23/08/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA | BALIK FACE-TO-FACE CLASSES
Magandang araw, Nancasalan Elementary School Family! 💚
Ipinababatid po namin sa lahat ng learners, parents, at teachers na BALIK NA PO SA FACE-TO-FACE CLASSES bukas, Lunes, August 24, 2026.
Ang pagbabalik ng regular na klase ay batay sa Executive Order No. 197, Series of 2026, na nagbibigay ng gabay sa mga school head sa pagpapasya tungkol sa pagpapatuloy o pagsususpinde ng klase. Isinasaalang-alang dito ang aktuwal na lagay ng panahon, pagbaha, kondisyon ng mga daan, accessibility, at kaligtasan sa paaralan.
Matapos ang pansamantalang paggamit ng Hinay (Ease-In), Modular Distance Learning, at online learning dahil sa epekto ng Habagat, panahon na upang muli nating ipagpatuloy ang ating face-to-face classes.
☔ MAHALAGANG PAALALA:
🌧️ Posible pa ring makaranas ng pag-ulan, kaya magdala ng payong o kapote.
👕 Magsuot ng angkop at komportableng damit para sa panahon.
🚫 Iwasang dumaan sa mga lugar na baha at maging maingat sa paglalakbay papunta at pauwi mula sa paaralan.
📱 Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan at lokal na pamahalaan para sa anumang pagbabago sa schedule ng klase.
Higit sa lahat, unahin natin ang kaligtasan ng bawat isa. Kung may hindi inaasahang pagbabago sa lagay ng panahon, manatiling alerto at makinig sa mga opisyal na abiso.
📚💚 Balik-eskwela na tayo!
Ingat sa lahat, Nancasalan ES Family! 🏫✨
See you tomorrow, dear learners!