Puerto Princesa City Agriculture Office

  • Home
  • Puerto Princesa City Agriculture Office
Directions

Puerto Princesa City Agriculture Office Service provider

TINGNAN: Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng City Agriculture Office-Fisheries Management Division...
21/08/2026

TINGNAN: Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng City Agriculture Office-Fisheries Management Division, ay nagsagawa ng pamamahagi ng mga kagamitan sa pangingisda, kabilang ang lambat (Gillnet), Kitang (Multiple Hook and Line), Octopus Jigger, at Kawil (Simple Handline). Ang programang ito ay bahagi ng Sustainable Income Generating Project Support to Fisherfolk, na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta at mapalakas ang kabuhayan ng ating mga municipal fisherfolk, sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Mayor Lucilo R. Bayron.

Ang unang yugto ng pamamahagi ay nagsimula noong Agosto 13, 2026 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sa kabuuan, 327 kwalipikadong mangingisda mula sa mga barangay ng Sta. Cruz, Salvacion, Binduyan, Langogan, Tiniguiban, Bagong Pag-asa, Mandaragat, Sta. Lourdes, Luzviminda, Mangingisda, Napsan, Bagong Bayan, at Simpokan ang nakatanggap ng mga kagamitan.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong at nakibahagi sa proseso ng pagtukoy at pagpili ng mga karapat-dapat na benepisyaryo, kabilang ang ating mga Fisherfolk Associations, Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (BFARMCs), at mga Barangay Officials.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Deputy Mayor for Northeast Ma’am Emily Eleazar sa kanyang pagdalo at pagsaksi sa pamamahagi, gayundin sa lahat ng Punong Barangay at mga Kagawad ng mga nasabing barangay sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa at proyekto para sa kapakanan at kabuhayan ng ating mga mangingisda.

Sama-sama nating itaguyod ang mas matatag, masagana, at pangmatagalang kabuhayan para sa ating mga mangingisda ng Puerto Princesa City!

BABALA!!!Sa kasalukuyan basi resulta ng pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources–National Fisheries Labora...
05/08/2026

BABALA!!!

Sa kasalukuyan basi resulta ng pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources–National Fisheries Laboratory (BFAR-NFL), ang mga ng shellmeat samples mula sa iba't ibang monitoring stations sa Honda Bay at Puerto Princesa Bay ay nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) toxins sa antas na lumampas sa itinakdang pamantayan na 60 µg STX eq./100 gramo ng shellmeat.

Kaugnay nito mahigpit na pinapayuhan ang publiko na ipinagbabawal muna ang pag-aani, pagdadala, pagbebenta, at pagkain ng shellfish at alamang (Acetes sp.) na nagmula sa mga baybaying-dagat ng Puerto Princesa Bay (mga Barangay Bancao-Bancao, Bagong Sikat, Bagong Silang, Pagkakaisa, Mabuhay, Liwanag, Bagong Pag-asa, San Isidro, Matahimik, Mandaragat, San Pedro (West Coast), Tiniguiban, Sta. Monica, Sicsican, Irawan, Iwahig, Sta. Lucia, Luzviminda, at Mangingisda) at Honda Bay (mga Barangay San Miguel, San Pedro (East Coast), San Manuel, San Jose, Tagburos, Sta. Lourdes, Bacungan (East Coast), Sta. Cruz, Salvacion, Manalo, Maruyugon, Lucbuan, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan, at Langogan).

Ang mga indibidwal at mangangalakal na nagdadala at nagbebenta ng shellfish at alamang sa Lungsod ng Puerto Princesa na nagmula sa mga baybaying lugar na hindi kabilang sa mga apektadong coastal waters ay kinakailangang kumuha ng Certificate of Origin sa Tanggapan ng Punong Barangay o ng Municipal Agriculture Office ng lugar kung saan inani ang mga naturang produkto.

Ipinaaalam din sa publiko na ang mga isda, pusit, hipon, alimango, at iba pang yamang-dagat na hindi nabanggit sa itaas na nahuhuli mula sa mga nasabing lugar ay nananatiling ligtas kainin, basta't sariwa ang mga ito, nahugasan nang mabuti, at naihanda nang wasto. Bilang karagdagang pag-iingat, tiyaking alisin at itapon nang buo ang hasang, bituka, at iba pang lamang-loob bago lutuin.

