14/09/2026
LEARNING POCKETS DEVELOPMENT ACTIVITY
Matagumpay na isinagawa noong Setyembre 9–11, 2026 ang Making of Learning Pockets, isang makabuluhang gawain na naglalayong makabuo ng contextualized, learner-friendly, at engaging learning materials para sa mga mag-aaral.
Sa loob ng tatlong araw, aktibong nagsikap ang mga g**o sa pagbuo, pagsasaayos, paglalapat at pagrebisa ng mga Learning Pockets na nakaayon sa mga layunin at competency ng bawat asignatura. Isinaalang-alang din ang konteksto, pangangailangan, antas at kakayahan ng mga mag-aaral upang maging mas makabuluhan at epektibo ang kanilang pagkatuto.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano, pagbabahaginan ng ideya, at malikhaing paggawa ng mga gawain, nakabuo ang mga g**o ng mga kagamitang maaaring magsilbing gabay sa independent learning at classroom instruction