23/10/2021
Liberal ang tunay na magnanakaw!
GABBY BORDADO, BUKING SA DISTRICT OFFICE FUNDS! PHP 37 MILLION BINULSA LANG
Pinabubulaanan pa sana ni CamSur 3rd District Representative Gabriel "Gabby" Bordado Jr ang kumakalat na balita tungkol sa kanya. Ayon dito, puro fake news umano ang kumakalat sa social media ngayon at pawang walang katotohanan.
Ngunit isang dating staff ni Bordado ang lumitaw at nagpadala ng pruweba na ito mismo ang nag-eencash ng tseke na natatanggap buwan-buwan ng Kongresista bilang monthly allowance nito. Ang tseke ay para sa District Operational Expenses kung saan dapat itong gamitin sa mga expenses sa kanyang district office. Sa lagay ni Congressman Bordado, wala itong District Office at hindi rin nito maituro kung saan ang tanggapan nito.
Makikita sa tseke kung gaano kalaki ang natatanggap na pera ng Kongresista para sa Distrito nito ngunit wala man lang itong naitutulong sa mga humihingi ng tulong rito. Wala rin umano itong mga programa tulad ng educational, burial, at medical assistance para sa mga nasasakupan nito.
Minsan na rin umanong may humingi ng assistance kay Bordado ngunit wala itong naibigay. Wala rin itong mga programa para sa educational assistance dahil nang minsang may humingi rito ng scholarship ay hindi rin nito binigyan.
NO OFFICE. NO STAFF. NO ASSISTANCE.
Kung susumahin inaabot ng mahigit sa P37 milyon ang naibubulsa ni Bordado dahil kada buwan ay nakakatanggap ito ng P580,920.00 mula sa Kongreso mula nang maupo ito bilang Kongresista noong July 2016 hanggang sa kasalukuyan. Narito ang kalkulasyon:
- July 2016 hanggang December 2016, nakatanggap ito ng P3,485,520.00. (P580,920.00 x 6months)
- January 2017 hanggang December 2020, nakatanggap ito ng P27,884,160.00 (P580,920.00 x 48months)
- January 2021 hanggang sa kasalukuyan nakatanggap ito ng P5,809,200.00 (580,920.00 x 10months)
Total: PHP 37,178,880.00
Bilang patunay na hindi fake news ang mga kumakalat na balita tungkol kay Bordado, narito ang isa sa mga tsekeng natatanggap ng Kongresista na hindi malinaw kung saan nito ginamit.
Panawagan kay Bordado, sagutin ng maayos ang katanungan ng publiko.
"Cong. Bordado, pakisagot ng mga tanong namin hindi yung sasabihin mo na lang fake news ang mga pinaparatang sayo. Alam naman ng lahat na kahit opisina mo ay wala ka dito." saad ng netizen.