HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY 2026!** 🌸

Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng masisipag at dedikadong g**o ng San Jose Elementary School! πŸ’š

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, pag-unawa, at pagmamahal sa mga mag-aaral. Sa bawat aral na inyong ibinabahagi, inspirasyon at pag-asa ang inyong naiiwan sa puso at isipan ng bawat batang inyong hinuhubog.

Saludo kami sa inyong sakripisyo, tiyaga, at malasakit. Kayo ang tunay na katuwang sa paghubog ng mga batang may pangarap at magandang kinabukasan. 🌟

Mabuhay ang mga g**o ng San Jose Elementary School!
Happy World Teachers’ Day 2026!



**o


πŸ’š SAN JOSE ES, MATAGUMPAY AT MASAYANG NAKILAHOK SA SIMULTANEOUS ESCODA CAMP 2026! πŸ’šIsang masaya, makabuluhan at matagump...
27/09/2026

πŸ’š SAN JOSE ES, MATAGUMPAY AT MASAYANG NAKILAHOK SA SIMULTANEOUS ESCODA CAMP 2026! πŸ’š
Isang masaya, makabuluhan at matagumpay na pakikilahok ng San Jose Elementary School sa Simultaneous Escoda Camp 2026

Sa pangunguna ng aming butihing Principal I, Mr. Eufrocino C. Erna at maaasahang School GSP Coordinator, Mrs. Perla M. Angcaya , naging makabuluhan ang gawaing ito na nagbigay sa ating mga Girl Scouts ng pagkakataong matuto, makipagtulungan, maging responsable, at maipamalas ang kanilang kakayahan at galing sa iba't ibang gawain. πŸ’š
Taos-pusong pasasalamat sa aming mga g**o na buong tiyagang gumabay at sumuporta sa ating mga Girl Scouts sa pagsasagawa ng iba't ibang activities. Maraming salamat din sa ating mga batang Scouters na buong tapang, sipag at saya na nakilahok at nagpakitang-gilas sa bawat gawain. 🌟

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang sa patuloy na suporta at tiwala; sa aming PTA Officers, sa pangunguna ni Pangulong Gretchen Taduran ; at sa ating mga Barangay Officials, sa pamumuno ni Kapt. Ruben A. Mendoza, sa kanilang mahalagang tulong pinansyal at suporta para sa ating mga kabataan. πŸ’šπŸ™

Maraming salamat din sa ating mga Konsehal, Barangay Tanods at Guardians na walang sawang nakibahagi, lalo na sa pagsama at pagbabantay sa pagtulog at sa iba pang mga gawain. Ang inyong oras, presensya at suporta ay tunay na mahalaga sa tagumpay ng ating programa. πŸ€β›Ί

Sama-sama, nagkakaisa, at may pusong Scout! πŸ’š
Patuloy nating hubugin ang mga kabataang matatag, responsable, handang tumulong at may malasakit sa kapwa.

Mabuhay ang San Jose ES Girl Scouts! πŸ’šβšœοΈ
Mabuhay ang Simultaneous Escoda Camp 2026! πŸ•οΈπŸŒΏ

PAGBATI AT PAGPUPUGAY SA ATING MGA MANLALARO!Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral ng *San Jose Elementary Sch...
11/09/2026

PAGBATI AT PAGPUPUGAY SA ATING MGA MANLALARO!

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral ng *San Jose Elementary School* na buong tapang at husay na lumahok sa Tuy Sub-Office Sports Meet 2026!*
Congratulations sa mga nagwagi! Ang inyong sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyon ay tunay na karapat-dapat ipagmalaki.
Sa ating mga hindi pinalad na magwagi, taas-noo pa rin nating ipinagmamalaki ang inyong pagsisikap at tapang. Tandaan, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya kundi sa karanasang natutuhan, pakikipagkaibigan, at lakas ng loob na ipinakita ninyo sa laban.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming butihing Punong G**o, Mr. Eufrocino C. Erna, sa walang sawang suporta at paggabay; sa ating mga g**o/coaches sa kanilang dedikasyon at pagtuturo; sa mga magulangsa patuloy na suporta at sakripisyo; at higit sa lahat, sa ating mga mag-aaral/manlalaro na nagbigay ng kanilang buong puso at husay.
Panalo man o hindi, lahat kayo ay kampeon sa aming mga puso!
ATHLETICS
Michael A. De Leola - 3rd place – 100 and 400 m dash
Daniello D. Julongbayan- participant
John Paul Erna- participant
Joseph Jared Pragante - participant
Ma. Keziah D. Castillo - participant
Coaches : Mam Claire De Jesus
Mam NiΓ±a De Villa Busilig
Mam Evelyn Dimaala Panaligan
BAMINTON
BOYS :
Single A- Julian Rusty E. Andal - 3rd place
Single B- Gian Daniel S. Morada-participant
Single C- Raiver Zhid D. Baque- participant
Single D- Miguel N. Erna-participant
Coach : Mam Perla Matalog
GIRLS:
Single A- Naomi Faith C. De los Reyes- participant
Single B- Princess Sophia B. Templa - participant
Single C- Marian Atienza - 2nd place
Single D - Jule Stephanie B. De Leola - 3rd palce
Coach : Mam Rosalia Lea Mendoza
TABLE TENNIS
BOYS:
Single A- Joey Erna- 4th place
Single B- Prince Clark C. Cortino- 2nd place
Single C- Jerald H. Tesoro - 2nd place
Single D- Jhonrey Condicion - 3rd place
Coach: Mam Nene Castillo Cortino
GIRLS :
Single A- Angel V. Bautista - 5th place
Single B- Brycel Claire F. Yabut - Participant
Single C- Princess Celene C. Cortino - 1st place / DAAM Qualifier
Single D- Precious Zhyren Macadangdang - 3rd palce
Coach : Mam Blesy De Vera Mendoza

