10/06/2025
Brigada Eskwela 2025 Kick-off Ceremony✨
Tema: Sama-sama para sa bayang bumabasa
Pinangunahan ni Public Schools District Supervisor Dr. Victor B. Naron Jr. ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 sa paaralang Calabeng ngayong Lunes, Hunyo 10.
Binigyang-diin ni PSDS Naron ang kahalagahan ng Brigada Eskwela upang masig**ong maayos at ligtas ang mga batang mag-aaral sa muli nilang pagbabalik-eskwela ngayong Taong Panuruan 2025-2026.
Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga g**o, mga magulang, at volunteers bilang partners sa edukasyon para matugunan ang hamon sa mga batang nahuhuli sa pagbasa.
Kasama sa pagtitipon sina Barangay Kgwd Adormi Tugade, In charge sa Edukasyon, Kgwd Edison Tugade, Barangay Kgwd Rogelio Ramos, PTA President, Kgwd Jeniven Gamesira, SK Federation President, Honey Flor Cabrillas, Principal II Celestino K. Ngayawon, mga g**o, mga magulang at volunteers.
Kaugnay nito, ay nauna na ring pumunta sa paaralan si Punong Barangay Paquito Ampler Jr. upang makibahagi sa pagsisimula ng Brigada Eskwela.