08/11/2026
🌞💧 ISANG MALAKING PASASALAMAT PARA SA ISANG MAS MAUNLAD NA BARANGAY SAN VICENTE! 💧🌞
Buong puso ang pasasalamat ng Barangay San Vicente, Corcuera, Romblon sa Pambansang Pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. (BBM) sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) para sa ipinagkaloob na pondong nagkakahalaga ng ₱3,900,000.00 para sa proyektong:
“INSTALLATION OF SOLAR POWERED SYSTEM TO ENHANCE EXISTING WATER SYSTEM”
Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng ating kasalukuyang sistema ng tubig sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy, na inaasahang makatutulong sa mas episyente, maaasahan at napapanatiling suplay ng tubig para sa ating mga kabarangay.
Taos-puso ang ating pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at sa lahat ng kinauukulang ahensya at opisyal na naging bahagi upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Elsie F. Fejer kasama ang Sangguniang Barangay at buong komunidad, patuloy nating isinusulong ang mga proyektong maghahatid ng konkretong pagbabago at kaunlaran sa ating barangay.
₱3.9 MILLION PARA SA MAS MAAYOS NA SERBISYO NG TUBIG!
Isang proyekto, isang hakbang, at isang malaking pag-asa para sa mas magandang kinabukasan ng Barangay San Vicente!
💚 Maraming salamat, BBM at National Government!