30/10/2026
TAGUMPAY NA BUNGA NG PAGKAKAISA!
5th Place -2026 Division Search for Best Enhanced Gulayan sa Paaralan
Sa likod ng bawat matagumpay na gawain ay mga taong naglaan ng panahon, lakas, talento, at pagmamahal.
Maraming salamat sa ating School Head Ma’am Marichu C. Manaloto, sa patuloy na pamumuno at paggabay; sa ating mga g**o sa kanilang dedikasyon at pagiging katuwang sa bawat gawain; sa mga magulang sa kanilang walang sawang suporta; at sa pagbigay-buhay at kabuluhan sa ating programa, sa ating mga mag-aaral na naging bahagi at inspirasyon ng gawaing ito.
Ang inyong pakikiisa ay patunay na mas nagiging magaan at makabuluhan ang anumang gawain kapag sama-sama nating isinasakatuparan ang iisang layunin.
Lubos naming pinahahalagahan ang bawat kontribusyon. Maraming salamat sa pagiging bahagi ng tagumpay na ito!
Sama-sama sa pagtatanim, sama-sama sa tagumpay! ❤️