Para sa kaalaman, gabay, at mahigpit na pagsunod ng lahat. Maraming Salamat po

TINGNAN: 974 Fuel Subsidy Cards, Ipinamahagi sa mga Mangingisda ng Lungsod ng Puerto PrincesaKabuuang 974 Fuel Subsidy C...
24/07/2026

TINGNAN: 974 Fuel Subsidy Cards, Ipinamahagi sa mga Mangingisda ng Lungsod ng Puerto Princesa

Kabuuang 974 Fuel Subsidy Cards mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang ipinamahagi ng City Agriculture Office sa mga kwalipikadong mangingisdang benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay bahagi ng Fuel Assistance to Fisherfolk Program ng DA-BFAR na naglalayong matulungan ang mga maliliit na mangingisda na may motorized fishing boats na may sukat na 3 gross tons pababa. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan sila ng tulong upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at masuportahan ang kanilang kabuhayan.

Patuloy na nakikipagtulungan ang City Agriculture Office sa DA-BFAR sa pagpapatupad ng mga programang nagbibigay ng tulong at oportunidad sa ating mga mangingisda sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang LUZVIMINDA MASAGANANG KABUHAYAN FISHERFOLKS ASSOCIATION, na nabuo sa tulong ng City Agriculture Office noong Pebrero...
24/07/2026

Ang LUZVIMINDA MASAGANANG KABUHAYAN FISHERFOLKS ASSOCIATION, na nabuo sa tulong ng City Agriculture Office noong Pebrero 2025 sa pamumuno ng kanilang Pangulo na si Ms. Mari-Praise Magbanua, ay patuloy na nagpapakita ng magandang halimbawa ng sama-samang pagkilos tungo sa mas matatag na kabuhayan.

Sa pamamagitan ng 5 ektaryang katubigan na ipinagkaloob sa ilalim ng aprubadong Exclusive Fisheries Privilege Permit (EFPP) ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa sa Mariculture Zone ng Barangay Luzviminda, unti-unti nang naisasakatuparan ng samahan ang kanilang mga proyektong pang-aquaculture.

Sa kasalukuyan, matagumpay nang nakapagprodyus ng lato (sea grapes) ang asosasyon sa pamamagitan ng teknikal na gabay ng City Agriculture Office at suporta sa mga farming inputs mula sa BFAR-MIMAROPA. Kasabay nito, sinimulan na rin nila ang pag-aalaga ng talaba (oyster culture) bilang karagdagang mapagkukunan ng kita at upang higit pang mapalawak ang kanilang kabuhayan.

Ang dedikasyon, sipag, at pagtutulungan ng bawat miyembro ng samahan ay tunay na kahanga-hanga. Ang kanilang pagpupursige na mapaunlad ang mga proyektong pangkabuhayan ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, wastong suporta mula sa pamahalaan, at tamang teknolohiya, posible ang pagkakaroon ng mas matatag at masaganang kabuhayan para sa mga mangingisda ng Puerto Princesa.

Patuloy na susuportahan ng City Agriculture Office ang mga inisyatibong tulad nito upang mapalakas ang sektor ng pangisdaan at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga fisherfolk at kanilang mga pamilya.

TINGNAN | Nagsimula na ang Pamamahagi ng Seaweed Seedlings sa mga Seaweed Farmer ng Puerto PrincesaBilang patuloy na sup...
23/07/2026

TINGNAN | Nagsimula na ang Pamamahagi ng Seaweed Seedlings sa mga Seaweed Farmer ng Puerto Princesa

Bilang patuloy na suporta sa kabuhayan ng ating mga mangingisda at seaweed farmers, pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng City Agriculture Office, ang pamamahagi ng dekalidad na seaweed seedlings sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga barangay ng Tagburos, Manalo, at Babuyan.

Sa unang bugso ng distribusyon, 52 seaweed farmers ang tumanggap ng tig-100 kilo ng seaweed seedlings na magsisilbing panimulang punla para sa kanilang seaweed farming. Layunin nitong matulungan silang mapalawak ang kanilang produksyon, mapataas ang ani, at magkaroon ng mas matatag at napapanatiling pinagkukunan ng kita.

