Arangkada Barangay Malabago

  • Home
  • Arangkada Barangay Malabago
Directions

Arangkada Barangay Malabago Barangay Malabago Council Official page. For News, Updates, Activities & Programs. 🫰🏻💚

13/11/2026

A heartfelt tribute and posthumous recognition presented to our beloved former Punong Barangay Pedro Cabatbat Abalos, Sr. in honor of his dedicated service and lasting legacy to Barangay Malabago.🕊️🤍🤍

Thank you Barangay Captain, Dok! 🫡

𝐏𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 💚💛Pinangunahan ni 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐊𝐠𝐝. 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐂𝐚𝐫𝐜𝐡𝐚, kasama ang ilan...
13/11/2026

𝐏𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐆 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒 💚💛

Pinangunahan ni 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐊𝐠𝐝. 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐂𝐚𝐫𝐜𝐡𝐚, kasama ang ilang opisyales ng barangay at mga CVO sa pangunguna ni 𝐂𝐕𝐎 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐀𝐥𝐟𝐢𝐞 𝐀𝐥𝐯𝐢𝐨𝐫, ang paglilinis at paghahanda ng venue para sa nalalapit na 𝐓𝐫𝐢𝐝𝐮𝐮𝐦 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏, na gaganapin sa ating barangay.

Nakiisa rin sa gawaing ito ang masisipag na teaching at non-teaching staff ng 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, sa pangunguna ni 𝐒𝐢𝐫 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐌𝐚𝐲𝐧𝐢𝐠𝐨.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at pagod. Sama-sama nating ihanda ang ating barangay para sa isang makabuluhan at banal na pagdiriwang. 🙏

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨!



Necrological and Interment of our beloved Former Punong Barangay Pedro Cabatbat Abalos, Sr. 🙏🏻🤍🕊️
13/11/2026

Necrological and Interment of our beloved Former Punong Barangay Pedro Cabatbat Abalos, Sr. 🙏🏻🤍🕊️

𝐀 𝐋𝐈𝐓𝐓𝐋𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓, 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐈𝐕𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍! 💚💛Nagbigay ng munting financial assistance, Gatorade, at mga mensahe ng paghikayat a...
12/11/2026

𝐀 𝐋𝐈𝐓𝐓𝐋𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓, 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐈𝐕𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍! 💚💛

Nagbigay ng munting financial assistance, Gatorade, at mga mensahe ng paghikayat ang ating Punong Barangay Angelo Troy Conte para sa ating mga kabataang atleta mula sa Barangay Malabago na kumakatawan sa iba’t ibang high schools sa Calasiao para sa Division Meet 2026 sa Lingayen, Pangasinan.

Sa kabila ng simpleng tulong, nais nating iparamdam na kinikilala at sinusuportahan natin ang kanilang pagsisikap, dedikasyon, at pangarap sa larangan ng sports.

Sa ating mga atleta, ibigay ninyo ang inyong best, enjoy every moment, and play with pride. Tandaan na ang inyong Barangay ay laging nasa likod ninyo!

Good luck players and coaches!
𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐥𝐮𝐜𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭𝐡𝐥𝐞𝐭𝐞𝐬! 💚💛


𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐔𝐑 𝐀𝐓𝐇𝐋𝐄𝐓𝐄𝐒! 💚💛 🏀🏐Pinangunahan ng ating Punong Barangay 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨 𝐓𝐫𝐨𝐲 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞 kasama si Sir Renz Cabate ang pagb...
12/11/2026

𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐔𝐑 𝐀𝐓𝐇𝐋𝐄𝐓𝐄𝐒! 💚💛 🏀🏐

Pinangunahan ng ating Punong Barangay 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨 𝐓𝐫𝐨𝐲 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞 kasama si Sir Renz Cabate ang pagbisita upang ipakita ang buong suporta sa ating mga atleta na kalahok sa 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐄𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa Lingayen, Pangasinan, ngayong November 12 - 15, 2026.

Bilang munting suporta, naghatid ang Barangay Council ng Gatorade para sa mga atleta at coaches ng Calasiao Basketball at Girls’ Volleyball Teams mula sa Doyong-Malabago National High School iba ay captured mula sa ibang school sa Calasiao, gayundin ng kaunting financial assistance para sa ating mga kababayang atleta mula sa Malabago.

𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐥𝐮𝐜𝐤, 𝐚𝐭𝐡𝐥𝐞𝐭𝐞𝐬! Ipagmalaki ninyo ang inyong talento, husay, at determinasyon. Nandito lamang ang inyong Punong Barangay kasama ang buong Malabago Barangay Council, buong pusong sumusuporta at naniniwala sa inyong kakayahan!

𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧, 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐬𝐢𝐚𝐨! 💚💛


𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 💚💛Isang makabuluhang pagtitipon ng pamilya ng Barangay Malabago!Ma...
12/11/2026

𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 💚💛

Isang makabuluhang pagtitipon ng pamilya ng Barangay Malabago!