Trainor : Sir Emil Bathan

Mabuhay ang San Jose ES!
Mabuhay ang ating mga batang atleta!** πŸŽ‰πŸ…





πŸ“’ **ORIENTATION ON THE NATIONAL SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL ON ACTIVE ATTACK INCIDENTS**Bilang paghahanda at pagpap...
26/08/2026

πŸ“’ **ORIENTATION ON THE NATIONAL SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL ON ACTIVE ATTACK INCIDENTS**

Bilang paghahanda at pagpapaigting ng kaalaman ng bawat isa sa tamang pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency, matagumpay na isinagawa ang **Orientation on the National Simultaneous School Safety Drill on Active Attack Incidents** sa **San Jose Elementary School**, sa pangunguna ni **Mr. Eufrocino C. Erna, Principal I**.

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kamalayan at kahandaan ng mga g**o at mag-aaral upang matiyak ang **kaligtasan, pagiging alerto, at wastong pagtugon** sa oras ng anumang emergency.

**Sama-sama para sa isang ligtas, handa, at matatag na paaralan!** πŸ«πŸ›‘οΈ



MODULAR DISTANCE LEARNING | SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOLSa kabila ng epekto ng masamang panahon dulot ng Habagat, patuloy ...
20/08/2026

MODULAR DISTANCE LEARNING | SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL

Sa kabila ng epekto ng masamang panahon dulot ng Habagat, patuloy na naglalakbay ang ating mga mag-aaral tungo sa kaalaman!

Mula August 17–20, isinagawa ng San Jose Elementary School ang Modular Distance Learning upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral kahit sa panahong hindi ligtas o posible ang pagdalo sa face-to-face classes.

Sa tulong at pakikiisa ng mga magulang, g**o, at buong komunidad, ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang sipag, tiyaga, at determinasyong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon.

Ang masamang panahon ay maaaring humadlang sa pagpasok, ngunit hindi nito mapipigilan ang pusong handang matuto! πŸ’™πŸ’›

Maraming salamat sa lahat ng nagkaisa upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng Modular Distance Learning.






Isang taos-pusong **pagbati at pagpupugay** sa ating mga mag-aaral na nagwagi at nakilahok  sa **2026 Tuy Sub-Office Sch...
15/08/2026

Isang taos-pusong **pagbati at pagpupugay** sa ating mga mag-aaral na nagwagi at nakilahok sa **2026 Tuy Sub-Office Schools Press Conference!** πŸŽ‰πŸ‘ Ang inyong husay sa pagsusulat, tapang sa pagpapahayag, malikhaing pag-iisip, at dedikasyon ay tunay na karapat-dapat ipagmalaki. Kayo ay patunay na ang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa pamamahayag ay nagbubunga ng tagumpay. πŸ…βœ¨
Maraming salamat at pagbati din sa mga coaches o g**o na kanilang kaagapay sa laban na kanilang paglaban. Maraming salamat din kay Mr. Eufrocino C. Erna, Principal I ng paaralan sa kanyang pag-agapay at pagsuporta sa mga g**o at manunulat.
Sa ating mga **batang manunulat na hindi man pinalad na magwagi**, tandaan na ang pagkatalo ay hindi kabiguan kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad. 🌱 Huwag mawalan ng tiwala sa inyong kakayahan. Ang bawat salitang inyong isinulat, bawat ideyang inyong ibinahagi, at bawat karanasang inyong natutuhan ay bahagi ng inyong paglalakbay tungo sa pagiging mahusay na mamamahayag.