Ang pamamahaging ito ay bahagi ng Sustainable Income Generating Project Support to Fisherfolk, isang programa ng City Agriculture Office na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng pangisdaan sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng production inputs at tuloy-tuloy na teknikal na suporta sa mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapaunlad ng industriya ng seaweed farming bilang isang mahalagang kabuhayan ng ating mga komunidad sa baybayin. Kasabay nito, hinihikayat ang mga benepisyaryo na pangalagaan at mahusay na pamahalaan ang mga ipinagkaloob na punla upang matiyak ang masaganang ani at pangmatagalang benepisyo para sa kanilang mga pamilya.

MAGANDANG BALITA!Batay sa resulta ng tatlong magkakasunod na Harmful Algal Bloom (HAB) o red tide monitoring na isinagaw...
14/07/2026

MAGANDANG BALITA!

Batay sa resulta ng tatlong magkakasunod na Harmful Algal Bloom (HAB) o red tide monitoring na isinagawa ng City Agriculture Office, katuwang ang Palawan Provincial Agriculture Office at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang antas ng Paralytic Shellfish Toxin (PST) sa mga shell meat samples mula sa mga sampling stations sa Puerto Princesa Bay ay nananatiling mas mababa sa itinakdang regulatory limit na 60 µg STX-eq/100g.

Dahil dito, pinapayagan na muli ang pangunguha, pagbiyahe, pagbebenta, at pagkonsumo ng mga shellfish at alamang (Acetes sp.) na nagmumula sa Puerto Princesa Bay.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga ahensya, Barangay LGUs,media, mga mangingisda, negosyante, at mamamayan sa inyong patuloy na suporta, kooperasyon, at pakikiisa habang ipinatutupad ang shellfish ban upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad.

📢 PLEASE SHARE upang maipabatid sa mas maraming mamamayan ang magandang balitang ito.

🎉 Happy Birthday, Mayor Lucilo R. Bayron! 🎂May God continue to bless you with good health, wisdom, strength, and unwaver...
07/07/2026

🎉 Happy Birthday, Mayor Lucilo R. Bayron! 🎂

May God continue to bless you with good health, wisdom, strength, and unwavering dedication as you lead our city toward greater progress and development. Thank you for your steadfast commitment to public service and for your inspiring leadership.

May this new year of your life bring you abundant joy, peace, and continued success in all your endeavors.

Happy Birthday, Mayor Lucilo R. Bayron!
Wishing you many more years of meaningful service and God's abundant blessings.

06/07/2026

Maligayang Buwan ng mga Pilipinong Agriculturist! 🇵🇭

Ngayong Hulyo, ating kinikilala at pinaparangalan ang dedikasyon, sipag, at mahalagang ambag ng mga agriculturist sa pagpapaunlad ng agrikultura at sa pagtitiyak ng sapat at masustansyang pagkain para sa bawat Pilipino.

Mabuhay ang lahat ng Agriculturist! 🌱💚
Maligayang Philippine Agriculturist Month! 🇵🇭

03/07/2026

Mula sa Tanggapan ng City Agriculture Office ng Puerto Princesa City, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga magsasaka, mangingisda, kabataang magsasaka, at mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa KADIWA ng Pangulo Program.

Ang natamong parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng aming tanggapan, kundi tagumpay ng buong Lungsod ng Puerto Princesa. Ito ay bunga ng ating pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang hangarin na maiangat ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda habang naihahatid ang de-kalidad at abot-kayang produkto sa ating mga mamamayan.

Patuloy po nating suportahan ang KADIWA ng Pangulo Program at sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad, mas matatag, at mas masaganang Puerto Princesa.

Ang parangal na ito ay para sa Puerto Princesa
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!
God bless us all!

33 Magsasaka, Tumanggap ng Insurance Claim mula sa PCIC 🌾Kabuuang 33 magsasaka mula sa Puerto Princesa City ang tumangga...
25/03/2026

33 Magsasaka, Tumanggap ng Insurance Claim mula sa PCIC 🌾

Kabuuang 33 magsasaka mula sa Puerto Princesa City ang tumanggap ng PHP 196,996.70 na insurance claims mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Tino sa kanilang mga pananim.

Layunin ng tulong na ito na matulungan ang mga magsasaka na makabangon at muling makapagsimula sa kanilang kabuhayan.

Paalala sa lahat ng magsasaka: Ugaliing i-enroll ang inyong mga pananim sa PCIC. Ang crop insurance ay mahalagang proteksyon laban sa pinsalang dulot ng kalamidad.

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Puerto Princesa City Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share