Matagumpay na isinagawa ang ating General Meeting na dinaluhan ng mga Barangay Officials, SK Officials, Barangay Personnel (CVOs, BHWs, BNS, BSPO, Utility Workers, Garbage Collection Team at Electrician), Pastoral Coordinator, Senior Citizen President, Midwife, CDC Worker, at ilang miyembro ng Lupong Tagapamayapa.

Naging pagkakataon ang pagpupulong upang talakayin ang mga mahahalagang usapin, mga nalalapit na aktibidad, programa at proyekto, gayundin ang kani-kanilang tungkulin at responsibilidad sa patuloy na paghahatid ng maayos at mahusay na serbisyo sa ating mga kabarangay.

Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagbabahagi ng mga suhestiyon, at sama-samang pagpaplano, mas napagtitibay natin ang ating pagkakaisa bilang isang pamilya na may iisang layunin - ang patuloy na pag-unlad ng Barangay Malabago.

Bilang pasasalamat at munting pagkilala sa walang sawang dedikasyon at sakripisyo ng bawat isa, nagtapos ang ating pagtitipon sa isang simpleng salo-salo na handog ng mga Barangay Officials. Isang munting paraan upang iparamdam ang ating pagpapahalaga sa mga taong araw-araw na katuwang sa paglilingkod mula 2023 hanggang sa kasalukuyan.

Sa loob ng tatlong taon ng sama-samang serbisyo sa ilalim ng Administrasyong Arangkada, patuloy nating pinatutunayan na mas nagiging makabuluhan ang paglilingkod kung ito ay ginagawa nang may pagkakaisa, malasakit, at pagmamahalan.

𝐒𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 - 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨!

𝐎𝐍𝐄 𝐓𝐄𝐀𝐌. 𝐎𝐍𝐄 𝐅𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘. 𝐎𝐍𝐄 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘.

𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎! 💚

𝐎𝐍𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘, 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄, 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎! 👑 💚💛Let us show our full support for our very own 𝐉𝐇𝐄𝐍𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐍𝐆𝐃𝐈𝐍𝐆 as she proud...
12/11/2026

𝐎𝐍𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘, 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄, 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎! 👑 💚💛

Let us show our full support for our very own 𝐉𝐇𝐄𝐍𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐍𝐆𝐃𝐈𝐍𝐆 as she proudly represents Barangay Malabago in 𝐌𝐈𝐒𝐒 𝐏𝐔𝐓𝐎 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐒𝐈𝐀𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔!

As she takes the stage, she carries the pride and hopes of our community. Let us stand behind her, cheer for her, and make her feel that the entire Malabago community believes in her!

Together, let us celebrate her journey and show the power of unity and community pride!

👑 𝐏𝐑𝐄-𝐏𝐀𝐆𝐄𝐀𝐍𝐓
📅 November 28, 2026
📍 Robinsons Place Pangasinan

👑 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐒 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓
📅 December 1, 2026
📍 Calasiao Sports Complex

𝐋𝐄𝐓’𝐒 𝐆𝐎, 𝐉𝐇𝐄𝐍𝐍𝐀! 𝐓𝐇𝐄 𝐄𝐍𝐓𝐈𝐑𝐄 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐈𝐒 𝐑𝐎𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔! 💚💛

Makeup by Kim diolazo
Wardrobe | Ronald B. Cruz
Hairstylist | Karla Diolazo
Pasarela by | kim diolazo


11/11/2026

Mga kababayan, bilang paggunita sa ika-130 anibersaryo ng kapanganakan ni dating House Speaker Eugenio P. Perez, alinsunod sa Republic Act No. 6721, nilagdaan natin ang Executive Order No. 0131, na nagdedeklarang Special Non-Working Day ang November 13, 2026 sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Inaanyayahan ko po ang lahat na makiisa sa pag-alala at pagbibigay-pugay sa kanyang buhay at mga naiambag sa ating lalawigan at bansa.

𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 💚💛Masayang ipinagdiwang ng ating Child Development Center - Malabago ang C...
11/11/2026

𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 💚💛

Masayang ipinagdiwang ng ating Child Development Center - Malabago ang Children’s Month kasama ang ating mga batang mag-aaral, supportive parents and guardians, sa pangunguna ng kanilang masipag na Teacher Lorena Tumanan, na may buong suporta ng Barangay Council.

Kabilang sa mga gawain ngayong araw ang pagkakabit ng official Children’s Month tarp at isang masayang coloring activity na nagbigay ng pagkakataon sa mga bata na maipakita ang kanilang creativity at talento. Naging mas espesyal at mas masaya rin ang kanilang pagdiriwang sa pagbisita ng mascot na si Minnie Mouse, sa pakikipag-partner sa Pandayan Bookshop. 🐭🎨

Patuloy nating isinusulong ang isang ligtas, masaya at makabuluhang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay nabibigyan ng pagkakataong matuto, maglaro at umunlad.

Dahil ang bawat bata ay mahalaga, bawat ngiti ay kayamanan, at bawat pangarap ay nararapat bigyan ng pagkakataon! 💚💛


Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arangkada Barangay Malabago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share