07/07/2026
Nagsagawa ang Urbiztondo PNP ng Oplan Bisita at Kick-off kaugnay ng kanilang PROJECT URBIZ: "Understanding Risks, Building Integrity, and Inspiring Zero Violence" bilang bahagi ng 31st Police Community Relations Month Celebration na may temang: "Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maaasahan at Nararamdaman ng Bayan. Kabilang sa layunin ng proyekto ang isulong ang kaligtasan ng mga mag-aaral at maiwasan ang karahasan sa kabataan sa Real National High School
Pinangunahan nina PCAPT Raffy N. Nisperos, Deputy Chief of Police, PMAJ Fernan L. Rivera, Chief of Police, Patrolman Joseph R. Cecilio, PCPL Marvin T. Manandeg, PMSG Ulysses C. Balansay, at PSSG Glenda C. Biala, ang matagumpay na pamamahagi ng mahahalagang kaalamang sa mga mag-aaral at kaguruan ng Real NHS.
Tampok sa programa ang ukol sa information awareness lecture na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral at higit pang mapaigting ang kanilang kamalayan sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng kanilang sariling kaligtasan. Masigasig nilang ipinaliwanag ang mga impormasyon ukol sa mga paksang Active Shooter Response, Drug Awareness, Anti-Bullying, at ang Juvenile Justice System.
Masiglang nakibahagi ang mga mag-aaral sa buong programa, lalo na sa bahagi ng question-and-answer session. Sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon, higit nilang naunawaan ang mahahalagang usapin tungkol sa kaligtasan at ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na pangako ng Urbiztondo Police Station sa pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad, pagpapalawak ng kamalayan ng kabataan, at paghikayat sa mga mag-aaral na maging responsable at disiplinadong mamamayan tungo sa pagbuo ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Naging mahalagang bahagi ng programa ang pagdalo ni LTCOL. Jimmy Palisoc De Guzman ng Philippine Air Force, anak ni Ret. PLT. Fortunato De Guzman at Gng. Corazon De Guzman, retiradong Master Teacher 1 at . Ibinahagi ni LTCOL De Guzman ang kanyang mga karanasan sa paglilingkod at hinikayat ang mga mag-aaral ng Real National High School na magsikap at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay.