20/09/2026
Temporary Road Closure 👇👇👇
PAUNAWANG PAMPUBLIKO: PANSAMANTALANG PAGSASARA NG KALSADA (RIZAL STREET)
Ipinagbibigay-alam ng Office of the Municipal Engineer sa lahat ng motorista at mamamayan na pansamantalang isasara sa vehicular traffic ang bahagi ng Rizal Street, Brgy. Poblacion, Burdeos, Quezon (partikular sa tapat ng PNP Station).
Petsa ng Pagsasara: Setyembre 22 hanggang Setyembre 29, 2026
Dahilan: Pagtatayo ng *storm drainage system
Muling Pagbubukas: Setyembre 30, 2026 (kapag natapos na ang konstruksyon at naitatag na ligtas na itong daanan)
Pinapayuhan ang lahat na gumamit muna ng mga alternatibong daanan habang isinasagawa ang proyekto at mag-ingat sa pagmamaneho sa mga kalapit na lugar.
Humihingi po ng paumanhin at malawak na pang-unawa ang lokal na pamahalaan sa anumang abalang maidudulot ng gawaing ito para sa pagsasaayos ng ating bayan.
Para sa impormasyon, gabay, at pagsunod ng lahat.