28/08/2026
𝐀𝐆𝐑𝐈-𝐀𝐊𝐓𝐈𝐁𝐈𝐃𝐀𝐃:
Sa ika-10 at ika-11 linggo ng FFS on Vegetable Production, muling nadagdagan ang kaalaman ng mga magtatanim ng gulay sa Brgy. Tungkod, Sta. Maria, Laguna.
Noong ika-sampung linggo ng pagsasanay ay tinalakay ni Mr. Orlando Bacud ang tungkol sa "W**d Management" sa paggugulayan at itinuro naman ni Engr. Mark Andrei Palicpic mula sa DA-RCPC Calabarzon ang ukol sa "Product Stewardship" kung saan tinalakay ang tamang paraan ng paggamit ng pestisidyo upang maingatan ang kalusugan ng tao at ng kalikasan.
Samantalang sa ika-11 linggo ng pagsasanay ay ibinahagi naman ni Engr. Jenno Barola Ambrocio ang kaalaman ukol sa "Water Management" sa paggugulayan upang mas lalong mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka. Namahagi rin ng mga IEC materials sa mga kalahok ng pagsasanay na maaari nilang magsilbing gabay sa pamamahala ng kanilang tanim na gulay.
Kung mayroon po kayong katanungan, maaaring mag-comment sa page na ito o magsadya sa aming opisina Lunes hanggang Huwebes, mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.
Paki-like, follow and share po ng ating page! Maraming salamat po☺️🫰🙏