**Manalo man o hindi, lahat kayo ay panalo sa tapang na humarap, sumubok, at matuto.** πŸ“πŸ’ͺ

Patuloy na magsulat, magpahayag, at maging tinig ng katotohanan. **Congratulations, young journalists!** πŸŽŠπŸ‘

Princess Sophia B. Templa-Second Place - Editorial Cartooning- English
Akihiro T. Castillo - Participant- Editorial Cartooning- Filipino
Princess Celene C. Cortino- Participant- Science Writing - Filipino
Coach : NiΓ±a De Villa Busilig

Precious Zhyren Macadangdang- Participant- Feature Writing-Filipino
Coach : Nene Castillo Cortino

Precious Darlia P. Contreras- Participant - Copy Reading- Filipino
Briana Arabella D. Romulo- Participant- Copy Reading- English
Coach : Perla Matalog Angcaya

Naomi Faith C. De los Reyes- Participant- News Writing- Filipino
Liansel Maryole C. Bautista - Particupant- Editorial Writing- Filipino
Coach : Blesy De Vera Mendoza

Casandra Madeza Mae D. Hinay - Participant - Column Writing- Filipino
Coach : Claire De Jesus

Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa buong pamilya ng San Jose Elementary School sa natanggap na parangal bilang ...
03/08/2026

Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa buong pamilya ng San Jose Elementary School sa natanggap na parangal bilang Outstanding Gulayan sa Paaralan Implementer – Tuy Sub-Office!** πŸ†πŸŒ±
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagtutulungan, at pagmamahal ng bawat isa para sa pagpapaunlad ng ating paaralan at pagtataguyod ng isang malusog, luntian, at produktibong kapaligiran.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mr. Eufrocino C. Erna , punonggg**o ng paaralan sa kanyang pamumuno, suporta, at inspirasyon; kay Mrs. Maria May A. Laurio, School GPP Coordinator , sa ating mga masisipag at dedikadong g**o na katulong sa pagpapatupad at pangangalaga nito at sa mga mag-aaral na patuloy ding nakikiisa sa pagpapanatili ng Gulayan sa Paaralan.

Maraming salamat din sa ating mga SPTA officers sa nakaraang taon at kasalukuyang panahon at mga magulang,barangay, at lahat ng stakeholders at partners na walang sawang nagbibigay ng oras, talento, kagamitan, suporta, at iba pang tulong upang maging matagumpay ang ating programa. Ang inyong pakikiisa ay patunay na kapag ang buong komunidad ay nagkaisa, malalaking bagay ang maaaring makamit.

Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa isang programa. Ito ay pagkilala sa bayanihan, malasakit, pagkakaisa, at sama-samang pangarap para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating pagyamanin ang ating **Gulayan sa Paaralan** at patuloy na itanim hindi lamang ang mga halaman kundi maging ang mga pagpapahalaga ng kasipagan, pananagutan, pagmamahal sa kalikasan, at pagtutulungan** sa puso ng bawat isa.

**Mabuhay ang buong pamilya ng San Jose Elementary School!**
**Mabuhay ang ating Gulayan sa Paaralan!** 🌱🌿
**Isang malaking pagbati at pasasalamat sa ating lahat!** πŸŽ‰πŸ†

**β€œSama-samang Nagtatanim, Sama-samang Umaani ng Tagumpay!”** πŸ’š

**πŸ’™ Maraming Salamat at Mabuhay ang Bayanihan! πŸ’™**Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay ang ipinababatid ng pamunuan  ng...
20/07/2026

**πŸ’™ Maraming Salamat at Mabuhay ang Bayanihan! πŸ’™**

Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay ang ipinababatid ng pamunuan ng San Jose ES sa pamumuno ni Mr. Eufrocino C. Erna, Principal I, mga magulang at mga mag-aaral sa **KB Malaya Phils. Inc. – Tuy Chapter** at **Mamamayan Susulong MS Group** sa kanilang matagumpay na **Outreach and Feeding Activity** at **pamamahagi ng school supplies** sa mga mag-aaral ng **San Jose Elementary School** na may temang **"Nourishing Minds, Inspiring Futures."**

Ang inyong kabutihang-loob, malasakit, at walang sawang suporta ay naging inspirasyon sa ating mga mag-aaral. Higit pa sa pagkain at mga kagamitang pampaaralan, kayo ay nagbigay ng pag-asa, saya, at motibasyon upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at mangarap nang mas mataas.

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming masisipag na **SPTA Members** na naglaan ng kanilang oras, lakas, at pagmamahal sa paghahanda, pagluluto, at pamamahagi ng pagkain. Ang inyong sama-samang pagtutulungan ay tunay na larawan ng pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng ating mga kabataan.

Muli, maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Nawa'y patuloy nating mapanatili ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral.

**πŸ’™ Together, we nourish minds, inspire futures, and build a brighter tomorrow! πŸ’™**

Sana ay maging inspirasyon ang inyong pagtutulungan sa mas marami pang programang magbibigay ng pag-asa at suporta sa ating mga mag-aaral.

Address

San Jose
Tuy
4214

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo San Jose ES - Batangas Province:

Shortcuts

Share