22/07/2026
Bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon para sa modernisasyon ng sektor ng tricycle at pagpapabuti sa kapakanan ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), isinagawa ang General Assembly ng mga TODA noong Hulyo 21, 2026 sa M.I.C.E. Hall, Quezon City na may temang "Digitalization, System Update, and Enhanced Social Protection for Quezon City TODA." Ang programa ay pinangunahan nina TTMD Department Head, Sir Dexter C. Cardenas, at TTMD–Tricycle Regulatory Division Chief, Sir Benjamin V. Ibon III. Nagbigay rin ng mahahalagang talakayan ang mga kinatawan mula sa Social Security System (SSS), PhilHealth, Employees' Compensation Commission (ECC), Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC) at Public Employment Service Ofiice (PESO), hinggil sa kanilang mga programa at benepisyong pangkabuhayan, pangkalusugan, at panlipunang proteksiyon upang higit na mapalawak ang kaalaman at mapabuti ang kapakanan ng mga miyembro ng TODA.